Chapter 16

29 0 0
                                    

Chapter 16

Nakayuko akong lumabas nang restaurant. Hindi ko alam kung may nakakita sa akin o ano pero sa ngayon ay wala akong pakialam kung may nakakita man sa akin. Ang iniisip ko lang ay ang sinabi ni Daddy at ang mga nalaman ko sa nakaraan.

So, ang dahilan pala nang pag-iwan niya sa amin ay nakabuntis siya nang ibang babae? Alam ba iyon ni Mommy? Kaya ba niya ba kami iniwan ay baka masaktan kami pag nalaman namin iyon? Bakit ngayon, hindi ba kami nasasaktan?

Maraming tanong ang tumatakbo sa isipan ko at wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang kimkimin ito.

Pumunta ako sa labas at gilid nang restaurant. Sa walang tao ako banda umupo. Umiyak ako. Hindi ko kayang pigilin at iuwi sa bahay ito. I badly need to cry!

Sa lahat ng taong nabuhay ako ay ulila ako sa ama. Hindi ko nalaman ang dahilan at hindi ko iyon inalam. Tapos ngayon ay susulpot siya na para bang walang nangyari at sasabihin niya ang kasalanan niya kaya niya kami iniwan?

I want to curse! I want to shout! Galit na galit ako kay Daddy! I want to hurt him! I want to hurt him back! Gusto kong ibalik sakanya ang lahat nang tinamo niya sa amin ni Mommy! Gusto kong maramdaman niya ang mga naramdaman namin ni Mommy.

Nag-angat ako nang tingin. Kahit na nanlalabo ang mata ko dahil sa luha ay nakikita ko parin ang nasa paligid. May lumabas na tatlong tao sa sasakyan sa hindi kalayuan. Nakikita ko mula rito ang parking kaya kita ko ang mga taong nagpapark ng kanilang mga sasakyan.

Isang lalaki at babae na mukhang mag-asawa at isang batang babae. Isang pamilya sila. Kinarga ng lalaki ang batang babae. Nakangiting nakatingin ang babae sakanila.

Suminghot ako at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay.

Life is so unfair! Bakit sila ay masaya? Bakit sila ay buo ang pamilya? Habang kami ay hindi! Wasak ang aking pamilya at hindi masaya! Alam kong sa buhay ay hindi palaging masaya, pero dapat ay hindi rin palaging malungkot! Bakit sa akin ay ganoon? Bakit sa akin ay palaging malungkot?

Bakit ako laging sinasaktan ng mga taong mahal ko sa buhay? Hindi ba nila pwedeng mahalin na lang din nila ako at gawing maging masaya? Bakit kailangan nila akong saktan habang ako ay walang ginagawa kundi ang mahalin sila.

Umihip ang malamig na hangin.

May biglang nag-abot sa akin nang panyo. Tiningala ko iyon. Tinignan ko ang nagmamay-ari.

It was Nixon!

Tinitigan ko ang panyong binibigay niya. Tumaas ang kilay niya nang natagalan ang pagkuha ko nang panyo niya. Umiling ako at tinignan lamang siya.

"Why are you crying?" Tanong niya.

Nag-squat siya sa harap ko at siya mismo ang nag-punas nang mga luha sa mata ko. Wala akong nagawa kundi ang tumunganga.

Tinitigan ko lamang ang mga mata niyang maganda. Ang mukha niyang mukhang inosente pero matigas. I can't help it but to stare! He is so freakin hot! Sa sobrang gwapo niya ay tingin ko ay magiging hanggang pangarap ko lamang siya pag nagkataon.

"You just don't stare at me. Please.. Answer my question. Why are you crying?" Tanong niya ulit.

Suminghot ako at umiwas nang tingin.

Sa mga oras na ganito ay dapat hindi ko iniisip ang kaharutan ko! Iniisip ko dapat ang problema ko!

Hindi ba nakakahiya kung sakanya ko ilabas ang lahat nang ito? Kung sakanya ko sabihin ang lahat nang kinikimkim kong galit? Hindi naman siguro..

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon