Hadlee's POV
Napangiti ako ng mapait kanina nang niyakap ako ni Keegan nung pagkakita niya sakin.
Kasi narinig ko lahat ng sinabi ng President ng Bighit at ng manager ng Bts
Ipinakita ko lang kay Keegan na wala akong alam na hindi ko alam kung anong nangyayari.
Masakit na ako yung dahilan kung bakit nangyayari kay Keegan lahat ng ito.
Siguro nga dapat hindi na ako nagpakita pa, siguro okay na yung career ni Keegan, dire diretso lang wala na siyang iintindihin pa na kahit anong issue kundi yung pagpeperform lang ng mga kanta nila, pagpapasaya na lang sa Army, pagsikat nila, at pagtanggap ng mga awards na makukuha nila.
Masaya na mahirap na may boyfriend kang celebrity, sobrang gugulo yung buhay mo, magiging laman ka lagi ng social media, kailangan mong magdisguise pag lalabas ka, kailangan malinis lagi yung kilos mo, magiging feeling artista ka din pero masaya pag nagend up na kaya kang ibroadcast ng boyfriend mo, hindi ka niya ikakahiya, kaya niyang ipakita sa mga tao na mahal na mahal ka niya.
At ganun si Keegan kaya as long as I can hindi ako bibitaw sa kanya, ayoko na ulit na saktan at iwan siya. Kung kaya niya akong ipaglaban pwes ako din, madaling problema lang to unlike sa mga nangyari samin dati.
Pero kung si Keegan mismo yung bibitaw I'll accept, I know na naman yung magiging dahilan niya kung bakit bibitaw siya and it is for his own sake and his career and papayag ako, I don't want him to suffer because of me because I love him, I really do.
Masiyado na yata akong nagiging madrama.
And nandito pa rin pala ako sa Bighit company and I'm here sa kitchen ng dorm nila para ipagluto ko sila ng lunch since wala talaga akong ginagawa ngayon.
Magkasama kami ngayon ni Rush dito sa kitchen, si Keegan kasi naliligo tapos sila Rocco oppa nasa sala nanonood ng TV.
Gusto daw kasi akong panoorin ni Rush na magluto at the same time iinisin niya na naman ang boyfriend ko.
Hadlee bakit naglalagay ka ng paminta sa adobo? Tanong na naman niya sakin, kanina pa siya tanong ng tanong sakin as in kahit mantika na ilalagay ko itatanong niya kung bakit ko daw nilalagay yun, seriously? Pinapapunta ba siya dati ng mommy niya sa kitchen?
Para lang may konting spice.. Sagot ko, nauubusan na ako ng isasagot sa kanya kaya bara bara na lang yung sagot ko.
Eh mahilig kami sa maanghang Hadlee, so it means pag nagluto din ng ganyan si Titus Hyung dapat sobrang daming ganyan yung ilalagay niya? Tanong niya ulit kaya napaface palm na ako.
Hehe chilli powder na lang ang ipalagay mo, don't worry kung gusto niyo talaga nito, ibibigay ko yung recipe nito kay Titus oppa, so punta ka na dun sa sala at dun ka na lang maghintay na maluto to pilit ko sa kanya habang nakapilit akong ngiti, umiling naman siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/48188208-288-k822769.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
De TodoHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...