Chapter 13
Mabilis akong tumalikod sa nakita. The handsome guy in my school, the womanizer man in the club, and the hot guy wearing a suit and tie, is here..
Sa kagustuhan kong makalayo sakanya ay pumunta ako sa kay Ashley. Kunwari ay binati ko siya, pero ang totoo ay gusto ko lang ibaling sa iba ang atensyon ko.
"Hi, Ash!" Sabi ko.
Ngumiti si Ashley at sinalubong ako ng halik sa pisngi.
"Hello, halika ipapakilala kita sa mga photographer. In a minute mag-uumpisa na sa shoot.."
Tumango ako.
May lumapit na isang staff sakanya at may ibinulong. Nanlaki ang mata niya.
"Nandito na? Saan?" Tanong niya.
Nginuso ng babae ang mga lalaking naka suit and tie na papalapit na sa amin. Kung sineswerte ka nga naman..
"Good afternoon, Mr. Valdez." Ani Ashley.
Nilingon ko ang mga pinsan at kapatid kong naroon kasama ang mga ibang models. Lalakad na lang sana ako patungo roon kaso nagsalita ulit si Ashley.
"Uhm.. Sir, this is Stefanie Alonzo. One of the main models here.." Ngiti ni Ashley.
"Stefanie, this is Mr. Valdez the owner of the company you are working with.."
Ngumiti ako ng hilaw. Nag-abot ng kamay ang matanda at tinanggap ko naman iyon.
"She's beautiful.. Magaling ka talagang mamili ng mga magagandang models, Ashley.." Puri ni Mr. Valdez
Tumawa si Ashley. Nakatuon ang atensyon ko sa kausap ni Ashley na si Mr. Valdez. Nasa likod niya ang lalaking iniiwasan ko nang tingin.
Lumunok ako. Kahit na nakatuon ang atensyon ko sa matanda ay nakikita ko parin ang ginagawa niya. Nakatagilid na ang ulo niya ngayon habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang kamay ko dahil kating kati na akong umalis rito. Gusto ko na lamang pumunta sa mga pinsan ko.
"I think Jazmin is more beautiful than her." Malamig na sinabi ng lalaki sa likod ni Mr. Valdez.
Natahimik si Ashley at ang matanda sa harap niya. Nakatingin siya sa akin nang malamig. Sinuklian ko siya nang tingin, a cold one, too.
Jazmin is also one of the models. Mas maganda pa ako roon! Wala nga siya sa finale! Ako ang nasa finale kaya ako ang maganda!
Gusto kong isigaw sakanya iyon pero pinigilan ko lamang ang sarili. Gusto ko siyang igalang dahil nasa harap ko at nasa tabi niya ang kagalang galang na matanda.
"If that's what you think, sir.." Tinaasan ko siya ng kilay. "I don't care.." Ngumiti ako sakanya.
Nilingon ni Mr. Valdez ang lalaki. The guy laughed. Si Ashley ay nakatingin sa akin at hindi alam ang sasabihin.
"I'm so sorry for that.. He-" pinutol niya ang sinasabi ni Mr. Valdez.
"Sa susunod, Ashley.. Kapag pipili ka ng models, ipakita mo muna sa akin. I don't think the investors and the shareholders will like her.. They want the kind of beauty that can apply inside and out. And you don't have that, Miss Stefanie.." Ngiti niya.
"How dare-"
Pinigilan ako ni Ashley.
"Mali po kayo nang iniisip. Mabait at maganda po itong si Stefanie, sir.. Look, pasadong pasado siya. Makinis at maputi.."
"Hindi kailangan ng kompanya nang makinis at maputi.. Kung ganyan naman ang ugali. Do you know who I am, Miss Stefanie?" He smirked.
Natigilan ako. Hindi ko alam! Hindi ko siya kilala at wala akong pakialam kung sino siya! Paulit-ulit ko siyang minura sa isipan ko hanggang sa mag-umpisa ang photoshoot.
![](https://img.wattpad.com/cover/6825272-288-k194658.jpg)
BINABASA MO ANG
Stupid Love
Teen FictionMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...