Chapter 21

51 1 0
                                    

Chapter 21

"Stefanie!" Maligayang boses ng pinsan ko ang narinig galing sa likod.

Lumingon ako.

Patakbo siyang pumunta sa akin. Hinigpitan ko ang hawak sa bag ko. Ngumiti si Ken.

"Nagreply na yung binigay mong number sa akin.."

"Uh, talaga?" Sabi ko.

Tinitigan ko ang pinsan kong naloko sa number na hinulaan ko lamang. Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa.

Tinignan ko ang likod niya kung nasaan nandon parin na nakaluhod si Nixon pero ngayon ay nakatingin na siya sa banda namin.

Nakangiti ang babaeng nasa harap niya. Isang batang magandang babae. Mukhang may ibinibigay ito sakanya. Umiwas ako ng tingin nang nagtama ang tingin namin.

"Saan ka pupunta? Nandoon si Nixon, o!" Tinuro niya ang likod niya ng hindi lumilingon.

Tumango ako sakanya.

"Alam ko! May nakalimutan lang ako sa sasakyan.." Palusot ko.

Kumunot ang noo niya. Bago pa siya magsalita ay nagpakita na sa tabi niya si Nixon.

"I'm suprised! You're here?" He said.

Sinulyapan ko ang pinsan ko. Nakatingin siya ng seryoso kay Nixon.

"Did you received my gift? The second one.." Sabi niya.

Tumaas ang kilay ng pinsan ko sa akin. Inirapan ko lamang siya at ngumiti kay Nixon.

"Oo. Thank you nga pala doon.." Sabi ko.

Tumango siya.

"What brought you here? Anong oras na, a.." Tumingin siya sa wrist watch niya pagkatapos ay binalik ulit sa akin.

Oh god, ang ganda nung relong suot niya! Kumpara sa regalo ko sakanyang simple lamang ang disenyo.

"M-meron sana akong.. Uh, ano.." Lumunok ako.

Hindi ko masabi! Bakit ngayon ay nahihiya ako? Bakit ngayon ay nakalimutan ko na ang sasabihin ko?

"Meron ka sanang.. What?"

Tinignan ko si Nixon tapos ay si Ken. Pinanlakihan ko ng mata si Ken pero hindi niya nakuha ang gusto kong sabihin.

Hinawakan ko sa pala pulsuhan si Nixon at hinila siya palayo doon.

"Pwede mo naman sabihing gusto niyo ng alone time, 'di ba?" Sigaw ni Ken.

Nilingon ko siya at ipinakita ko ang kamao ko sakanya. Tumatawa siyang inangat ang dalawang kamay niya sa hangin. Umirap ako.

Tumawa rin si Nixon sa sinabi niya.

"Why are you laughing!?" Inirapan ko siya.

"Because it's funny.." Sabi niya.

"It's not funny! Dapat talaga ay hindi na ako pumunta rito!" Pagmamaktol ko.

Binitawan ko ang kamay niya nang mapunta kami sa gilid at walang tao na lugar ng bahay.

"Dapat talaga dahil puro lalaki ang nandito. Ano ba kasing naisip mo at nagpunta ka rito?" Tanong niya.

Nakasimangot kong inabot sakanya ang maliit na paperbag kung nasaan ang box at ang relo.

"What's this?" Tanong niya habang pinapakita sa akin iyon.

"Obviously, it's a gift!"

Kumunot ang noo niya. Umirap ako. Akala ko ba valedictorian ito? Bakit doon sa sinabi ko ay parang hindi niya naintindihan?

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon