Chapter 7

54 4 0
                                    

Chapter 7

Tamad kong pinaandar ang kotse ko at nagmaneho na. Sa kabilang side ako ng parking lot dumaan para hindi ko sila madaanan.

Hindi man lang nakapag antay pumunta sa pupuntahan nila, talagang doon pa sa parking lot!

I'm on my way to our company. Matagal na akong hindi nakakapunta sa building namin. I don't have time since nag fourth year high school ako.

Pagkadating ko sa building, bumaba ako ng kotse at pumasok agad doon. Binati ako ng guard ng dumaan ako sa entrance nang building, binati ko rin sila pabalik.

Naglalakad ako sa lobby ng mapansin kong nakatingin halos lahat ng empleyadong dumaan saakin.

Tinignan ko ang suot ko. Okay naman ah? Naka-uniform naman ako. Anong problema?

"May problema ba sa mukha ko o sa suot ko?" Tinaasan ko sila ng kilay.

Umiling lang sila at bahagyang nag bow. That's more like it.

Nang nasa lobby nako. Lumapit ako sa receptionist. Nung last na punta ko dito, hindi siya yung receptionist ah?

"Where's my mom? Nasa office ba siya?" Tanong ko.

"Si Madame Lydia po ba? Nandu~" hindi ko siya pinatapos at nagsalita ako.

"No. I'm talking about my mother. And my mother, is the CEO.." mahinahon kong sinabi.

Agad nanlaki ang mata niya.

The nerve of this woman! Madame Lydia daw? Mukha ba kaming magkapatid ni mommy? Matanda naba ang itsura ko?

Tumingin siya sa paligid niya bago nagsalita. Nahiya ata. May mga empleyado kasing nakatingin samin.

"I'm really sorry, Ma'am.. May meeting po siya sa ngayon. Pero pwede niyo naman po siyang hintayin sa office niya. Nandun po ang secretary niya." Sabi niya.

"Okay. Thanks!" Tinitigan ko muna siya sa mata bago ako umikot para maglakad papuntang elevator.

Pagdating ko sa floor ay sobrang tahimik. Ang mga taong nasa kani-kanilang cubicles ay sobrang busy. Lahat sila ay nakatutok sa kani-kanilang screen.

Diretso ako sa office nang mommy ko. Ngunit bago ako makapasok roon ay agad kong namataan ang kanyang sekretarya.

"Hi, Ate Geraldine!"

Napalingon siya sa akin at tumayo.

I smiled at her. Ang kanyang mahaba at nakataling buhok ay sumusunod sa mga kanyang galaw. Ang kanyang mukhang akala mo ay inilalaban sa mga pageant ay ganon parin. Walang nagbago sakanya.

"Stefanie! Napadalaw ka? May kailangan ka ba?"

Umiling ako agad.

"These past few days kasi laging late na umuuwi si Mommy. Can you please tell me what's wrong?" I asked.

She just smiled.

"There's no problem here, Stefanie.. You don't have to worry. Kung mayroon man ay kayang kaya ng Mommy mo yon.." she assured me.

Matagal ng nagtatrabaho bilang secretary dito si Ate Geraldine. She is a trust worthy employee. Makikita mo talaga sakanya na mapagkakatiwalaan siya. Her attitude and personality are just like her pretty face. Ilan na kaya ang mga lalaking sumubok manligaw sakanya?

Sa sobrang tahimik ng floor ay napalingon agad kami nang narinig namin ang tunog ng elevator. Nang bumukas iyon ay namataan ko agad si Mommy.

She's with someone that wearing tuxedo. Imbis na sa nanay ko ako nakatingin ay sa lalaki lamang nagtagal ang mata ko. Habang palapit sila ng palapit ay namumukhaan ko na kung saan ko nakita ang mukhang iyon.

Sa picture frame namin sa bahay!

Nang nakalapit sila ay nanlaki ang mga mata ko. Ganon din ang reaksyon ni Mommy at ng lalaki.

"Anak, bakit ka nandito?" Tanong agad ni mommy tsaka niya ako nilapitan.

Hindi siya nakuntento sa paglapit niya. Hinila niya ako papasok sa office niya kaso biglang nagsalita yung lalaki.

"She is also my daughter. Hindi mo ba ako ipapakilala, Janet?" sinabi ito ng lalaki gamit ang malalim at malamig na boses.

Lumingon si mommy sakanya at ganun din ang ginawa ko.

Nakatitig sakin ang lalaki.

"Pwede ba, Carlos! The business meeting is done! Umalis ka na!" Matigas na sabi ni Mommy.

"Mommy.." I said. Asking for explanation.

Tumayo ng tuwid ang lalaki at nilagay ang mga kamay sa bulsa. Si Mommy ay hindi na alam ang gagawin. Maging ako ay hindi narin alam ang iisipin.

"Bakit mo ipinagdadamot ang anak natin, Janet?"

"Tumawag ka ng security Geraldine!" Sabi ni Mommy. "Ano? Gusto mo ipakaladkad kita sa mga guards? o aaalis kana?!" Bulyaw niya.

Pati si Ate Geraldine ay hindi alam kung susundin ba ang gusto ni Mommy o hindi. Damn, what is happening!

Ibubukas sana ulit ng lalaki ang bibig niya para magsalita kaso may dumating na nakadress at naka stilleto na babae.

Shit.

Why do I look like here?

Tamad niyang tinignan ang lalaki at pagkatapos ay si Mommy at ako. Nanlaki ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin.

"Oh my god! Who the hell are you!?"

Sa sobrang gulat ko, walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko rin maalis ang paningin ko sakanya. Magkamukhang magkamukha kami. Who is she!? Damn, bakit kami magkamukha!

Naramdaman ko rin na nagulat si Mommy sa nakita niya. Di siya nagsasalita at hindi rin siya gumagalaw.

"Diba sabi ko sayo wag kang bumaba ng sasakyan!" Sabi ng lalaki.

"But Dad! Who is she!?" Sabay turo niya saakin.

"Carlos, Ano to?" Mahinahon na tanong ni Mommy.

Nang hindi sumagot ang lalaki sakanya ay bumuntonv hininga si Mommy.

"CARLOS, ANO TO?!" Bulyaw niya.

Tumingin siya sakin.

"Kambal siya ni Stefanie."

Tumingin naman siya sa kamukha kong babae.

"Kambal mo siya Bernadette.."

What?

"Pano sila naging kambal Carlos?! Ipaliwanag mo nga!" sigaw ni Mommy.

Hindi ako makapanilwala na may kakambal ako, na may kapatid ako. But how? Ni hindi alam ni Mommy na may kapatid ako, na may isa pa siyang anak. Paano iyon?

"Dad, are you kidding me? I have a twin?!" maarteng reklamo nung babae.

Okay. I need to breath. Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Can someone please help me to get out of here?

Biglang nagring ang cellphone nung lalaki. Tumingin muna siya saming lahat bago niya sagutin ang tawag.

"Excuse me." sabi niya.

Hinintay namin siyang matapos sa kausap niya. Pero pagbalik niya, namumutla siya.

"I'm sorry, we have to go. I'll explain this to you, soon.." diretso niyang sabi kay Mommy.

Tumingin siya sakin. "Anak, magpapaliwanag ako. Pero hindi ngayon..." at hinalikan niya ako sa noo.

"But Dad!" Reklamo nung babaeng kasama niya.

"No buts, Bernadette. Let's go!" sabi niya.

Hinila niya ang babae at mabilis na naglakad patungong elevator. Bumuga ako ng hangin at hindi parin makagalaw dahil sa nangyari.

Is that a fucking dream?

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon