Ang sarap ng bakasyon! Namiss ko 'to eh! Pwedeng medyo tanghaliin ng gising—yung mga alas otso ganon.
Akala niyo siguro mga alas onse kami gigising 'no? Hindi pwede 'yon. Nako! Pihadong magbubunganga na naman si Mama kapag literal na tanghali na kaming gumising. Siyempre, kami lang ni Mase ang maiiwan sa bahay, edi kami rin ang maglilinis. Araw-araw din 'yon habang walang pasok. Pero at least di kami mamumroblema sa readings, assignments, projects. Pagtapos ng gawaing-bahay, petiks na heheh.
Tapos siesta sa hapon. O kaya maglalaro ng xbox magdamag. Ngayon pwedeng magpuyat basta ba gigising pa rin ng maaga.
Dis is layp!
Pero alam niyo ba, nagulat ako kasi nakilaro ng Borderlands si Mase sa'kin. Na-bore na rin sigurong magbasa ng mga libro niya. Nahirapan lang kami kasi maliit lang naman ang TV namin tapos split screen pa. Kaya kailangan naming lumapit sa TV. Ang gusto ko kapag siya ang kalaro ko, tahimik lang kaya nahahawa ako. Pero ayos lang kasi nakakapag-concentrate ako sa ginagawa namin.
"Kumusta sa Uste?"
Sa sobrang gulat ko sumablay yung headshot ko sa kalaban kaya napalatak ako nang malakas. Aba, ngayon lang nangyari na si Mase ang nagsimula ng usapan! "Sakto lang. Wala namang masyadong nagbago."
"Napano na yung manliligaw mo?" tanong na naman niya.
Kailangan ko tuloy bagalan ang paglalaro kasi nahihirapan akong magmulti-task. Natututo pa lang nga kami ng goldfish memory kong magmemorize at umintindi ng kumplikadong bagay. Ayokong mabigla kami, huehue. "Sabi ko ayoko pang magpaligaw eh. De 'yon."
"Ah, okay."
"Ikaw? Kumusta naman ang panliligaw mo kay Sapio Girl?" balik-tanong ko tas mahina siyang natawa.
"Kailan ba darating yung graham balls mo?"
Huminto ako sa paglalaro at hinayaan siyang gawin yung mission namin. Boss fight na kasi. Kailangan naming i-infiltrate daw yung lungga ng mga bandits at talunin yung boss na si Sledge. Mahirap na kapag sumugod kami dun tas di ako maka-concentrate, baka mamatay kami pareho. "Ay, pagtapos pa raw ng Pasko madedeliver ni Ate Peachy eh. Sasagutin ka na ba, ha?" excited kong tanong.
"Magpapaalam pa lang manligaw." Hindi nakatingin sa'kin si Mase kapag sinasagot niya yung mga tanong ko. Pero namumula yung tenga niya.
"Ay onga. Nasabi nga rin ni bespren na di ka pa raw nanliligaw."
Biglang may napindot si Mase. Natapon niya yung granada kaya naglabasan lahat ng bandits at pinaulanan siya ng bala kaya namatay yung character niya. Buti na lang nasa malayo ako kaya di ako nakita ng mga kalaban. "A-Ano namang masasabi mo?"
Habang nagre-respawn si Mason, tinuloy ko na ang laban. Ako muna ang nagsi-snipe ng mga kalaban. Laking pasasalamat ko talaga na di pa lumalabas yung boss eh. Yun nga lang, di ako agad nakasagot sa tanong niya. Nung nakahabol na siya, saka lang ako nakapag-isip. "Ambagal mo. Diba old-school na yung magpapaalam manligaw? Kita mo nga si Kuya Mac, katext lang niya, bukas-makalawa sila na—"
"'Wag mo ngang tinutulad sa mga babae ni Kuya Mac si Louie," parang inis na sambit niya.
Kumunot ang noo ko. "Siyempre naman mas angat si bespren sa kanila 'no! Parang kinumpara mo ang German Shepherd sa kuto! Pero teka...diba si Sapio Girl ang pinag-uusapan natin? Paanong napasok sa usapan si Louie?" Eto ang ayaw ko kapag pinipilit ko ang sarili kong naglalaro at nag-iisip at nakikipag-usap nang sabay-sabay eh. Nawawala ako sa usapan. Tsk.
Sa wakas, lumabas na si Sledge! Akala ko tatahimik na si Mase. Pero kinausap pa rin niya ako. "Akala ko ba sinabi ni Louie sa'yong di pa ako nanliligaw?"
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...