Malaki na talaga ang goldfish memory ko.
Mantakin niyo, pumasa ako sa Theology! Lahat naman kami pumasa, pero kasi...dos ang grade ko! Mataas na 'yon! Lagi kasing 2.5 ang grade ko eh. Wala pang tumaas dun. Ngayon pa lang nangyari 'to!
Ang saya nga ni Mama nung sinabi ko sa kanya. Dapat ganun daw lagi kaya ipagpatuloy ko raw.
Ang kaso, hindi ko alam kung ano ang eksaktong ginawa ko. Tsk.
Basta pagkauwi ko at saktong wala pa sina Kuya Chuckie at Kuya Mac, sisilipin ko yung FB para alamin kung in-accept na ba ni Taki. Pero enko dun. Di yata active sa FB eh. Ilang linggo nang nakatengga yung friend request ko sa kanya, di pa rin tinatanggap. Ni-follow ko naman na siya, kaso...puro lyrics lang ng kanta tsaka repost ng quotes ang nandun. Eh yung mga pictures niya ang gusto kong makita. Puro naka-private naman.
Inisip ko na lang na baka busy siyang mag-aral. Kaya nag-aaral na lang din ako pansamantala.
Minsan nga nakakatulugan ko ang pagbabasa habang nakasandal kay Kuma-chan eh.
Pero ayun nga, parang mas madali na para sa goldfish memory kong makaalala at makaintindi ng mga bagay-bagay.
Nagsimula lang talaga yun nung tinatago ko sa loob ng punda ng unan o kaya ginagawa kong bookmark yung picture ni Mr. Smiley na may autograph niya. Akalain niyo, mabisa pala talaga yung technique ni Louie!
---
"Natapos ko na ring basahin ang sanaysay ninyong lahat," bungad ni Miss Grace pagkalapag niya ng mga gamit niya sa table. "Yung iba, masyadong siniseryoso. Hindi naman ito sociology class pero talagang inihambing niyo ang french fries sa pagkakaiba ng bawat tao..."
Habang nagsasalita siya, at nagtatawanan ang mga kaklase ko, hindi ako mapakali.
Nawawala kasi yung picture ni Taki na may dedication pa niya, huhuhu.
Ang alam ko, nasa pitaka ko 'yun eh! Naging ritwal ko na kasi yung paggising ko sa umaga, kukunin ko yung picture niya sa loob ng punda ng unan ko tas ilalagay ko sa pitaka ko, o kaya iiipit ko sa notebook. Pero binaliktad ko na't lahat ang bag ko, di pa rin lumilitaw.
"Ano ba 'yang hinahanap mo? Bubble gum ba?" bulong ni Martin kasi pinahawak ko sa kanya lahat ng gamit ko.
"De, lucky charm ko," mahinang bulong ko.
"...Meron ding iba sa inyo na isinalaysay kung paano niluluto ang french fries... pati mga sangkap, ilang minuto lulutuin, kung paano ang mabisang pagtanggal sa mantika..."
"Ano bang itsura?" tanong ulit ni Martin.
"Picture galing sa magazine na may autograph."
"Artista?"
"Oo," lukot ang mukha kong sabi sa kanya habang kinukuha ko ulit ang mga gamit ko sa kanya at nilagay ulit sa bag ko. Tapos yung pitaka ko ulit ang kinalkal ko kahit isa lang naman ang zipper at puro barya lang ang laman. Binukadkad ko rin yung kaisa-isang bente pesos na papel baka sakaling nasama ko dun pero wala rin eh. Huhu. Nasa'n na ba 'yon?
"...pinakanatuwa ako sa naghambing ng french fries mula sa sa McDo, Jollibee at kung anu-ano pang kainan..."
"Sinong artista? Anong pangalan?"
"Taki Grasa."
"Ha? Ngayon ko lang narinig. International celebrity ba galing Japan? Voice actor, ganon?"
"...pero ang pinakagusto niya, ay yung luto ng Mama niya na mas sumasarap daw kapag pinagsasaluhan ng buong pamilya."
"Naaaks! Hugot!"
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...