Chapter 3

85 4 0
                                    

Chapter 3

Maaga akong pumasok sa school kinabukasan. Dala ko ang mga bagay na sobrang binigay ni Lola sa akin. I will give it to my best friend Nicole.

Panay ang thank you niya nang nakita niya na ang mga binigay ko. Sobrang nagustuhan niya ang lahat. Kaya ang ginawa ko ay nagpalibre ako sakanya ng lunch.

"I knew it! Hindi ka papayag ng walang kapalit!" Sabi niya nang naoorder na kami ng pagkain sa cafeteria.

Tumawa ako.

"Atleast naisipan kitang bigyan no! Tsaka mas mahal naman yon kumpara dito sa ililibre mo sa akin." Sabi ko.

"Kahit na, no! Akala ko pa naman bigay mo talaga iyon sa akin.." grabe pa ang pag emphasize niya doon sa 'bigay' na word.

"Fine! I will pay for my meal." Sabi ko.

Ngumuso siya at umiling.

"Hindi na, ako na ang sasagot!"

Tignan mo 'to! Kaninang nagpapalibre ako ay ang sama sama ng loob niya, ngayong sinabi ko na na ako ang magbabayad ay ayaw niya.

Habang kumakain ay pinagusapan namin ang mga nangyari kagabi sa pag-aagawan namin ng mga pinsan ko ng mga gamit.

"Inagaw nga ni Feltroy ang isang sapatos na dapat sa akin!" Pagmamaktol ko.

"Ano bang sapatos?" Tanong niya.

"Balenciaga, nakakainis!" Simangot ko.

Sa sobrang tagal naming kumain ay kung saan saan na napunta ang usapan namin. Usapang eskwelahan at chismisan narin. Nicole is so many gossips that I can't talk even a little.

Patuloy ako sa pag-inom ng juice ko habang nakikinig sakanya. She didn't bother to ask what am I going to say, and I hate her for that.

"Ano nga ba iyong sasabihin mo?" Tanong niya after thirty minutes of her discussion.

Inirapan ko siya at hinintay ang pagbaba niya ng juice niya. Bumaling siya sa akin.

"Nakita ko si Kim at ang boyfriend niya kahapon,"

In just one snap ay natuon ang buong atensyon niya sa akin. I smirked. Basta chismis talaga, ano?

"Oh, balita ko ay gwapo daw ang boyfriend non! Ano? Gwapo ba?" She asked.

Parang may kung anong kuminang sa mga mata niya nang tinanong niya iyon. Well, yes, gwapo nga ang boyfriend ni Kim. Pero.. tingin ko ay parang magaspang ang ugali.

"Tama lang," sagot ko.

"Tama lang? What's that? Hindi gwapo at hindi rin panget?" Ngumiwi siya sa akin.

I shrugged.

"Para sa akin ay hindi siya ganon ka iba, tama lang ang itsura niya,"

Tumaas ang isang kilay niya at hinintay ang pagbawi ko sa sinabi. No, hindi ko iyon babawiin dahil iyon nga ang totoo.

"Joseph is more gorgeous than him," I said para matigil siya.

Damn, Stef! Stop talking about him! Why don't you stop thinking about that guy and just move on!

"Well, I heard, Kim's boyfriend is an eligible bachelor, every womans dream! Hindi ako makapaniwala na dinescribe mo iyon ng 'tama lang' and what? Joseph is more gorgeous?" Umiling siya nang natatawa.

"Manloloko naman," sabi niya.

Natahimik ako.

It's still there. I'm hurting inside. Hindi ko lamang iyon ipinapakita dahil ayokong makita nila akong mahina. I'm still hurt. Hindi ko na alam kung paano pa makakaahon sa sakit na idinulot ng nakaraan. Kung pwede lamang uminom ng maraming gamot para mamanhid ay ginawa ko na.

"Look, Stef, hindi ka makakalimot kung hindi mo kakalimutan! Move on! Lalaki lang yan! I'm here, tutulungan kita, basta tutulungan mo din ang sarili mo, okay?"

Tumango ako kahit na alam kong hindi niya ako naiintindihan. Hindi niya alam kung anong nararamdaman ko. Hindi niya alam kung gaano kasakit ang dinarama ko.

Napasinghap ako nang naglalakad na kami pabalik ng room. I saw Cassandra and her squad walking towards us. She's looking straight into my eyes. God, I don't want to visit the guidance office!

She stopped in front of me. Nagtatawanan pa ang kanyang mga kasamang bumaling sa akin. I just looked at them coldly. I'm not in the mood to talk to her.

"Well, hello, Stef.." she said with a bitchy tone.

I raises an eyebrow.

"What do you want this time, Cassandra?" sabi ko at tinignan ko ang mga kaibigan niya sa likuran niya.

They are all smiling like an evil. Naramdaman kong gumalaw si Nicole sa tabi ko. She crossed her arms and shoots them a glare.

"Nahiya ka pa! Bakit hindi mo na lang isinama ang buong section niyo?" sarkastikong sinabi ni Nicole habang nakatingin sa mga kasama ni Cassandra.

Nawala ang ngiti sa iilang babae doon. Tumaas ang kilay ni Cassandra at isang hakbang ang ginawang paglapit sa amin. Hindi kami umurong ni Nicole. Tinaas ko pa lalo ang ulo ko para makita niyang hindi ko siya uurungan.

"You're the reason why kung bakit umalis si Joseph! Ikaw ang may kasalanan kung bakit niya ako iniwan!"

Pumikit ako sa boses niyang nakakairita. Inirapan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Bakit hindi mo sundan kung ganon? Tutal 'di ba magaling ka na mang maghabol? Arf! Arf!" Asar ko.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko, halatang nabigla. Damn you, bitch! Anong kabigla bigla sa pagiging mukha mong aso?

Tumawa si Nicole.

"All this time, aso ka pala! Akala ko pig!" Sabi ni Nicole habang natatawa pa.

Masama na ang tingin samin ni Cassandra habang ang mga alipores niya ay nakatingin lamang sakanya nang walang imik.

"Shut up! Mas mukha ka pang pig sa akin, no!" Bawi pabalik ni Cassandra kay Nicole.

Tila napikon si Nicole sa sinabi ni Cassandra. Ambang hihilahin niya ang buhok nang inawat ko siya.

"Hindi ko hawak ang utak ni Joseph para magdesisyon ako para sakanya. That's his decision! Kaya wag mo na kaming guluhin pa, Cassandra.." I seriously said.

Nanatiling galit ang mukha niya.

"But you're the reason why he came up with that decision! Hindi naman siya aalis kung hindi mo siya tinaboy!"

"Hindi ko naman siya itataboy kung hindi mo siya nilandi!"

Natahimik siya sa sagot ko. Ilang segundo bago siya sumagot ulit.

"Hindi ko siya nilandi!"

I smirked.

"Siya ang lumandi sa 'yo kung ganon?"

Muli siyang natahimik. I know Joseph very well. Hindi iyon gagalaw kung hindi mo uutusan. Hindi iyon kakain kung hindi mo hahainan.

"We love each other! Please, Stefanie... Pabayaan mo na lang kami.." she begged.

Nanlaki ang mata ko sa sinambit niya. They love each other? Fucking love! Fucking stupid love!

"Wala na akong pake kung nagmamahalan kayo.. Hindi ko na kayo inaabala pa, kaya sana ganon din kayo.." Umiwas ako ng tingin.

Fucking tears! Not now, please! Not now!

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon