Chapter 2

93 5 0
                                    

Chapter 2

It's been a month nung nangyari ang araw na iyon. Hindi ko akalain na gagawin talaga ni Joseph ang lumayo sa akin. Sabagay, para samin din naman iyon.

Senior high school pa lang kami. Yeah right! Second year pa lang ex boyfriend ko na si Joseph. Alam ko masyado pang maaga yun pero wala eh.

"Huy! Tapos na po kayo make up'an tumayo kana diyan at pwumesto na dun. Ikaw na lang hinihintay, o!" Nicole said.

Inirapan ko siya at padabog na tumayo.

Nandito kami sa studio. May photoshoot kami ngayon. Kinuha akong isang modelo ng isang company. I don't mind naman kasi mukhang kailangan ko naman iyon para maglibang.

Simula kasi nung araw na umalis si Joseph naglibang libang na ako. Kailangan ko na siyang makalimutan. Eto lang ang naisip kong paraan. Si Nicole ang tumulong sakin na makapasok ako dito. Kasi, isa rin siyang model dati. Ewan ko ba diyan bakit tinigil niya.

Pumunta na ako kung nasan ang ibang models. Marami din kami, ung iba professional model na. Ako, syempre baguhan pa lang ako kaya hindi ko pa sila masyadong close. Pero, alam ko naman kung anong mga pangalan nila. Kaso nga lang, madalas kong makalimutan.

"Ikaw Stefanie, dito ka muna sa gitna tapos ikaw Kim at Lala sa gilid.." sabi nung photograper diko na pinatapos ung sinasabi niya at pwumesto na ako agad.

Mga 30 shots siguro ung ginawa namin. Tas sumunod na yung iba.

Nang nagbihis na ako. Kinausap ako ni Ashley yung manager dito na bakla.

"Gusto mo bang pumasok sa agency nila?" Sabay turo sa mga magagandang babae. Sila yung mga professional models.

"Para makasali ka sa mga gig nila. Malaki rin ang bayad doon!" Ngumiti siya.

Umiling ako sakanya.

"No, I'm fine with these.. Hindi po ako sanay sa mga ramp ramp. I don't know how to walk.." Nginitian ko siya pero sumimangot naman siya.

"What? Sayang naman! Matututunan mo naman ang paglalakad, at masasanay ka rin!" Ngumiti siya sa akin.

Kung siguro naging lalaki lang ito si Ashley ay ang gandang lalaki nito!

"Sige na. Kailangan pa kasi nila nang 3 pang models. Eh ikaw lang naman ang pinaka maayos sakanila..." Sabay nguso niya sa mga bagong models.

Tumingin kaming dalawa sa mga modelong kakasalang pa lang roon at puro maling pose na ang ginagawa. Umiling ang photographer sa mga pinag gagawa nila.

"See?" Sabi niya.

May biglang humawak sa akin sa kamay kaya napalingon ako doon.

Mg bestfriend smiled at me.

"She's good, right?" Tanong ni Nicole kay Ashley.

Lumingon sakanya si Ashley at abot tainga ang ngiti nang bakla. Hinalikan ni Ashley si Nicole sa pisngi bilang pagbati.

"Yes! She's good! Actually, pinapasok ko nga siya sa agency nila Kim nang sa ganon ay madagdagan ang mga gig niya!"

Tinignan ako ni Nicole atsaka siya ngumiti ng nakakaloko. God! I know what she's thinking!

"Is it okay kung pati ako?" Tanong ni Nicole kay Ashley.

Lalong lumapad ang ngiti ni Ashley sa sinabi ni Nicole. Damn, don't tell she will accept the offer?

"Of course! Sure!"

"Then good! We will accept the offer, Ashley!" Sabi ni Nicole.

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon