Chapter 20

47 0 0
                                        

Chapter 20

Araw ng graduation namin ay sobra akong pinaganda ni Mommy. Inihanda niya ng mabuti ang lahat. Make-up artist at ang aking dress na susuotin. Hindi siya pumasok sa trabaho para lang magawa iyon.

Well, she's the boss.. Pinagkibit balikat ko iyon.

"Gusto ko yung light lang, ha? Ayoko ng masyadong makapal.." Sabi niya sa nagmemake-up sa akin.

Tumawa ako. Napailing.

"Masusunod, Madame.."

Dark blue ang aking dress na sinuot. Si Mommy ang bumili nito. Siya mismo ang namili. Her taste is good when it comes to fashion, just like me.

Sa isang sasakyan lamang kami sumakay. SUV Cadillac ang dinala naming sasakyan dahil iyon ang gusto ni Mommy.

Panay ang sagot ni Mommy ng tawag galing sa opisina nang nasa sasakyan na kami. Tahimik lang kami ni Lola sa tabi. Tuwing tumitingin ako sakanya ay ngumingiti lamang siya sa akin. Sinusuklian ko rin iyon ng ngiti, syempre.

"Ang kakambal mo ba ay naroon na?" Tanong ni Mommy.

Tumango ako.

"Kanina ang sabi niya ay papunta na sila sa school. Baka nandoon na 'yon, My.."

"Sana ay hindi kasama yung isa.." Sabi ni Lola kaya nilingon namin siya.

"Hindi, Lola.. Nag pa-iwan daw po.." Sagot ko.

"Mabuti kung gano'n.." Sabi niya at tumaas ang kilay.

"Ma.." Pag-awat ni Mommy.

Ngumiti ako sakanya bilang sagot at tumingin sa bintana.

When my Lola and my other Lola will be okay? It's possible, right? Everything is possible in life.. Sana ay magkaayos na ang lahat.

Dahan dahan akong bumaba ng kotse dahil sa aking suot na stilletos. Si Mommy ang nagdala ng aking toga. Kinuha ko sakanya iyon.

"My, ako na.." Sabi ko.

Binigay niya naman 'yon agad.

Diretso kaming pumunta ng hall ng aming school. Madami at maingay ang mga estudyante na tulad ko ang gagraduate narin. Pag-reretouch at pag-pipicture ang pinagkakaabalahan ng iba. Ako naman ay abala sa paghahanap sa kakambal at kaibigan ko.

"Stef! Oh my god!" Boses ni Nicole.

Nilingon ko siya agad. Nanliit ang mata ko sa reaksyon niya.

"Maka react ka, a.. Parang ilang taon tayong di nagkita.." Sabi ko.

Tumawa siya.

"Ganda mo, te! Hi, Tita, Lola.." Bati niya kay Mommy at Lola.

Hinalikan niya sa pisngi si Mommy at Lola.

"Ikaw rin naman, Nicole.. Ang ganda mo.." Sabi ni Mommy.

"Ako pa ba, Tita! Sus.." Sabi niya.

Lalong nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Napaka hangin ng isang 'to! Baka pag sinabi kong boyfriend niya si Max kay Mommy ay bigla siyang mahiya.

"Nasaan na si Bernadette?" Tanong ko sakanya.

Nilingon niya ako at may nginuso siya.

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon