Chapter 10
Alas nuebe na nang nakauwi ako sa mansyon namin. Napasarap ang kwentuhan naming tatlo. Matagal na palang alam ni max na wala na kami ni joseph at alam niya rin ang dahilan ng paghihiwalay namin. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni joseph sakin. Sobrang close kasi nila dati.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang nakita ko si lola na pababa ng hagdan.
"La, where are you going?" Nagmano ako sakanya sabay ng pagtanong ko nun.
"Office. Ikaw? Where have you been? Anong oras na ah." Sabi niya.
Sinabayan ko siya maglakad pababa ng hagdan.
"La naman, nakipagkita lang po ako kay nicole at max." Hinawi ko ang bangs ko. "Bakit po kayo pupunta ng office? Wala pa po ba si mommy?"
Inisip ko kasi na baka nandun pa si mommy dahil kasama niya si bernadette. Sinusulit nila ang oras na magkasama sila.
"Wala pa. Nagovertime siguro." Sabi niya.
Pagkababa namin, pumunta muna siya nang kitchen at uminom.
"Kasama niya po si bernadette, la.." Sabi ko.
Nabigla ata sa sinabi ko si lola, dahil muntik na niyang maluwa ang iniinom niyang tubig.
"Are you okay, la?" Sabay haplos sa kanyang likod.
"I'm okay. Sinong bernadette ang sinasabi mo?" Tanong niya.
Nagulat ako sa tinanong ni lola. Don't tell me? Hindi niya pa alam?
"La, wala bang nabanggit sainyo si mommy?" Nakakunot noo kong tanong.
"Na alen?"
"Sa~" Hindi ko pa natatapos ang pagsasalita ko nang may pumasok na dalawang babae sa pintuan namin habang nagtatawanan.
"Kaye?" Nanlaki ang mata ni lola nang bigkasin niya ang mga pangalang iyon. Halos hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.
"La, siya si bernadette. My twin." Sambit ko.
Hindi sumulyap si lola sakin kahit saglit. Dahan dahan siyang naglakad patungo kay bernadette. Kumunot ang noo ko.
Hindi siya nabigla na may kambal ako? Ibig sabihin ay alam niya? Sinabi na sakanya ni mommy?
Lumapit ako kay mommy na nakangiti lang sa isang tabi at hinalikan siya sa pisngi.
"Mom, saan kayo galing?" Tanong ko.
Mukha silang hindi galing sa office. Dahil may dala silang mga paper bags na pinasok ng katulong sa bahay.
"Shopping." kibit balikat niya. "She looks so happy." Sabi niya.
"Sino?" Tanong ko.
"Mama." Ngiti niya.
Tumingin ako kay lola na ngayon ay maluha luhang nakayakap kay bernadette.
"Oppss. Tama na ang drama la.." Sabi ko at hinaplos ang likod ni lola.
Kumalas siya nang yakap kay bernadette at tinitigan niya ito.
"Mas maganda ka kesa kay stefanie.."
Aray ko naman la.. Grabe ah!
"Mama, maganda silang parehas.. Anak ko sila eh.." Sabi ni mama.
Go ma! Pagtanggol mo 'ko..
"Kaso, mas matured talaga tignan si kaye kesa kay dale.."
Wow. Nakaka'touch!
BINABASA MO ANG
Stupid Love
Novela JuvenilMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...