Chapter 18
Matapos niyon ay nakalabas din si Lola nang nagdaan ang dalawang araw.
Rehearsal sa school ang inatupag namin. Habang kumakanta nang graduation song ay puro katarantaduhan ang mga ginagawa nang mga kaklase kong lalaki. Ang mga babae naman ay puro picture nang picture. Sinasali nila ako kung minsan. Pero pag tumitingin ang adviser namin ay agad kaming tatahimik.
"And may I call on our this year valedictorian.. Nixon Solomon Valdez.." Sabi nang adviser nang highest section sa fourth year.
Maraming natigilan at ang iba ay tumili.
"Sabi na, e.. Valedictorian si bebe!"
"Shit! Ka turn on yung ganyan! Matalino na gwapo pa!"
Nixon is in class A while i'm in class B. I am not the top on our class. Ano ang panama ko sakanya? Umiling ako. Bakit ko ba ikinukumpara ang sarili ko sakanya?
"Ayan, kunwari nag-speech na ang ating valedictorian.. Tapos ay..."
Hindi na pumasok sa kokote ko ang sinasabi nung teacher dahil nakatuon na ang atensyon ko kay Nixon.
Seryoso ang mukha niya habang pababa siya nang hagdan ng stage. How can he do that? Paano niya nakukuha ang atensyon nang mga tao sa ganyan niyang pagkikilos? Sa walang effort niyang pagkikilos? Paano?
Kinabahan ako nang biglang nagtama ang paningin namin. Lumunok ako. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Papunta sa direksyon ko ang lakad niya. Kinalma ko ang sarili ko. Hinawakan ko ang braso ni Nicole na katabi ko para kahit papaano ay maiba ang pag-iisip ko.
"Papunta siya sa banda natin.." Bulong ko kay Nicole.
"Ha? Ano?" Sabi niya dahil hindi niya nakuha ang sinasabi ko.
"Si Nixon.." Bulong ko ulit.
Dumaan siya sa gilid ko nang hindi ako pinapansin. Bumagsak ang kamay ko sa ere nang binitawan ko ang braso ni Nicole. Tila disappointed dahil hindi pinansin ni crush.
"LQ kayo?" Tumawa si Nicole.
"Hindi ah!"
"E, bakit ganon? Di ka pinansin?"
Nag-kibit balikat ako.
"Ewan ko!"
Nilingon ko si Nixon na naglalakad papunta sa kanyang upuan. May mga babaeng nakangiti at tumitili sakanya sa dinaanan niya pero hindi niya iyon napapansin.
Kumunot ang noo ko dahil bago siya umupo ay sumulyap siya sa akin at pinagtaasan niya ako nang kilay. Umiling ako sakanya at nag-iwas ng tingin.
Kaya nang natapos ang pag papractice ng graduation ay sinundan ko siya.
"Ano? May hihintayin ka na naman?" Tanong ni Nicole.
Ngumiti ako at tumango.
"I think, someone is inlove.. Right?" Sabi ni Bernadette sabay ngisi kay Nicole.
"Ako? Inlove? Hindi, a!" Tumawa ako at umiling.
"Valedictorian? Handsome? Rich? Hmmm.. Perfect.." Ngiti ni Bernadette.
Tinapik ko ang braso niya para tumigil sa pang-aasar. Umangal siya pero tumawa lang silang dalawa.
"Oo na! Aalis na kami.. Bye.." Nagpaalam na sila at umalis na.
Nilingon ko ang kinaroroonan ni Nixon at bumuga ng hangin matapos ko siyang nakitang nakatayo doon at nakatingin sa akin nang seryoso.
Lumapit ako sakanya at ngumiti.

BINABASA MO ANG
Stupid Love
Teen FictionMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...