Chapter 24
"Magandang umaga po.." bati ni Nicole sa matanda.
Sobrang higpit ng kapit ko sa braso ni Nicole. Panay ang tanggal niya sa kamay ko pero hinihigpitan ko iyon lalo.
"Hindi naman kita iiwan, sobra ka naman makakapit.." tumawa pa siya.
"It's my father's mother!" Bulong ko.
Nanlaki ang mata niya sa binulong ko. Kumurap kurap pa siya na parang hindi siya naniniwala. Tumango ako sakanya habang nakakunot ang noo. Come on, I'm not joking!
Agad niyang tinignan ang matandang napaka aura ng mukha. Para siyang grade school teacher na sobrang terror.
"Why are you here, by the way.. Are you visiting your father-"
"No, po.. We're here po para sunduin si Bernadette.." magalang kong sabi.
Napataas ang kilay niya sa inasta ko. Umiwas ako ng tingin.
"Oo nga pala, ano? Hindi ka lumaki sakanya kaya you don't care about his feelings.. Ang iniisip mo lang ay 'yong nanay mo!" Ngumiti siya pero may diin sa boses niya.
Tinignan ko siya ngunit hindi ako sumagot. Ayokong masira ang araw ko dahil lang sakanya. I don't want to ruin my mood! As long as kaya kong pigilan ang sarili ko, gagawin ko!
"Iyan ba ang turo niya sayo? Ang balewalain ang tatay mo? Ang anak ko?"
Bumuntong hininga ako at tinitigan siya sa mata. I can't believe she's my grandmother! I can't freaking accept the fact that she's my grand freaking mother!
Damn, nasan na ba kasi si Bernadette! Nilingon ko si Nicole. Ang kanyang mga matang nag-aalala ay hindi nakatakas sa akin. Tumango ako sakanya.
"I'll wait outside.." sabi ko.
Pagkatalikod ko ay narinig ko na naman ang boses niya. Gusto kong matigil to kaya ako lalabas, pero eto siya't hindi tumitigil! What the hell...
"Like mother, like daughter..." tumawa pa siya na parang nang-aasar.
Mabilis akong lumingon at tumama agad ang mga mata ko sakanya.
"My mother taught me how to respect other people. And you are one of that other people, Ma'am.. You should thank me dahil nirerespeto pa kita hanggang ngayon, matapos mong sabihan ng kahit anong salita ang mommy ko. To think na mas matanda po kayo sa akin. Mas alam niyo ang tama kesa sa mali, hindi ba?"
Gulat na gulat siya sa tono ng pananalita ko. I don't care! Wala ng galang kung wala! How dare her say that to my mom! I can accept her attitude towards me pero ang sabihan si mommy ng ganon ay hindi pwede!
"So if you'll excuse me po.." tumalikod na ako at hindi na lumingon pa.
"Aba, bastos na bata ito!" She shouted.
Patuloy ako sa paglakad palabas ng mansyon nila. Taas noo ko pa iyong ginawa.
Buong byahe akong nanahimik. Tanging tunog lamang sa earphone ko ang naririnig ko. Si Bernadette sa tabi ko ay panay ang tingin sa akin. Hindi alam kung kakausapin ako o hindi.
Katabi niya si Desteen. Apat kami rito sa likuran habang ang mokong na si Troy at Max ay enjoy na enjoy roon sa harapan!
Panay ang kulit ni Troy sa harap. Hindi ako nakikinig pero nakita kong tumatawa sila. Troy's freaking jokes again!
Isang oras ang tinagal namin sa byahe. Halos sigawan ko si Troy at Max dahil hindi kinuha ang mga bagahe ko.
Maligayang kinuha ni Troy ang bagahe ni Desteen. At si Max naman ay kay Nicole. What the fuck?
BINABASA MO ANG
Stupid Love
Teen FictionMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...