Chapter 19

26 1 0
                                    

Chapter 19

Pagkagising ko ng umaga ay bumungad ang mensahe ni Nicole sa cellphone ko. Ang sabi ay mag-oovernight sila ni Bernadette rito sa bahay. Kaya ang ginawa ko ay nilinis ko ang kwarto ko kahit na hindi naman masyado magulo iyon.

Nagbilin ako sa dalawang kasambahay na linisin ang guest room na sa tingin ko ay hindi rin naman magulo dahil araw araw iyon linilinis. Nagsabi ako na dito matutulog ang kaibigan at kapatid ko.

Habang nanunuod ako ng isang Movie sa sala ay biglang nag beep ang cellphone ko. Tinignan ko iyon.

Kumunot ang noo ko.

0917*******:

Hey, where are you? -Nixon.

Nireplyan ko iyon.

Ako:

House. Why?

Pagkatapos ng reply ko ay sinave ko ang cellphone number niya. Nagreply siya na wala lang daw. Hindi ko na lamang pinansin at pinagtuonan ng pansin ang Movie. Ngunit dahil nagparamdam siya ay siya na ang naiisip ko buong takbo ng movie. The Nixon Solomon Valdez effect..

Nang nag alas kuwatro na ay naghanda na ako sa pagdating ni Nicole at Bernadette.

Narinig ko ang pagbukas ng gate namin at tatlong busina galing sa sasakyan ni Nicole kaya lumabas ako ng bahay.

Nagpark siya sa tabi ng sasakyan ko. Lumakad ako patungo roon para salubungin sila.

Ngumiti ako ng bumaba si Bernadette mula sa front seat. Sumunod si Nicole na nasa driver's seat.

"I bought some wine.. Nandiyan na ba sila Mommy?" Tanong ni Bernadette.

Ngumiti ako at umiling.

"Mamaya pa iyon.."

"Wala sila Tita? Good.." Sabi ni Nicole.

Kumunot ang noo ko at umiling ulit sakanya.

Alam ko ang iniisip niya. Gusto niyang uminom dahil iyon ang way na pagcecelebrate niya sa darating na graduation namin.

"Bawal nga! Manahimik ka, Nicole! Gusto mo pa lang mag-inom ay sana nagyaya ka na lang mag bar!" Sabi ko.

Tumawa siya.

"Okay, chill.. Nakakasawa mag bar! Baka may makita lang ako roon.."

Humiga siya sa kama rito sa guest room. Tinignan ko si Bernadette na umupo sa upuan at tumingin sa kanyang hawak na cellphone.

"We can go to the other bars, if you want. Para 'di mo makita yung taong ayaw mong makita." Pabirong sabi nang kakambal ko habang nakatingin parin sa phone.

"Sino ba 'yon?" Tanong ko.

Nagtinginan silang dalawa. Wala akong nagawa kung 'di ang tignan sila. Okay.. Meron talaga akong hindi nalalaman...

"Sila na ni Max at may lumalanding babae diyan sa pinsan mo!" Sabi ni Bernadette.

Tumaas ang kilay ko kay Nicole.

"Why you didn't tell me? I'm still your bestfriend, right? Bakit 'di ko to alam?"

Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Umupo siya ng maayos.

"Kaya nga pumunta kami rito.. Para magkwentuhan tayo, diba? Masyado na kayo naging busy these days. So... Hoy! Nakikinig ka ba?" Sipat niya kay Bernadette.

Tumingin ako sakanya. Napa-angat ang tingin niya sa amin.

"Ha? Yes, I'm listening.." Sabi niya nang binalik balik ang tingin sa cellphone.

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon