Chapter 03: The Queen In School
"Stone, I heard na hiwalay na kayo ni Chill?" sabi ng kaibigan ni Stone na si Payne.Isa sa kabarkada niya.Ang cassanova type sa kanilang lima.
"Nah..Baka LQ lang."dagdag naman ni Ell. Ang pinakamatanda sa kanila.
"Ganyan talaga yang mga babae.Makikipaghiwalay kaagad.Una magpa-pahard to get, yun pala sa huli iiwan kalang." Palag naman naman ni Eros na naging bitter sa mga babae pagkatapos hiwalayan ng girlfriend nito.
"Nakaka-awa ka naman Stone.Hahaha" saway sa kanya ni Frost, ang mukhang isip bata sa kanila.Ngunit hindi sila pinansin ni Stone.Habang si Stone ay badtrip na badtrip.Naiinis siya kay Queen dahil kung makaasta ito ay mukhang matagal na silang magkakilala.Patuloy parin sa pag-uusap ang mga kasama niya tungkol sa kanila kay Chill, ang babaeng dapat sana niyang pakasalan.At naiinis siyang isiping imposible ng mangyari iyon.
"Stone, Ano na? Wala na ba talaga kayo??Talaga??Tal---"
"CAN YOU SHUT THE F*CK OFF!!" naiiritang sigaw niya kay Frost habang ginugulo yung buhok niya.Natigilan naman silang apat dahil sa hindi inaasahang reaksyon ng kaibigan nila.
"Hindi pa kami tapos ni Chill Ok!!Binigbigyan lang namin ang isa't-isa ng time and space.Dahil alam niyo naman gaano ka busy si Chill sa career niya.That's it!!" naiinis na paliwanag niya.Badtrip na nga siya sa isyung ito idag-dag pang may fiancée siya na kasama pa ang pag-asta nito sa kanya.Sino ba naman ang hindi maiirita sa sitwasyong kinalalagyan niya.
"Ah..Okay." sabay na sabi nilang apat sa kaibigan,
"Yun lang pala eh, bakit parang ramdam naming galit ka sa mundo ngayon?" tanong ni Ell sa kanya.
"Wala!Just don't mind me." Wika ni Stone sa kaibigan niya.Iniisip niya ngayon na sana hindi magkrus ang landas nilang dalawa bilang magkaklase.Iniisip pa lang niya,parang sasabog na ang ulo niya sa galit.
"Meron daw tayong bagong kaklase?" napukaw ang atensyon niya kay Payne.
"Yun din ang narinig ko."Pasang-ayon naman ni Ell.Bigla naman siyang kinabahan,dahil alam niya kung sino ang ibig nilang sabihin.At hindi niya maiwasang mag-initan ng dugo sa pagsagi sa utak niya si Queen.
"Babae daw o lalaki." panigurado niya at sana nga mali siya.
"Babae daw." Sagot ni Ell.
"Tssk." He hissed dahil mukhang tama ang hinala niya.
"Hindi,lalaki daw." Kontra naman ni Eros.Magsasalita sana siya ng biglang dumating ang professor nila.
"Good morning students.I would like to introduce a transfer student." Wika ng prof nila sa Accounting at gayun ding adviser sa kanilang klase.
He averted his attention on his desk. He heard some footsteps. Hindi na siya interesado dahil alam niya na kung sino.Baka sasabog pa siya ag alit at masigawan pa niya ito.
"You may now introduce yourself." Dinig niyang sabi ng prof.
"Goodmorning everyone." Laking pagtataka niyang marinig ang isang boses ng lalaki kaya napalingon siya sa kinaroroonan nito.
At Laking gulat nalang niya ng makilala niya kung sino ang nasa harapan.
"Hi, I'm Hawk Fryle.It's nice to meet you.Please take care of me." Pakilala nito sa sarili.Habang si Stone ay tinatanong ang sarili kung anong ginagawa nito dito.Sabay ang tili ng mga kababaihan ng ngumiti ito ng makahulugan.

BINABASA MO ANG
Falling For The Queen
Romance"I think I am sure now that I am falling inlove with you now Queen." "You shouldn't fall for the Queen." "And If I do?!" "You'll die!!"