Chapter 9

41 2 0
                                    

Chapter 9

Stefanie's POV

"Hello my twin sister." Ngumiti siya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Diko alam kung anong gagawin ko. Diko alam kung anong sasabihin ko ngayong nasa harap ko siya.

"H-Hi." Pinilit kong magsalita para hindi niya mahalata na nabigla ako. Pero damn! Hindi nakikisama ang boses ko!

"Surprise huh?" Nakataas ang kilay niya.

"A-Ah~"

"Don't worry. Hindi naman ikaw ang dahilan ng pagpunta ko dito. Tinitignan ko lang kung anong itsura ng bago kong school." Sabi niya na ikinabigla ko.

Bago niyang school? Ibig sabihin, dito siya magaaral? Why o why?

"Dito ka mag-aaral?" Tanong ko.

"Yes. Don't you like it?" Ngumiti siya.

"G-Gusto." Sabi ko.

Dipa siya nakakasagot nang may tumabi sakanyang babae na blonde at medyo wavy ang buhok at may dalang dalawang mineral water.

"Here's your~" Natigil siya sa sinasabi niya nang nakita niya ako. Nanlaki ang mata niya. "Sino ka?"

"Hah? Ah~"

Lumaki ang ngiti ni bernadette. Lumipat siya sa tabi ko at tumawa nang mahina.

"Isn't it obvious? Natural. Kambal ko siya!" Umirap siya sa kawalan.

"Anyway, Couz, this is Stefanie. Stefanie, this is Desteen my cousin. I mean, our cousin." Sabi niya.

"Panong~" Tinuro niya kami nang pabalik balik ni bernadette na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

"A-Ah. H-Hi desteen." Ngumiti ako at inabot ko ang kamay ko sakanya.

Kinuha niya naman ito pero halata parin sa mata niya na di siya makapaniwala.

"H-Hello." Sabi niya.

"There! Magkakilala na kayo. Let's go? Lunch tayo!" Kinuha niya yung tray na hawak ko at nilapag niya sa table ng mga studyante na halatang nakikinig at nakatingin samin kanina pa.

"Here! Sainyo na lang. Baka kasi napagod kayo sa panonood at pakikinig samin. Tsss." Sabi niya sa mga ito at bumalik samin.

"Let's go!" Sabi niya at hinila na kaming dalawa ni desteen.

-

"Model ka pala? Bakit hindi kita kilala?" Tanong ni desteen.

"Ahh. Bago bago pa lang kasi ako. Kakapasok ko pa lang." Ngumiti ako kahit na kanina pa sila nagsasalita ng masasakit sakin! Tsss.

Hindi naman as in masakit. Yung tanong na parang 'Model ka? Ay talaga? Di halata!' Yung parang ganun! Tsk.

"Duh! Desteen, I'm also a model! Ofcourse, pag una una pa lang, hindi ka pa masyadong kilala. Pero pag sumasali ka sa mga ramp or gig. Siyempre magiging famous kang model." Sabi ni bernadette.

Tumango lang ako at ngumiti.

Pagkatapos naming mag'lunch, nagpaalam na si desteen. Nakipagtalo pa si bernadette sakanya kasi sabi daw nito ay sasamahan siya mag'shopping kaso yun nga, may biglaan daw siyang lakad. Kaya ayun! Naiwan kaming dalawa ni bernadette.

"Hmmm. Saan tayo?" Tanong ko.

Hindi ko kasi alam kung saan niya balak pumunta. Eh may pasok pa dapat ako!

"You still have a class, right?" Tanong niya.

"Yup. Pero pag pumasok ako, wala kang kasama. Kaya sasamahan na lang kita." Ngumiti ako.

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon