Chapter 28

45 1 0
                                        

Chapter 28

Bumuntong hininga siya at tumingin sa kamay naming magkahawak na ngayon. Nilapit niya ang likod ng palad ko sa labi niya at hinalikan iyon. Para akong may naramdamang kiliti nang ginawa niya 'yon.

"Hindi siya ang mag-dedesisyon kung sino ang para sakin at hindi," he said.

Lumunok ako at tinitignan lamang siya.

He's right. Bakit ka magdedesisyon kung anong bagay sa isang tao kung siya naman ay may sariling utak at pwedeng magdesisyon para sakanyang sarili? Bakit hindi mo pagtuonan nang pansin ang sarili mo at wag pakealaman ang iba?

Tumingin siya sa akin kaya ako naman ang nag-iwas ng tingin.

"But.. she likes you.." mahina kong sinabi.

"Ikaw ang gusto ko..." Mabilis niyang sinabi.

Napatingin ako sakanya. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay pwede iyong lumabas sa sobrang lakas ng kabog.

Nanatili siyang seryosong nakatingin sa akin. Tinitimbang ang bawat galaw ko.

"Ikaw ang gusto ko.. Naiintindihan mo?" Sabi niya.

His serious and alluring eyes are making me dizzy. Hindi ko alam na nakakalasing na pala ngayon ang tumitig sa isang tulad niya. Kung ganon ay nakakasama pala siya? He's like a drug!

Tumango ako sakanya at pagod na ngumiti.

Kahit na sinabi niya iyon ay hindi ako mapapanatag. My sister.. Paano siya? Ito ba ang magiging dahilan lagi ng pag-aaway namin? O ito na ang dahilan nang tuluyan naming pagkakalayo sa isa't-isa?

Napaangat ako nang tingin sakanya nang tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin.

"Let's eat downstairs. Hindi ka pa kumakain ng tanghalian."

Tinignan ko ang kamay niyang nakalahad sa akin. Nagdadalawang isip ako kung ilalagay ko ba doon ang kamay ko o hindi.

"Can we just go home? Ayoko na dito.." halos pabulong ko na lang iyong sinabi.

Kahit naman mag stay pa kami rito ay wala na ring kwenta. Hindi na rin kami mageenjoy dahil sa nangyari. Magiging awkward lamang sa amin ang mag stay pa.

"We'll go home, after you eat.."

Umiling ako.

"Wala akong gana. Let's just go home, please.." I said.

Tinitigan niya muna ako nang ilang minuto bago tumango.

Tulad nga nang kahilingan ko ay umuwi kaming dalawa. Sasakyan niya ang ginamit namin pauwi. Hindi na ako nakapag-paalam sa mga pinsan ko pati na rin kay Nicole. Si Nixon lamang ang nagpaliwanag na gusto ko nang umuwi. Wala narin naman silang nagawa dahil siguro iniisip nila iyong nangyari.

Tahimik ako buong byahe. Nakatingin ako sa labas ng bintana, pinapanuod ang mga punong mabilis naming nadaanan dahil sa bilis ng sasakyan.

Hindi ko na ikinagulat nang huminto kami sa isang kainan. Dahil kanina pa niya sinasabi ang tungkol sa hindi ko pagkain nang tanghalian.

Pagkatapos naming kumain ay diretso ulit ang byahe. Mabilis lamang ang naging byahe namin kumpara noong papunta.

Alas siyete ay nasa bahay na ako. Sinalubong ako ng mga kasambahay para kunin ang mga gamit ko.

Nang nakapasok ang mga kasambahay ay tsaka ko lamang hinarap si Nixon.

"Thank you sa paghatid.. and.. sorry kung napaaga ko ang uwi mo.." yumuko ako at pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon