Chapter 12

28 1 0
                                    

Chapter 12

Every weekends ay rehearsal lamang ang ginagawa namin. Nag-eenjoy naman kami. Although pagod dahil sa mabilisang pagbibihis nang damit. Isinasama na kasi namin sa rehearsal ang pagpapalit ng damit para daw masanay at dina kami mahirapan pag totohanan na.

Panay ang simangot ni Max tuwing nagrerehears kami dahil sa partner ni Nicole. Nilabas niya ang sama nang loob niya sa amin nang pumunta kami sa bar.

"What's the problem? Mukhang wala namang gusto kay Nicole yung lalaki.." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"Bakit ako noon.. Mukha ba akong may gusto kay Nicole? 'Di ba, hindi? Diyan iyan nag-uumpisa! I'm also a man, Stef.. Alam ko na lahat ang galawan nang mga lalaki.."

Napangiti si Bernadette sa sinabi ni Max.

"Really? Payuan mo nga kami para hindi kami mabiktima ng mga galawang hokage!" Tumawa si Bernadette.

"Hokage? Really.. You're from States, right? Why do you know that word?" Tanong ni Max.

Tumawa ako. Umirap si Bernadette.

"Hello.. Duh.. Facebook.." Winagayway ni niya ang cellphone niya.

"Tsss.. Fucking facebook.." Umiling si Max.

Maingay na naupo sa upuan ang dalawa ko pang pinsan na lalaki. Si Troy at Ken.

"Gago ka, dude! Hinawakan mo yung pwet nung isa! Bastos ka!" Tumawa si Troy.

"Ikaw ang gago! Una siyang nang hawak nang dibdib, e! Ginantihan ko lang! Mga girlfriend ko lang nakakahawak ng dibdib ko, dude! Ang swerte niya nga, e.." Natatawang sinasabi ni Ken.

Napailing na lang ako. Nagsalin ng alak si Max sa baso niya at tinungga iyon. Pagkatapos ay nakisali narin sa usapan nang dalawa ko pang pinsan. Tawanan ang ginawa nila habang nag-uusap tungkol sa mga babae.

"Naglalasing na naman ang isang iyon." Nginuso ni Bernadette si Desteen.

Tinignan ko ang tinuturo niya. Nakita ko si Desteen sa bar side at nag iinom mag-isa.

"May problema ba siya?" Tanong ko.

Nag-kibit balikat lamang siya.

"Hindi ko alam. Wala naman siyang sinasabi.."

Ganito ang ginagawa namin tuwing pagkatapos ng rehearsal. Niyaya namin ni Bernadette ang mga pinsan naming mag bar. Ganun din naman na araw-araw sila dito.

Umingay lalo ang music dahil nagpalit nang DJ. Nag-hehead bang ako habang nanunuod nang mga sumasayaw sa dance floor.

"Sayaw tayo!" Sigaw ni Bernadette para marinig ko ang sinasabi niya.

Tumawa ako at tumango.

Tumayo kaming dalawa at nagtungo sa dance floor. Sayaw at tawa ang ginagawa namin.

Habang nagsasayawa kami ay may nararamdaman akong likod na tumatama sa likod ko. Noong una ay hindi ko pinapansin dahil natural lamang iyon dahil nasa dance floor kami. Pero nang mas lalong dumidikit ay nilingon ko na.

"Can you please.."

Hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil nakita kong may kahalikan pala ang nakakatama sa akin. Likod iyon nang isang lalaki na may kahalikan. Nakatingin lang ako sakanila hanggang sa tumigil sila.

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon