Chapter 26

32 1 1
                                    

Chapter 26

Pagkatapos ng agahan ay naisip kong pumunta sa dalampasigan. Nagdala ako ng panglatag para makaupo ako. Ang mga kasama ko ay nagkayayaang mag swimming sa swimming pool area ng resort.

Mas gusto kong mapag-isa kaya dito ako nagtungo. Sa ganitong paraan ay makakapag-isip ako ng maayos.

I am mad to Bernadette. Bakit kailangan niyang sabihin iyon kay Desteen? Bakit hindi sa akin? Bakit hindi siya sa akin mismo mag sabi!

Pumikit ako ng mariin nang maalala ang mga pinagsasabi niya kagabi. To think na kapatid, or worse, kakambal ko siya. Grabe ang pag babackstab na ginawa niya sa akin. Ibang iba! Akala niya siguro ay magtatagumpay siya sa mga plano niya. Ha! Ako pa ba?

Hindi pa nga talaga namin kilala ang isa't isa. At hindi ako mag aaksaya ng panahon para kilalanin pa siya. Parehas lamang sila ng tatay niya! Parehas silang sinungaling! Sana ay hindi na lamang sila nagpakita pa sa amin kung gulo rin pala lamang ang dala nila.

"Masyado naman atang malalim yang iniisip mo?"

Nilingon ko ang lalaking dahilan ng pagkagalit ko sa aking kapatid.

He's wearing dark blue shirt and a black board shorts. Kuminang ang kanang hikaw niya sa tainga nang tumapat iyon sa araw. Umiwas ako ng tingin. May butas siya sa tainga? Damn!

"Sino yang iniisip mo?"

Umupo siya sa tabi ko. Mabuti at medyo malaki ang nilatag kong tela at nagkasya siya.

"Kailan ka pa nag ka ganyan?" Tanong ko.

Nginuso ko ang hikaw niya. Tumaas ang kilay niya sa ginawa ko.

"Second year... Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino yung iniisip mo kanina?" Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga kamay namin.

Tumingin ako doon.

"Bakit mo naman nasabing 'sino' yung iniisip ko kanina? 'Di ba pwedeng 'ano'?" Sabi ko.

Tinitigan niya ang mga mata ko.

"O sige, ano ang iniisip mo kanina?"

Tila hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya nalalaman ang gusto niya. Ngumiti ako.

Bumalik ang mga mata niya sa kamay naming dalawa. Habang ako ay nakatingin lamang sa mukha niyang napaka-perpekto.

"Kung ano ang magiging future ko... Business owner or a Financial manager... At kung ilan ang magiging anak ko. Mga ganong bagay..." Talagang hinintay ko ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko.

He smiled. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay hinalikan niya ang kamay ko.

"Ilan ba ang gusto mong anak? Hmmm.." tanong niya na nangingiti.

Tumaas ang kilay ko at tinignan ko siya na parang nanunukso.

"Bakit ba curious ka? Syempre, kami nang bahala ng mapapangasawa ko ang magdedesisyon no'n.."

"O, edi magdesisyon na tayo ngayon!" Seryoso niyang sinabi.

Natahimik ako ngunit sa loob loob ko ay parang may mga insektong nagdiriwang doon. Tumingin ako sa asul na dagat.

Tama bang pag usapan ang mga ganitong bagay sa ganitong edad namin? Damn it!

"Ikaw ba mapapangasawa ko?" Tanong kong hamon sakanya.

Natahimik siya sa sinabi ko. Diretso ang tingin niya sa akin ngunit hindi niya parin binibitawan ang kamay ko.

"I'll make sure that I will be the father of your children, Stefanie. I will be your husband. Sa ayaw at sa gusto mo, you have no choice but to marry me.."

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon