Chapter 11

259 17 1
                                    

Hadlee's POV

One months had passed, halos nasa ayos na lahat, bumalik na si Keegan sa dati, it means that sobrang kulit na niya ulit, sobrang takaw, kasabayan na ulit nila Rocco oppa sa kabaliwan, pasaway na naman sa manager nila at problema na naman ni Titus oppa at Damon oppa, to make it short naging Alien na naman daw siya based kay Rush.

And sometimes nakikita ko pa rin yung pagsulyap sulyap niya kay Quinn and vice versa, wala naman na akong problema tungkol dun.

Lalo na ngayon that I can see, rather we can see that she is happy now with her friends, yeah may mga kaibigan na siya, and pinsan ni Syn yung isa dun, I am happy for her though, atleast kahit papaano hindi na lang siya kay Keegan ngayon nakadepend. I don't know kung paano o kung kelan niya naging kaibigan yung mga kasama niya ngayon, I don't care din naman na sa kanya as long as di na siya makikielam pa samin, di ko na rin siya papakielamanan pa.

But behind all of that improvements, an unexpected things happened to me, 3 days na akong absent, all of them didn't know the reason, di ko rin hinahayaang malaman ni Keegan kung anong nangyayari sakin, mabuti na rin na hindi pa rin ako nakakagamit ng cellphone ngayon since nung binasag ko yung phone ko, di ko rin naman kasi kailangan since almost everyday dati lagi kaming magkasama ni Keegan, I just use that for emergency.

But Ate Isa always told me everytime na pumupunta siya dito kung may inuutos sila mommy or may pinapadala sila mommy, kahit nakapikit lang ako sinasabi niya pa rin sakin na tawag daw ng tawag si Keegan sa landline namin at lagi siyang dumadaan sa bahay kapag umaga bago pumasok, sinasabi na lang daw nila na may pinaasikaso sakin sila mommy na importante and it's confidential kaya di pwedeng sabihin sa kanya, aware naman kasi sila na conscious ako, I dont have strength lang talaga na magsalita at imulat yung mata ko.

Nararamdaman ko naman yung haplos ni mommy sa buhok ko habang nakapikit pa rin ako, I don't even have a strength na imulat yung mata ko, pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako that even moving one of my fingers di ko magawa.

My parents don't usually stayed here in Philippines kasi nasa Korea yung mga businesses namin so they need to stay there, umuuwi lang sila dito tuwing may occasions or ako yung pumupunta dun sa Korea, but when they informed what happened to me here mabilis silang pumunta ni Daddy dito.

And sa loob ng 3 days, puro iyak lang ni mommy yung naririnig ko at yung pang-aalo ni daddy sa kanya, I feel sorry for them, kasi nagkakaganito na naman sila sakin, nagkakaganito na naman sila because of my sickness.

Flashback
Napabangon ako bigla nang maramdaman ko yung sobrang init sa katawan ko especially in my head and chest part, pakiramdam ko sinusunog yung parte nang katawan kong yun, pilit ko namang inaaninag yung orasan sa may headrest ng kama ko, ang hirap kasi parang nanlalabo yung paningin ko.

And I saw that it's 3 am in the morning, napahawak naman agad ako sa may ulo ko nang biglang parang may pumintig dun kaya iniling iling ko kaagad yung ulo ko para mawala yun, tumayo naman agad ako para kumuha ng tubig sa kitchen kasi parang nanunuyo na yung buong bibig ko.

Dahan-dahan naman akong naglakad pababa sa kitchen, mabuti na lang medyo maliwanag kaya di ako nakakaramdam ng takot, pagdating ko sa kitchen dumiretso kaagad ako sa ref at binuksan yun, parang nakahinga naman ako bigla ng maluwag nang maramdaman ko yung lamig nun, kinuha ko kaagad dun yung isang pitcher, at sinara yun.

Nagsalin agad ako sa baso at balak ko na sanang uminom dun nang maramdaman ko bigla yung panginginig ng kamay ko pero di ko na lang pinansin yun at tumuloy pa rin ako sa balak kong pag-inom, halos di pa nababasa yung labi ko nang biglang lumakas yung panginginig ko kaya nabitawan ko kaagad yung baso, I don't understand myself kasi kitang kita kong nabasag yun pero wala akong narinig na tunog nang pagkabasag nun, even the sounds of our refrigerator and the ticking of the clock di ko na marinig, but I heard those nung papunta pa lang ako dito sa kitchen kanina.

I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon