Chapter 4
Nicole's POV
Hi! I'm Jade Nicole Perez, Stefanie's bestfriend. Only daughter lang ako, parehas kami ni Stefanie. Pagmamay-ari namin ang mga ilang malls dito. Yun ang mga pinagkaka'abalahan nang mga parents ko.
Pano kaya, nasabi ni Stefanie na naghihirap na kami? Dahil ba pinapabayad ko yung mga nililibre ko sakanya? Masama ba maging likas na kuripot?
"Eh bakit hindi na lang ikaw ang magturo sakanya? Marunong ka naman diba?" sabi ni Kim habang sinusuri ang bawat sulok nang kwarto ni Stefanie. Si Kim yung naging close ko sa mga co'models ko dati. Kaya sakanya ako humingi nang tulong na turuan si Stefanie kung ano ano yung mga dapat gawin sa mga gig.
"Oo. Kaso, pag ako ung nagturo sakanya. hindi niya papakinggan. May sayad kaya sa utak yun." Umirap ako. Tumingin ako kay Kim na namimilog ang mata.
"Oh? Bakit ganyan yung itsura mo?" Humiga ako sa kama.
"M-May s-sayad siya sa utak?" Gulat na tanong niya sakin. Ibig sabihin naniwala siya sa sinabi ko?
"HAHAHAHAHA! Kim ano.. Uh.. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Nung maka'recover ako sa kaka'tawa umupo ako sa kama at inayos ang sarili. Pagtingin ko kay Kim naka'poker face siya. Pfftt.
"Okay. Hindi siya siraulo. Niloloko lang kita kanina. Masyado mong sineseryoso yung mga sinasabi ko." sabi ko.
"Eh ikaw pala yung siraulo Nicole eh! di ka parin nagbabago." Bulong niya. Pero narinig ko naman. Pakihinaan pa Kim. Medyo rinig ko pa eh.
"Just shut up!" Tumayo ako. "Bababa muna ako, kukuha ako nang maka'kain naten." Pagsusungit ko. Sabihan ba naman daw akong siraulo?
"Okay." Sagot niya at binuksan ko na ung pintuan nang kwarto ni Stefanie.
"Oh! Stef, nandiyan kana pala." lumapit ako sakanya at niyakap siya. Kailangan kong magpaka'bait sakanya ngayon para pirmahan niya yung kontrata.
"Ang ganda ganda mo talaga Stefanie! Kaya idol na idol kita eh. Kumain kana ba? Anong gusto mong kainin? Kukuha ako sa baba sandali lang.." Tumalikod ako at bababa na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.
"Tigilan mo nga ako! Ang plastik mo!" Sabi niya at naglakad siya papunta sa baba.
"Teka! Hoy! Hindi ako plastik noh! Never akong naging plastik sayo kahit na may sayad ka sa utak!" sinundan ko siya pababa at dumaretso naman siya sa kitchen.
"Excuse me? Ako pa ang may sayad ah!" sabay irap niya sakin. Binuksan niya yung ref at kumuha nang tubig.
Shit! Wrong move! Kailangan ko siyang suyuin at bolahin..
"Hah? Huy! Wala akong sinabing may sayad ka sa utak ah! Ang ganda mo namang may sayad sa utak! Pfftt. Anyway, bukas na naten immeet si Ashley.."
Syempre joke lang yun! Tignan ko lang kung anong reaksyon niya.
Nabuga niya ung tubig na iniinom niya. "ANO?! AGAD AGAD?!!!" sigaw niya.
Grabee! nakakadiri siya at the same time, nakaka'turn off din yung lakas nang boses niya.
"Basag na eardrums ko! Ano ba! Kailangan mo bang sumigaw?!" sabi ko sakanya.
"Eh bakit ba kasi biglaan?! Kanina lang yun ah?! Tas bukas agad ako kailangan pumirma?! Diba pwedeng mag'isip muna?!" Ginulo niya yung buhok niya sa kainisan.
"Siyempre joke lang yun, bestfriend.. Hehe." Sabay kamot ko sa ulo ko. Hindi naman siya makati. Wala lang. Trip ko lang kamutin..
--
BINABASA MO ANG
Stupid Love
Teen FictionMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...