Chapter 6
Nang makarating na kami sa bahay, nagpaalam at nagpasalamat na ako kay Nicole. Sinabi ko rin sakanya na itext niya ako pag nakauwi na siya.
Pagkapasok ko sa bahay. Nakita ko si Lola na nakaupo sa sofa. Mukhang malalim ang iniisip niya, di niya napansing nandito na ako.
Lumapit ako sakanya. Doon lamang niya ako napansin.
"Oh apo, ginabi ka ah? San ka galing?" Tanong niya.
Umupo siya nang maayos at pinaupo ako sa tabi niya.
"Nagkita po kami ni Nicole. It's about the ramp, Lola. We signed the conract." Sabi ko, tsaka umupo sa tabi niya.
Tumango lang siya.
Parang iba yung awra ni lola ngayon? Masyadong malalim ang iniisip niya. May problema kaya?
"Lola, Is there something wrong?" I asked.
Tinitigan ko si Lola. Hindi siya mapakali at hindi rin siya makatingin sakin nang diretso.
"Wala 'to, Apo.. Pagod lang siguro ako." She said.
No, I can sense it. May mali, e. May problema.
"I can keep secrets, Lola.. What is it?" pagpipilit ko.
"Wala nga, Apo. May konting problema lang sa kompanya. Pero, alam kong kaya na yun nang mama mo." Ngumiti siya.
"Iyon lang ba talaga?" Tanong ko.
Tumango siya at ngumiti.
"O sige po. Nag-dinner na po ba kayo?" Tanong ko.
Tumayo siya at hinarap ako. Naiwan akong nakaupo.
"I'm done, Apo. Ikaw, kumain kana diyan. Magpahanda kana lang kay manang. Magpapahinga na ako.." Sabi niya.
Umakyat na siya at hindi na lumingon pa.
Kahit na tanungin ko kung anong problema sa kompanya ay hindi ko iyon masusundan. I don't know business yet. But soon, I'll help Mommy to run our business. That's a promise!
Umakyat na ako sa taas para magbihis. Nang nakabihis na ako, chineck ko ung phone ko at nakitang may text si Nicole sakin. Nakauwi na raw siya. Pagkatapos, kong chineck bumaba na ako para kumain.
Sasabihin ko kaya kay Kim yung nakita ko? Kaso baka masira ko yung relasyon nila. Tsaka paniniwalaan kaya ako ni Kim? Argh! Kasi naman! Bat ko pa sila nakita!
"Lalim nang iniisip ah?" Nagulat ako nang nasa tabi ko na si mommy. Diko namalayan ah?
"Oh! Mom, kumain kana? Tara! Sabay na tayo." Tatayo sana ako para kumuha nang plate kaso pinigilan niya ako.
"Hindi na. Gusto ko nang magpahinga. Kumain kana diyan." Hinalikan niya ako sa pisngi at umalis na siya.
Parang kagabi lang ang saya saya namin ah? Tapos ngayon? Ano to? Ano bang nangyayari?
"Manang, tapos na po ako kumain.." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.
Wala na ako sa mood. Wala narin akong ganang kumain.
Kailangan kong malaman kung anong nangyayari sa kompanya. Pupunta ako bukas, pero hindi ko sasabihin kay mommy o kay lola.
Ah! Magandang plano yan stefanie.
Kinabukasan maaga akong pumasok nang school. Ginamit ko ang kotse ko syempre. Pero hindi alam ni Lola, lagot ako sakanya mamaya!
Pagkababa ko nang kotse ko, may sumalubong na agad sakin. Sino paba?
BINABASA MO ANG
Stupid Love
Teen FictionMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...