Chapter 5

15.8K 316 91
                                    

Habang naglalakad kami ni Hiro papunta sa klase namin, nararamdaman ko na naman ‘yung matatalim na tingin ng mga kaklase naming babae. Bakit parang anlaki ng galit nila sa'kin eh hindi ko naman sila inaano? Siguro dahil ayaw silang ilibre ni Hiro. Nung isang araw kasi na sinabi kong ilibre din niya sina Chelsea, di ako pinansin! Ansunget!

Kaya ‘di ko na natiis. Huminto akong maglakad tas pinauna ko si Hiro na hindi ako pinansin kasi busy maglaro ng PSP. At kahit labag sa kalooban ko, hinarap ko sina Chelsea nang nakangiti. “Ano… pinapabigay ni Hiro. Sa inyo na lang daw.” Tas inabot ko ‘yung yakap kong Ruffles kay Chelsea bago ako pumasok sa classroom namin.

Natatakam ako habang nakikita ko silang kumakain. Sana maisipan nilang bigyan ako. Akin naman dapat ‘yun eh. Gusto ko lang mag-share para maging friends kami. Sana hatian din nila ako.

“Sige, alis na ako. Tulad ng dati, i-text mo na lang ako ‘pag may quiz tayo,” bilin ni Hiro at tumayo na ulit pagtas niyang ibulsa ‘yung PSP niya.

“Mmmm,” ungol ko kasi nakatingin pa rin ako kila Chelsea na pinagpipiyestahan ‘yung Ruffles ko.

Siguro napansin ni Hiro na wala na akong hawak na chichirya kaya napasinghap siya. “Naubos mo na ‘yung junkfood?” bulalas niya. “Ay grabe, ang siba mo talaga!”

“Ansaket mo namang magsalita! Di naman ako masiba, onti lang,” angil kong nakanguso. Magsasabi-sabi na naman sana siya pero inunahan ka na. “Binigay ko kila Chelsea,” sabi ko sa kanya at naramdaman kong mas humaba pa yata ang nguso ko. “Meron ka pa bang Ruffles? Hehe.”

Umikot lang ‘yung mga mata niya. “Ibibigay mo sa iba tapos manghihingi ka sa’kin nang bago. Ayos ka rin eh. Edi hingin mo ulit sa kanila. Sige, bye.”

 

Waaaah, wala na akong Ruffles sa araw na 'yon, huhu. Naiiyak na akong nakatanaw sa mga kaklase kong babae na nasa hallway. Bakit kaya ganun? May mga taong di marunong mag-share. Lagi ko naman silang inaalok kapag meron akong pagkain, sila lang ‘yung nahihiyang kumuha ng marami lalo na ‘pag andito si Hiro. Takot yata sa kanya eh.

“Mahal na Pinuno, may problema ka ba?” narinig kong may nagtanong tas pagtingin ko sa tabi ko, nandun na si Martin.

Umiling lang ako at tumingin ulit kila Chelsea. “Wala. Gutom lang.” Grabe, kahit sila Paolo na humihingi sa kanila di nila binibigyan! Ako nga ‘pag humihingi sila Martin sa’kin, kahit ayaw ni Hiro binibigyan ko nang patago eh. Kahit tira-tira na lang.

“Hindi ka ba nag-aagahan bago umalis ng bahay niyo?” tanong ni Martin.

“Nag-aagahan.”

“Eh bakit gutom ka na ulit?”

“Kasi… lagpas dalawang oras na ‘yon. Natunaw na ng tiyan ko lahat ng kinain ko,” paliwanag ko. Pag gising ko kasi, kain muna bago ligo eh. Kaya ayon, pagdating ko sa school, gutom na ulit, hehehe.

“Ano ba yan. Para ka namang bagong panganak na baby, kumakain kada-dalawang oras,” puna niya.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon