Chapter 25

31 1 0
                                    

Chapter 25

Kinagabihan ay sabay sabay kaming lumabas ng aming mga kwarto at nagkita-kita kami sa restobar ng resort.

Sa likod lamang iyon ng main building kaya madali iyong makita kung nakatambay ka sa veranda ng room mo.

Sabay sabay kaming nagtungo roon. Kasama ang mga iilan pang friends ni Ken. I'm not familiar with their names kahit na pinakilala na ito isa-isa kanina.

Isang long sofa sa gitna ang nakaayos para sa amin, para bang para ito sa mga VIP guests. Mayroon ding mini stage sa harap na para bang ngayon lang iyon nilagay. Kumunot ang noo ko.

"What's with the stage?" Sambit ko.

Tumingin sa akin ang iilan pero si Ken lamang ang sumagot.

"Later, cousin.. You'll see!" Talagang diniin niya yung huling salita na sinabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay bilang sagot.

"Ayusin mo yang 'you'll see' mo Ken, ha! Last time na nag ganyan ka muntik kong makatay tong pinsan mong si Maximo!" Sabi ni Nicole.

Kita kong sumimangot si Max sa sinabi ni Nicole at si Troy at Ken naman ay humagalpak.

"Asshole Troy is the one who stole your phone!" Depensa ni Ken.

"Fuck you, men! Past is past! Dika na naka move-on!" Tumatawa pa si Troy na sinasabi iyon.

Ken just laughed.

Naikwento sa akin ni Nichole yong araw na pinagtripan nila Troy at Ken si Max. May tinext silang Ex fling ni Max na nakalagay sa message ay "I want to fuck you. Please, come to my condo."

Sobrang galit ni Nicole kay Max noon. Hindi alam ni Max kung paano susuyuin si Nicole. Nung umamin yung dalawa ay doon pa lamang nagbati ang dalawa. Halos di pa nga maniwala si Nicole sa sinasabi nung dalawa noon.

Pinaghalong mga kanta ni Zedd ang naririnig sa buong bar. At ang dim lights lang ang nakikita na sumasabay sa beat ng tugtog.

Nang naglatag na ng ilang matatapang na inumin at pagkain ay mas lalong umingay ang paligid. Meron ding iilang dumating kaya lalong umingay.

Katabi ko si Nicole at Bernadette. Sinulyapan ko si Nixon na nandoon, kasama ang ilang boys. Sakto namang nagtagpo ang mga tingin namin. I raised my eyebrow at him and the asshole just smiled! God!

Nanatili ang mata ko sakanya nang nakita kong may ibinulong siya sa katabi niyang si Maximo. Tumango tango ang pinsan ko at tumingin sa banda namin. He smirked.

Tumayo si Nixon at nagtungo sa amin. Nagtaka ako ng binulungan niya si Nicole. Nakakunot pa ang noo ng kaibigan ko nang pinapakinggan niyang maiigi ang mga sinasabi ni Nixon.

Tiningala ko si Nicole ng tumayo siya habang nakangiti.

"I'll just go to Max.." sigaw niya para marinig ko.

"Why?" Sigaw ko pabalik.

Ngunit sinagot niya lamang ako ng kibit-balikat.

How dare you, my friend! Ipagpapalit mo lang ako sa pinsan ko!? Harot before bestfriend, ganon!?

Nang umalis siya ay biglang umupo si Nixon sa upuan niya. Doon ko pa lamang nakuha ang mga nangyayari.

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon