Chapter 14

33 2 1
                                    

Chapter 14

Seryoso siyang ginagamot ang sugat ko sa tuhod. Bahagyang nakakunot ang noo niya habang ginagawa iyon. Habang ako ay nakatingin lamang sakanya.

"Okay ka na ba? Ano bang nangyari?" Tanong ng kambal ko nang tapos na siyang rumampa.

Tinignan niya ang lalaking nakaluhod sa harap ko at ginagamot ang aking tuhod. Kinalabit niya iyon.

"Malaki ba ang sugat ng kapatid ko?" Tanong niya.

"Hindi.. Gasgas lang ito." Sagot niya nang hindi lumilingon.

Lumunok ako. This is not right. Hindi niya ako kilala at hindi ko rin siya kilala. Bakit niya ako tinutulungan?

"Uh, okay na siguro iyan.. Maliit lang naman, e." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin. At ibinalik agad sa ginagawa.

"Sandali lang ito, patapos na ako.."

Kung iisipin ko ay siya ang dahilan ng pagkakadapa ko! Bakit napaka-lampa mo kasi, Stef! Hindi ka naman ganyan nung nag-rehears! What happened!?

"Ano ba kasing iniisip mo at nadapa ka, huh?" Tanong ni Nicole.

"Kinabahan ako! Iyon yun!" Sabi ko.

Tinignan ulit ako nang lalaki. Umiwas ako nang tingin. Tumayo siya at bumuntong hininga. Tinignan siya ni Nicole at Bernadette. Ngumiti ang kapatid ko at suminghap naman ang kaibigan ko.

Tinaasan ko sila ng kilay. Wag niyo akong bigyan nang ganyang reaksyon!

"Masakit ba? Huwag ka na munang gumalaw galaw. Ashley, hayaan mo muna siyang magpahinga rito at huwag pasasamahin sa pagrampa. Ayokong nakikita ng ibang tao ang legs niya... Na may sugat.." Sabi niya kay ashley pero nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung insulto ba iyon o ano. Pero mas pinili ko na huwag magreklamo dahil tinulungan niya naman ako.

"Salamat.." Sabi ko sakanya.

Tumango siya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Tinignan niya si Bernadette at Nicole.. Pagkatapos ay ako ulit atsaka siya tumalikod. Hindi na siya lumingon pa nang naglakad na siya palabas ng backstage. Panay ang tili ng dalawa nang nakalabas na siya, sumama pa si Ashley!

"Taray! Iyon yung lalaki sa school na nakabunggo mo! Bakit siya nandito?" Tanong ni Nicole.

"Iyon 'yong tinitignan mo kanina, 'di ba? Manliligaw?" Sabi naman ni Bernadette.

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila.

"Hindi ko alam, okay? At mas lalong hindi ko siya manliligaw!"

"Anak iyon ni Mr. Valdez. Pangalawa niyang anak.. Si Nixon Solomon Valdez.." Sabi ni Ashley.

Titig na titig kami sakanya dahil sa sinabi niyang pangalan.

Nixon Solomon Valdez...

Sounds hot..

Alas nuebe na kami naka-uwi dahil nagkatuwaan pa pagkatapos ng trabaho.

Tuwang tuwa ang mga co-model ko na babae dahil sa mga pinsan ko.

Ang mga iyon, tuwang tuwa sa mga bolero kong pinsan. Hindi nila alam, pinagloloko lang sila nang mga iyan.

"Bro, nakuha ko yung number noong isa with no sweat!" Pagmamayabang ni Ken.

"Tatlong number ng babae ang bago sa contacts ko, Ken! Walang binatbat iyang babae mo!" Sabi ni Troy habang winawagayway ang cellphone niya.

Napailing ako sa pinagsasabi nila.

Nag-usap ang dalawa tungkol doon sa babaeng nakuhanan nila ng number. Si Troy ay namimili pa sa tatlong babae kung sino ang idedate niya. Nagtanong pa sa akin kung sino ang maganda. Inirapan ko lamang siya.

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon