Chapter 11
Lumabas na ang first batch na female models. Susunod dito ang first batch na male models. Apat na models ang bawat batch. Tatlong batch sa female models at tatlong batch din sa male. Hindi pa bilang ang mga models sa finale. Kami yun. Apat din na female at male models sa finale. Pero iba ang moves nung saamin kesa sa mga nauna na models.
"Oh my god! Am I late?" Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si nicole.
"Just. In. Time." Sabi ko.
"Sorry." Tsaka siya nag'peace sign.
"It's okay. First batch pa lang naman." Sabi ni kim.
Nagbuntong hininga siya at tumango. "Nakita niyo na ang mga male models?" Bigla niyang tanong.
"Hindi pa. Bakit?" Tanong ko.
"Wala lang. Hihihi." Sagot niya sabay hawi nang buhok niya.
Para tong tanga! Ang pangit tumawa. Kalandian!
Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang pangalan ni max.
"What are you doing?" Tanong niya sa akin.
"Calling my cousin. Maximo Dean Pineda." Pagmamalaki ko. I smirked.
Agad namang nag'straight face ang mukha niya. "Bakit mo pa siya tatawagan? Nandiyan lang siya sa labas. Nasa table." Sabi niya.
Oh, kung ganun baka kausap niya na si bernadette. "OH MY GOD!!!" Sigaw ko.
Napatingin sakin ang mga models na nagre'ready nang lumabas.
"Oh, bakit?" Tanong ni nicole.
"Why?" Tanong ni kim.
"Nandun din sa labas si bernadette." Sabi ko kay nicole.
"Sinong bernadette?" Tanong ni kim.
"Bernadette? Your twin?" Tanong ni nicole. Tumango lang ako.
Napasilip ako sa phone ko at nakitang may nag'text doon. Ang kambal ko!
Bernadette:
There's a creepy guy here, talking to me. He's calling me by your name. And it sucks! Argh!
Natawa ako sa kaartehan nang text ni bernadette. Agad akong sumilip sa pinto kung saan ako pumasok kanina. Kita ko doon ang mga nanunuod sa stage. At kitang kita ko rin si bernadette na iritang irita na ang mukha dahil sa kausap niya na si max.
Meron agad pumasok sa isip ko na ideya.
Lumabas na mula sa stage ang mga third batch na female models. Ibig sabihin ay third batch na nang male models ang nasa stage.
"Okay! it's your turn kim!" Sabi ni ashley.
"Okay!" Sagot ni kim at nagtungo na sa stage.
"Get ready nicole. Your next!" Sabi ni ashley at sumunod na rin kay kim.
"Last ako?" Tanong ko.
"Yup. Ayaw mo nun? Ganda mo!" Sabi ni nicole.
Ilang saglit pa ay bumalik na si kim.
"Your turn, Miss Perez." Masayang sambit ni kim.
"Okay." Sagot niya at tumungo na sa stage.
"Ang gwapo nang partner ko!!" Masaya ulit na sambit ni kim.
"What? Partner?" Tanong ko.
Shocks!
"Yah! I heard bago lang siyang model pero parang hindi naman! Ang galing niya at sheeet! Ang hot!!" Kinikilig na sambit niya.

BINABASA MO ANG
Stupid Love
Teen FictionMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...