Hi! This is the last update for this week. I will update next week as soon as I finish all my requirements in school. Thank you! Enjoy reading!
--
Chapter 15
Matapos iyon ay nalaman kong matalino at sikat pala ang isang iyon. Varsity player at minsan nang naging MVP. Mas lalong nakadagdag sa gwapo niya ang pagiging matalino. He is so damn attractive! Kaya pala madami ding nahuhumaling sakanya..
Pero bakit ngayon ko lang siya napansin? Ngayon ko lang nalaman na may Nixon Solomon Valdez pala na nabubuhay sa mundo.
Gusto ko na lamang matawa sa mga pinag-iisip ko. Why am I thinking about that guy? Am I already attracted.. To him?
"Okay! Pass your papers forward!" Sabi nang teacher namin sa Physics.
Examination na lamang ang gagawin namin ngayong buong linggo at tapos na kami. Tapos na kami sa buhay high school at hello buhay college.
"Hindi ko magets yung sa Newton's Law! Wala akong naisagot doon!" Pagmamaktol ni Nicole.
Tinignan ko siya.
Sa totoo lang ay medyo nalito rin ako doon dahil sa dami nang iniisip. Hindi ko alam kung tama ba ang mga naisagot ko doon.
Naglalakad kami sa hallway nang biglang lumabas si Nixon sa isang pinto ng classroom. Mukhang tapos na siyang mag-exam. Tinignan niya ako. Diretso ang mata niya sa suot ko.
"Did your teacher let you take your exam while wearing that?" Tanong niya.
Tinignan ko ang aking damit. Red crop top, high waist shorts and a wedge sneakers. What's wrong with this? Hindi naman maikli nang sobra ang shorts, a?
Sa mga teacher namin ngayon ay wala sakanila ni isa na strict sa uniporme. Kaya okay lang kung naka-civilian kami.
"Why? Hindi naman bawal ang magsuot ng ganito dito sa school, 'di ba?"
Matalim niya akong tinignan. Si Nicole ay pabalik balik ang tingin sa aming dalawa. Hindi alam ang gagawin o sasabihin.
"Hindi siya maganda sa paningin. I don't like it." Sabi niya.
Umubo kunwari si Nicole.
"Possessive.. Ehem!" Aniya.
Kumunot ang noo ni Nixon kay Nicole. Ngumiti lamang ako.
"I'm not possessive! I just don't like her clothes. Good students wear a nice and comfortable clothes.. Not like that.."
"This is what I want. I am comfortable with this.." Tumango ako.
Tinignan niya ako at umiling tila parang dissapointed siya sa akin. Tinalikuran niya ako nang walang sinasabi. Nagtinginan kami ni Nicole.
Kung ano man ang problema nang isang iyon sa suot ko ay problema niya na iyon! Marami akong iniisip ngayon at hindi ako makapaniwalang isa siya sa iniisip ko!
Matapos ng mga examination namin ay nag-schedule si Bernadette ng Dinner para sa aming lahat. Kasama si Lola, Mommy, ang Daddy niya, siya at ako..
Graduation na lang ang hinihintay namin dahil sigurado na kaming papasa kami. Pagdating ng kolehiyo ay sana hindi ako mahirapan. I'll take BSBA major in Financial Management. Pinagiisipan ko pa kung magpapalit ako ng kursong accountancy dahil iyon ang unang kursong gusto ko. Kaso napag-isip isip ko na meron rin namang subject na accounting sa Financial.
BINABASA MO ANG
Stupid Love
Fiksi RemajaMinsan na akong naloko, minsan na akong nasaktan dahil sa stupidong pag-ibig na yan! Magagawa ko pa kayang mainlove sa iba? Kahit na puro takot at sakit ang nasa puso ko? Kaya ko pa kayang magmahal? O hanggang dun na lang talaga ako? Who the hell in...