Chapter 22

41 2 0
                                    

Chapter 22

Itinuring kong parang isang panaginip ang nangyari. Inisip ko na talagang masama ang pakiramdam ng kapatid ko kaya ganon. Hindi niya ginusto ang nangyari. Nagkataon lamang na si Nixon ang nasa tabi niya kaya siya ang nakasalo.

"Okay na ba ang kambal mo?" Tanong ni Nicole sa akin.

Nilingon ko siya.

Nasa tapat kami ng registrar ng unibersidad na papasukan namin. Kakatapos lang namin nag-take ng entrance exam at hinihintay namin ang resulta. Ang sabi kasi ng instructor na nagbantay sa amin ay makukuha agad namin ang results.

"Okay na ata, wala akong balita, e.." Nag-kibit balikat ako.

It's weird na hindi ko alam ang nangyayari sa kapatid ko. Hindi naman nila ibinabalita sa akin kaya hindi rin ako nagtatanong. I think my twin is fine, though...

"Saan ka pagkatapos nito?" Tanong niya.

"May usapan kami ni Ashley.. Meron kasi siyang sinasabing gig.."

Namilog ang mata niya.

"Gig? Bakit wala siyang nababanggit sa akin? Uy, ang daya, a!"

Tumawa ako.

"Itetext ko nga ang bruhang 'yon mamaya. At bakit ikaw lang ang isasama... Biased!" Umirap siya.

Matapos ang sampung minuto ay lumabas na ang resulta. Binigay sa amin ng isang babae ang papel. And yes, pasado! Sinabi sa amin kung kailan kami babalik para makakuha ng schedule ng klase. Panay lang ang tango namin ni Nicole.

"Paanong hindi papasa, ang dali lang ng exam.." Sabi ni Nicole.

Ilang araw ng walang kontak sa akin ang kapatid ko. Si Nixon naman ay araw-araw ang text sa akin. Minsan nga ay panay ang reklamo niya dahil hindi ko agad siya narereplyan.

"Nakakatext mo ba si Bernadette?" Tanong ko kay Nicole.

Tumaas ang kilay niya at natawa sa sinabi ko.

"Ikaw itong kapatid, di 'ba? Bakit sa akin mo tinatanong iyan?" Natatawa niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin. I don't know if she's blind or what. Hindi niya ba napansin 'yong nangyari sa clinic? O ako lang ang nagbibigay ng malisya doon?

Maybe I'm just over thinking.. I know, hindi magagawa sa akin ng kapatid ko iyon. No...

"Hindi mo ba napansin yung doon sa clinic? Nung nahimatay siya?"

Kumunot ang noo niya.

"Oh, napano yung doon sa clinic? Wala naman akong napansin?"

I sighed. Baka nga nagiisip lang ako masyado ng masama. Wala lang iyon. Wala talaga.

Naghiwalay na kami ni Nicole pagkatapos non. Dumiretso ako sa usapan naming lugar ni Ashley. Tulad ng dati ay nagkita kami sa isang coffee shop.

Tumayo siya nang namataan niya ako papasok ng coffee shop. Abot tainga ang ngiti niya.

"Good afternoon, Stefanie.." He said in a formal tone.

"Good afternoon, Ash.."

Pinaupo niya ako at nagtawag siya ng waiter.

"Strawberry frappe and..."

Tumingin siya sa akin para kunin ang order ko.

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon