Chapter 17
Naalimpungatan ako nang may narinig akong kalabog sa sasakyan. Iyon pala ay ang pintuan sa driver's seat.
Napahawak ako sa noo ko dahil sa sakit nang ulo. Shit! Bakit ganito ito kasakit!?
Kahit na ganon ay pinagtuonan ko nang pansin ang lugar na kinaroroonan ko.
Where are we?
Luminga linga ako at doon ko lamang napansin na nasa harap kami ng gate namin.
Binuksan niya ang pinto sa side ko. Tumingala at sinamaan ko kaagad siya nang tingin.
"Go inside.. Baka hinahanap ka na.."
"Hindi ako hahanapin! Diba sabi ko ay ihatid mo na lang ako sa malapit na hotel? 'Tsaka paano mo nalaman ang address namin?"
"That's not important. Ang importante ay nandito ka na sa bahay niyo. Bumaba ka na riyan at hinahanap ka na sa loob."
Inirapan ko siya.
Padabog akong bumaba ng sasakyan niya. Pero imbis na dumiretso ako sa gate ay lumiko ako at nag-lakad palayo sa bahay namin.
"Where the hell are you going?" Halata na ang iritasyon sa tono ng boses niya.
Hindi ko siya nilingon at kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya.
Dapat ay wala siyang pakialam sa akin! Bakit niya ba ako pinapakialaman kung hindi naman kami close o magkaibigan! Damn him! Tinulungan niya lang ako sa ramp ay ganon na iyon? Sinama niya lang ako sa lugar na hindi ko nalalaman dati ay ganon na iyon?
Hinigit niya ang braso ko. Biglang bigla ako sa ginawa niya.
"Ano ba!?"
"Where are you going?"
Sinamaan ko siya ng tingin at marahas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Ano pa ba ang kailangan mo? Naiuwi mo na ako! Okay na! Hindi mo na ako sagutin kung ano man ang mangyari sa akin! I'm going to be fine! Ayaw ko lang umuwi!"
"No! You are not going to be fine! Paano kung mapano ka? Ha? Edi konsensya ko pa! 'Wag ka ngang matigas ang ulo, Stefanie!"
Pumikit ako dahil sa iritasyon.
Bakit hindi niya maintindihan!? Ayokong umuwi! Gusto kong magpahinga! Gusto kong makalimutan ang lahat kahit sandali! Kahit sandali lang!
I need a damn break...
"I'm fine. You can go home. Kaya ko ang sarili ko. Salamat sa pag hatid.." Tumalikod ako.
Hinigit niya na naman ang braso ko kaya tuluyan na akong nagalit.
"Just back off!" Bulyaw ko.
Nagulat siya sa inasta ko. Tinanggal kong muli ang kamay niya sa braso ko.
"Please.. Back off! I don't need you! I don't need anyone! Gusto kong mapag-isa!" Sigaw ko pa.
Kanina ay nararamdaman ko ang hilo at ang sakit nang ulo ko dahil sa alak pero ngayon ay wala na akong ibang maramdaman kung hindi ang nararamdaman ko kaninang sakit bago pa man ako malasing. Masakit sa bandang dibdib ko, literal na masakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/6825272-288-k194658.jpg)
BINABASA MO ANG
Stupid Love
Teen FictionMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...