Hadlee's POV
Halos di ko na mamulat yung mata ko dahil sa pamamaga nito, magdamag kasi akong umiyak dahil sa pag-iisip sa maaaring mangyari mamaya.
Tapos nakisabay pa yung sakit ng ulo ko at yung pagsusuka ko, kaya halos nakaupo na ako sa floor ng cr ko at dun nag-iiyak.
Mabuti na lang at masyadong makapal yung salamin na ginagamit ko kaya hindi nahahalata yun.
Pagkatapos kong mag-ayos, nagpahatid agad ako kay Mang Johnny sa school.
Halos parang ayaw ko nang ipabukas kay Mang Johnny yung kotse pagdating namin sa may gate ng school, at parang ayaw ko na ring pumasok at magkulong na lang muna ako sa kwarto ko, kasi pakiramdam ko pinanghihinaan ako ng loob, pakiramdam ko bibigay ako.
May problema ka ba iha? Mahinang tanong sakin ni Mang Johnny, hinawakan ko kasi siya sa balikat niya ng akmang bababa na siya.
Dahan-dahan ka namang tinanggal yung kamay ko sa balikat tsaka bahagyang umiling, nagtataka naman siyang bumaba ng sasakyan at tsaka patakbong lumapit sa may pinto sa backseat.
Salamat po Mang Johnny magalang na sabi ko sa kanya pagkababa ko, tinanguan lang naman niya ako tsaka siya bumalik sa driver seat.
Naglakad naman agad ako papasok ng gate at bigla akong napatigil nang lumitaw bigla sa harap ko si Keegan.
Babe nakangisi niyang sabi sakin, naramdaman ko naman kaagad yung paninikip ng dibdib ko at yung panlalabo ng mata ko, pero minintain ko lang yung blank face ko para magawa ko nang maayos yung binabalak ko.
Nilagpasan ko kaagad siya pero napatigil din agad ako ng hinawakan niya kaagad yung braso ko at pinaharap ako sa kanya.
Di mo man lang ba ako babatiin? Hahaha sobrang namiss ka ng gwapo mong boyfriend he said again pero tinaas ko lang yung kilay ko, akmang hahalik naman siya sakin nang iniwas ko kaagad yung mukha ko at bahagya pa siyang tinulak.
Napakunot naman agad yung noo niya habang nakatingin sakin pero di man lang ako nagbigay ng reaksyon sa kanya at malakas kong hinigit yung braso ko at tinalikuran siya.
Babe may problema ba? Naguguluhang tanong niya habang nakasunod sakin, tuloy-tuloy lang yung paglalakad ko while ignoring him
Babe ano ba? Ano na naman ba to? May nagawa ba akong di mo nagustuhan? Babe I'm talking to you he said at alam kong naiinis na siya.
Tumigil naman ako sa may soccer field at tsaka ko siya nilingon, medyo malayo naman siya sakin kaya patakbo siyang lumapit at hinawakan yung mga kamay ko.
Okay ka lang ba? Ano bang nangyayari sayo? May nagawa ba akong kasalanan? Babe ano? Mahina niyang sabi habang ginagalaw nang konti yung mga kamay ko.
Napalunok naman ako bago ko tinignan yung mga mata niya.
Ayoko na dire-diretso kong sabi sa kanya, napanganga naman agad siya at binitawan yung kamay ko.
A-Anong ayaw mo na Babe? Naguguluhan ako he said, kaya umiling naman agad ako at blankong tumingin sa kanya.
Let's break up tuwid na sabi ko sa kanya kaya mas lalo naman siyang napanganga.
W-What? Haha Babe, ang ganda ng biro mo ah, umagang-umaga Babe oh, t-tara sa cafeteria, papakainin kita ng marami hahaha he said, kitang kita ko naman sa mga mata niya kung paanong namuo yung mga luha dun, kaya tinatatagan ko kaagad yung sarili ko.
Di mo ba naiintindihan Keegan? I said let's break up, ayoko na, pagod na ako malakas kong sabi kaya napatingin agad samin yung ibang students na malapit samin, mabilis naman silang nagbulungan.
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
AcakHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...