Chapter 1
Isang buwan na ang nakalipas simula nang ingkwentro namin nila Joseph at Cassandra doon sa mall, ngunit hanggang ngayon ay malinaw na malinaw parin sa akin ang mga pangyayari. Parang kahapon lang nangyari iyon sa akin.
"Nagawa mo na ba ang assignment sa Physics?" Tanong ni Nicole habang nanghahalungkat ng gamit niya sa bag.
Tumingin ako sa hawak kong ballpen at sa dilaw kong papel. Tinignan ko siya at umiling.
Nalimutan kong meron nga pala kaming assignment last week. For god's sake, last week pa iyon! At hanggang ngayon ay hindi ko parin nagagawa!
Nanliit ang mga mata sa akin ni Nicole. Inirapan niya ako at kinuha ang papel niya at padabog na inabot sa akin.
Ngumiti ako.
"Please lang ha! Sa susunod gumawa kana ng assignment mo! Mahiya ka naman!" Sabi niya.
Tumango ako.
"Yeah, sure!" Sabi ko na lang at kinuha na ang papel niya para mangopya.
"Kung hindi ka lang broken hearted, nako! Di kita papakopyahin no!" Sabi ni Nicole habang nagsusulat na nang kung ano sa papel.
Nagsidatingan na ang mga iba naming kaklase. At saktong alas siyete ay dumating din ang teacher namin.
Lutang ako buong klase. Walang pumasok sa utak ko kundi ang flashback nang nangyari nung isang buwan.
I don't want to think about it anymore but it keeps bothering me, damn! Kailangan ko na bang uminom nang gamot? O mag pabunggo na lamang sa sasakyan para makalimot?
It's a stupid idea, Stefanie!
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, o kung anong iisipin ko para lang maka move-on na sa nangyaring iyon. I should think a solution to this! Hindi pwedeng ganito na lamang ako! Hindi pwedeng hindi ako maka move-on habang si Joseph at Cassandra ay nagsasaya na ngayon!
"Buti nga at hindi ako nadudulas kay Max tungkol doon sa ginawa ni Joseph. Kung ako lang, e.. baka last month ko pa sinabi, mismong araw pa nang panloloko ng hinayupak na 'yon!"
"You don't have to! Hindi naman na nila kailangan malaman.." sabi ko at sumubo ng pagkain.
It's lunch time. Kumain lamang kami sa cafeteria ni Nicole dahil masyado kaming tinatamad para lumabas pa ng school para kumain.
"What? Are you serious? Kailangan nila malaman 'yon no! Kailangan nilang malaman na 'yong Joseph na iyon ay ginago ang kanilang nag-iisang prinsesa!" She said.
"Stop it! What's the use? Tapos na! Move-on.." sabi ko at umiling.
Tumaas ang kilay niya sa akin. She smirked.
"Wow! Move-on? Miski ikaw nga hindi magawa ang salita na 'yan, e.." she smirked.
"It takes time, Nicole.. Hindi madali ang mag move-on!" Sabi ko at inirapan siya.
Tumawa siya sa reaksyon ko.
"Don't tell me aabot ng taon yang pag momove-on mo! My god! Hindi na tama 'yon, Stef!"
BINABASA MO ANG
Stupid Love
Roman pour AdolescentsMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...