Chapter 38

3.2K 197 322
                                    

"Astig naman niyan, Charlie!" maya't-mayang bati sa'kin ng mga nakakasalubong kong kakilala.

"Diba? Tara, iangkas kita, hahaha," balik ko naman.

Halos araw-araw akong nakakarinig ng ganyang kumento 'pag nakikita nila ako. Manghang-mangha kasi sila sa de-padyak na scooter ko. Araw-araw kong dala sa school para mabilis makalipat sa susunod na classroom o sa kahit anong lugar sa campus basta ba hindi masyadong malubak yung dadaanan. Ang maganda pa, natutupi siya, kaya kahit saan ako pumunta, bitbit ko sya. Pwede ko pang ipasok sa loob ng classroom.

Laking pasasalamat ko talaga sa nagbigay ng scooter na 'to. Kahit di ko alam kung sino. Sabi nga nina kuya, may Secret Santa ako eh.

"'Di kaya yung kaibigan mo na naman ang nagpadala niyan?" tanong ni Kuya Chino habang naglalaro kami ng Borderlands.

Umiling si Kuya Marcus. "Magsasabi 'yon kung nagpadala ng anything. I confronted him nung pinadalhan niya ng chocolates si Prinsesa noon."

Di ko na lang sinabi sa kanilang hinanap ko si Pareng Brian sa FB. Akala ko rin kasi sa kanya rin galing yung scooter kaya nagpa-thank you ako. Eh di naman pala. Sabi ko na lang kapangalan niya yung nagbigay kaya na-wrong send ako.

Saka niya sinabing 'di muna raw niya ia-accept yung friend request ko kasi baka magalit na naman sina kuya. Mukhang tama ang hinala niya. Haaay. Ang mga kuya ko talaga, 'di makalimot. Nakakalungkot na okay lang na nakakapunta dito sina Nile at Pareng Brian dahil kina Mase at Kuya Macoy. Pero dahil sa'kin, parang nawala 'yon.

"Don't tell me, secret admirer na naman?" asik ni Kuya Chuckie.

"Ayan ka na naman eh," iling ni Kuya Mac. "Wala na tayong magagawa kung mana sa'kin si Prinsesa at maraming nagkakagusto sa kanya. Tutal naman mukhang 'di pa interesadong magpaligaw si Charlotte, hayaan na natin."

Enko ba kung bakit alalang-alala si Kuya Chuckie. Wala pa naman sa isip ko yung ligaw-ligaw. Goldfish memory ko nga, bata pa. Hirap pa sa pag-aaral. Saka ko na iisipin 'yon 'pag adult na kami.

"'Labo din ng nagregalo sa'yo eh. Sana bike na lang ang binigay. Para 'di ka na pumapadyak lagi." Si Hiro na nakatutok sa cellphone niya kaya di niya nakitang tinignan ko siya nang masama.

"'Di ko madadala sa loob ng classroom 'yon," depensa ko na lang.

"Bakit, may foldable na bike naman ah."

"'De kung magbibida ka ng ganyan, ikaw ang magbigay," balik ko naman tas tinaasan niya ako ng kilay. "Buti nga binigyan ako ng nagagamit ko kahit 'di naman ako humingi. Siguradong mabait yung nagbigay sa'kin," pagbibida ko."'Di tulad ng isa dyan," labas sa ilong kong bulong.

Umikot lang ang mga mata niya bago tumayo. "Sige mga Kuya, aalis na ako. May pupuntahan pa ako. Hinatid ko lang talaga 'yung mga chocolates galing kina Mommy. Ubusin niyo lahat 'yan, kuya ha. 'Wag niyo nang tirhan yung isa diyan kasi 'di ako mabait." Nginisian na naman niya ako bago tuluyang umalis.

Limang minuto ang hinintay ko para makasigurong wala na si Hiro bago ko binitawan saglit yung controller at lumapit kay Kuya Chuckie. "Kuya, 'di ako magpopost sa FB na binigyan mo ako ng chocolate. Penge ako ah, huehue."

Umiling lang siya pero binigyan pa rin naman ako ng isang bite-size na Twix. "Isa lang per day. Baka masira ngipin mo."

Agad kong binuksan at sinubo 'yung chocolate bago bumalik sa game namin ni Kuya Chino.

"O, bakit umalis na si Hiro?" bungad ni Papa habang papasok ng bahay, bitbit ang mga plastic galing palengke at grocery kaya nagmano kaming lahat at halos mag-agawan sa mga plastic na hawak nila. Naubusan nga ako eh, kaya bumalik na lang ako sa paglalaro para ayusin yung mga baril ng character ko.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon