Chapter 23
Ang mga sumunod na araw ay naging normal naman para sa akin. Tulog, kain, nuod at kung ano ano pa ang ginagawa ko sa bahay. Minsan pag nagyayayang lumabas ang mga pinsan ko ay sumasama ako sakanila. Mas gugustuhin ko pang marinig ang mga boses ng mga ito kesa sa mag-isa ako sa bahay.
"Oy, sa birthday ko ha? Wag niyong kakalimutan yung regalo.." Uminom si Ken ng tubig.
Napatingin kami lahat sakaniya.
"How old are you? Senior citizen na ba, dude?" Humagalpak ng tawa si Troy.
Natawa rin kami.
We're here in Restobar near our school. Sabay sabay kaming kumuha ng schedule dahil pare-parehas lamang kami ng pinapasukang unibersidad. Ang katabi kong si Nicole ay nakikitawa sa mga sinasabing kalokohan ng mga pinsan ko.
"Saan ba yan gaganapin?" Tanong ko.
"Sa resort lang naman nila Max sa Tagaytay..."
Halos ibuga ni Max ang iniinom niyang juice sa mukha ni Ken. Buti na lang ay napigilan niya.
"Dude!" Maarteng reklamo ni Troy sa gilid.
Humalakhak kaming tatlo ni Troy at Nicole. That was disgusting! Seeing Max with that face? That's new!
"Kailan mo pa iyan plinano? Bakit wala akong alam? My Dad didn't tell me about that.."
Tumaas ang kilay ni Ken kay Max.
"Well, si Tito mismo ang nag suggest.. Wala naman akong magawa kundi tanggapin na lamang.. Nahiya ako kay Tito.." Nag-kibit balikat pa ang loko at ngumiti kay Max.
Si Max ay nakataas ang kilay at mukhang seryoso sa pagtitig kay Ken. Nagtaas baba ang kilay ni Ken kay Max tila nang-aasar kaya humagalpak si Troy.
"Actually, Tito also said na siya na rin ang bahala sa pagkain..."
"What the fuck?" Malutong na mura ni Max.
Tuluyan na talaga kaming natawang lahat. Si Max lang ata ang nanatiling seryoso at mukhang nanggigigil na kay Ken.
"My father is your uncle! He's not your father na kailangan ay sakanya lahat ang gastos! I'm sure Tita Syrene and Tito Ralph will disagree. Hindi sila papayag.."
"Dude, are you kidding? Pag sinabi ko 'yan kay Daddy baka matuwa pa 'yon!" Tumawa siya.
Patuloy ang pang-aasar nila kay Max dahil pikon na pikon iyon. Ganon pa naman ang gustong gusto ni Troy at Ken, yung mga pikon.
"Si Bernadette iyon, 'di ba?" Biglang sabi ni Nicole habang nakatingin sa likod.
Natahimik kami at sabay sabay na lumingon. Kakapasok pa lang nila at naghahanap pa lang sila ng table. Bernadette and Desteen looks like a supermodel. And I don't know why I feel so insecure! Magkamukha naman kami!
Ang mga lalaking kumakain rin dito ay halos lumabas na ang mga mata kakatingin sakanila. Gusto kong itaas ang kilay ko pero ayokong makita iyon ng mga pinsan at kaibigan ko kaya nanahimik na lang. Tumalikod na ako.
"She's with someone.. Tawagin natin!"
Nang tinawag nila ay nanatili akong nakatalikod. Hindi ako tumingin sa kapatid ko. I want to feel them that there's nothing wrong pero ayoko ring maging plastik. Babae ako at nararamdaman ko kung anong mali.
Nang lumapit ang dalawa sa table namin ay pinagtuonan ko ng pansin ang pagkain ko. Hindi ako tumingin man lang.
"Kakain kayo? Dito na kayo!"

BINABASA MO ANG
Stupid Love
Teen FictionMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...