Harley's POV
Hello Im Harlee Ima, 18 years old na rin di lang daw halata sa height pero dahil ako ang pinakagwapong miyembro ng BTS iniignore ko lang yun, I do have a handsome manner. 4th year na rin ako at kaklase ko yung Alien na binakuran ang nag-iisa kong crush na babae, wala namang samaan ng loob yun since crush ko lang talaga si Hadlee, oh diba Hadlee at Harley, bagay na bagay ang pangalan namin, KJ lang talaga si destiny kaya di niya kami pinagdestined, oo na ang corny ko na.
Andito kami ngayon sa headquarters ng BTS, di naman kasi pwedeng magluto si Quinn dun sa practice room hahaha. Nakaupo lang kami dito sa may living room habang andoon si Quinn sa kitchen, hinihintay namin siyang matapos magluto, actually kanina pa kami nagugutom di lang namin masabihan si Quinn na bilisan niyang magluto since di naman kami masyadong close sa kanya, si Alien lang talaga yung kaclose niya, casual lang kami sa kanya kaya pinapansin at kinakausap namin siya.
Waaah Quinn-ah matagal pa ba yan? Gutom na gutom na ako sigaw ni Rush, okay binabawi ko na yung sinasabi ko kanina, meron palang kayang sabihan si Quinn na bilisan niya ang pagluluto, ang kapal talaga minsan ng mukha nitong maknae namin, walang pinipiling tao basta gutom siya. Parehas na parehas siya kay Titus Hyung pagdating sa kapatay gutuman.
Malapit na to Rush wait lang sigaw pabalik ni Quinn, napasimangot naman agad si Rush at mabilis na kinuha yung cellphone at headset niya sa minitable.
Kinuha ko naman yung isang bottle ng stick-o sa ilalim ng mini table at yun na lang muna yung nilantakan ko since gutom na gutom na talaga ako.
Dapat talaga si Hadlee na lang ang nagluto, hindi sa pagkukumpara pero kung pagdating sa pagluluto mas panig ako kay Hadlee, ilang beses na rin naman kasi naming natikman yung luto ni Quinn at Hadlee at kung pag-uusapan yung lasa? Mas masarap siyempre yung luto ni Hadlee, crush ko yun eh hahaha.
Tsaka kung pagdating sa biruan namin, mas kayang makipagsabayan ni Hadlee samin, si Quinn kasi minsan kapag binibiro namin ni Rocco Hyung since kaming dalawa talaga yung mapagbiro sa grupo namin, halata naming napipikon siya kasi bigla siyang tatahimik at haharap na lang kay Keegan at silang dalawa na lang ang mag-uusap. Samantalang si Hadlee talagang makikipag-asaran siya samin minsan pa nga kakampi namin siya sa pang-aasar at pang-aalaska kay Keegan kaya talaga namang palagay yung loob namin kay Hadlee, inshort di siya KJ gaya ni Quinn.
Tsaka minsan nababadtrip kami dyan kay Quinn, bigla bigla yang susulpot dito sa headquarters namin o kaya sa practice room tapos kukulitin si Keegan, di naman masabihan ni Damon Hyung, leader namin, kasi siyempre dahil sa hiya na rin, tsaka babae yun di naman namin kakayaning ipahiya siya kahit pa di namin siya kaclose.
Siguro di lang talaga masyadong aware si Keegan kung ano yung nararamdaman nung dalawang babaeng malapit sa kanya, sa totoo lang inosente talaga si Keegan sa maraming bagay, nagulat na nga lang kami nang magsabi siya samin dati na gustong gusto niya si Hadlee at balak niyang ligawan to, so dahil mga supportive na kaibigan at kamiyembro kami tinulungan namin siya.
Sobrang saya namin para sa kanilang dalawa, kaso naiinis lang talaga ako minsan sa pagiging insensitive niyan ni Keegan, for sure sa kanya wala lang yung mga actions ni Quinn para sa kanya pero para saming nakakakita sa kanila at lalo na para kay Hadlee, sobrang may malisya na yung mga turing ni Quinn para sa kanya, pansin naman namin na may gusto si Quinn sa kanya o baka nga mahal na siya nun eh, medyo may pagkashunga lang talaga yang si Keegan kaya akala niya dahil bestfriend siya ni Quinn tama lang yung ginagawa ni Quinn para sa kanya.
Minsan nga parang gusto ko nang kausapin at prangkahin yang si Quinn eh lalo na kapag nalalaman kong nag-away o nagalit na naman si Hadlee dahil sa kanya. Madalas siya yung laging dahilan ng tampuhan ni Hadlee at Keegan, lalo na yung anniversary nila, halos pahirapan pa nun si Keegan sa pakikipag-usap samin na tulungan namin siya na makipagayos kay Hadlee noon, kasi talagang nagalit din kami sa kanya nun dahil sa ginawa niya. Naaalala ko pa nun na tuwang tuwa pa si Hadlee habang kinukwento samin kung pano niya isusurprise si Keegan sa anniversary nila, nagkataon lang na may mga importante kaming ginawa nung anniversary nila kung hindi baka sinugod namin si Keegan noon at nabigyan namin siya ng tag-iisang batok, oo batok lang di namin siya pwedeng sapakin dahil maiissue kami nun haha.
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
DiversosHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...