Chapter 27

24 1 3
                                    

Merry Christmas and advance Happy New Year, Everyone! Xoxo

Chapter 27

Mabilis kaming umahon sa pool ni Nixon. Kahit na bigla akong nilamig ay hindi ko iyon masyadong pinansin. Lumapit ka agad ako kay Nicole na hindi pa nakakabawi sa nangyari. Hinawakan ko siya sa braso.

"Anong nangyari kay Bernadette?" I asked.

Maging si Desteen ay napatingin sa akin nang tinanong ko iyon. Hindi nagtagal ay napatingin siya sa likuran ko.

Biglang nawala ang lamig na nararamdaman ko kanina pa nang may bumalot sa akin na tela. Tumingala ako kung sinong may gawa niyon. Nakita ko si Nixon na seryoso at malamig na nakatingin sa akin.

"Wear this." Sabi niya sa akin.

Sinuot ko ang robe na binalot niya sa akin. Nakadamit na siya nang damit na suot niya kanina nang pumunta kami rito. What the hell, Stefanie! Napansin mo pa iyan?

Mariin akong pumikit at tinuon ang atensyon sa pinsan at kaibigan ko.

"What happened to her?" Tanong ko ulit.

Tinignan lamang nila ako dahilan nang pagkairita ko. Sinamaan ko ng tingin si Nicole kaya kumunot ang noo niya.

"What? I don't know! Bigla na lamang niyang hinagis yung baso! Habang nakatingin sa pool.. sa inyo.." humina ang boses niya sa huling salita.

Huminga ako ng malalim at tinignan si Nixon. Tinignan niya rin ako kaya nagkatitigan kami. His cold eyes are looking at my soul.

What have you've done, Nixon?

"Go to your sister.." bulong niya.

Nanghihina ako.

Alam ko na ang mangyayari ngayon pa lang. Natatakot ako na baka aminin na sa akin ni Bernadette na gusto niya si Nixon kahit na alam ko naman na iyon. Natatakot parin ako.

Gusto ko siyang kausapin ngunit natatakot ako sa mga sasabihin niya sa akin. Kahit nasa akin naman si Nixon ay masasaktan parin ako. Ang kapatid ko. I don't want to feel again the pain that I felt before. I will not let that happen.

Umiling ako kay Nixon.

"I-I think, s-she needs time to be alone.." kinagat ko ang labi ko sa rason ko.

Kumunot ang noo niya.

"She needs you, Babe.." bulong niya sa akin.

She needs you more...

Gusto kong sabihin iyon sakanya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Yumuko ako para tigilan ang mga iniisip.

"Nicole and Desteen are there.. If she needs someone to talk to.." tumingin ako sa kaibigan ko.

Agad namang tumango si Nicole.

"Puntahan muna namin ni Desteen si Dette.. Ikaw munang bahala kay Stefanie, Nixon.." Paalam ni Nicole.

Tinignan ko si Nixon, hinintay ang sagot niya. Isang tango ang ginawa niya kay Nicole at tinignan niya ulit ako.

Umalis si Nicole at Desteen doon. Sinundan ko lamang sila ng tingin. Nakita kong sumunod si Maximo at Troy sakanila.

"Anong nangyari?" Lumapit ang pinsan kong si Ken.

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon