Chapter 39: The Amnesia Couple Part 1
[THIRD PERSON POV]
Sa loob ng SF Arena, ay lihim ding nanunuod ang SFA o ang bumubuo ng SF sa isang silid. Bawat isa sa kanila ay leader ng isang gang sa bansa.
"Malakas ang Lady Q na iyon. Interesting." Sabi ng isang lalaki na nakasuot ng bonet habang nanonood sa isang malaking monitor. Ang pangalan niya ay Uno.
"Yeah. Kahit na ang 'newbie destroyer' ay nahihirapan sa kanya." Sabi naman ng isang lalaking umiinom ng wine habang may nakakandong sa kanyang isang babae.
"Hoy, Dos. Naaalibadbaran ako sa lintang iyan. Paalisin mo nga!" saad ni Tres na nakabusangot ang mukhang nakatingin sa katabi niya. Sinensyasan naman ng nagngangalang Dos ang babae at hinalikan muna nito ang lalaki at umalis. Ng tuluyan na itong makaalis ay nakangisi itong nakatingin kay Tres.
"She's gone. Mind if you join me?" Sabi nito.Napaisa naman ang kilay ni Tres.
"Tchee!Wag mo akong gayahin sa lintang iyon! Nga pala, narinig kong kakasali lang ng Lady Q'ng iyon sa grupo ni Singko?" Pag-iba nito ng usapan.
"Tama. Ngunit madalas lang pumupunta si Singko dito." Sabi ni Uno habang inaayos ang bonet niya.
"Ngunit, speaking of that 'Lady Q'. Pamilyar sakin ang galaw niyang iyon." Saad ni Dos.
"Bakit mo naman iyan nasabi?" tanong naman ni Tres. Naghihintay naman sila sa sagot ng kasama nila.
"Remember you also kick mine, Tres." Sabi ni Dos habang nakabusangot ang mukha.
"Pakshet!!" singhal ni Tres. Inaasahan niyang may iba itong ibig sabihin.
"Haha. Iyon lang pala..." natatawang saad ni Uno.
"Nga pala, narinig ko kay Quadro na babalik na si SL sa susunod na buwan." Dagdag nito.
"Talaga!!" masiglang saad ni Tres. Ngunit salungat naman si Dos.
"That'a a bad news for me."
"Hahaha." ~ Uno
=====
Sa kabilang dako,
Kinaumagahan, dahil walang pasok ay iniimbitahan ni Stone ang mga kaibigan niya sa kanilang bahay upang ipagpatuloy ang pinag-usapan nila kagabi. Sinabi ni Stone sa mga kaibigan niyang si Lady Q ay si Queen. Laking gulat naman iyon ng apat. Naniniwala naman sila kay Stone. Ngunit ang mas ikinagulat ng apat ay iyong bagay na gustong ipagawa niya dito.
"You are asking her to date you?" hindi makapaniwalang saad ni Eros. Kahit na sila Frost ay ganoon din. Nakakatawa lang pakinggan sa parte nila na nagawa nga nilang paglayuin ang dalawa ngunit heto ngayon ay naglalapit at naglalapit parin sila.
"Hindi pa nga ako nakarecover tungkol sa pagiging Lady Q niya." Sabi naman ni Payne.
"Wala akong masabi." Saad naman ni El.
"But speaking of her being Lady Q, baka sumali siya sa SF upang makalaban ka Dude. Dahil gusto ka niyang gantihan dahil kinalimutan mo siya—Aray!!Ano ba Eros!!" reklamo ni Frost ng bigla siyang binatukan ni Eros. Nararapat din naman ang ginawang iyon ni Eros dahil hindi talaga nag-iisip si Frost sa pinagsasabi niya.
"But something is bothering me." Biglang salita ni Stone. Mabuti at hindi nito pinagtuunan ng pansin ang sinabi ni Frost.
"Bothering you?" nagtatakang tanong ni Eros.
"Sigurado ba kayong magkakilala kami ng Queen na iyon?" nagulat naman sila sa sinabi ng kaibigan nila. Pinag-usapan na nila ang tungkol dito kaya ganoon nalang ang gulat nila kung bakit ito naitanong ni Stone.
"Oo.Bakit mo naman naitanong ang bagay na iyan Stone?" naguguluhang tanong ni El.
"Sinigurado ko lang.." tipid nitong sagot.
"So what is it that bothers you?" balik tanong ni Eros.
"Kung totoo ngang magkakilala kaming dalawa, bakit mukhang wala man lang siyang naging reaksyon ng magkita kami noon sa Airport at hindi lang doon, pati sa bar. Base sa pagkikita naming iyon ay ni minsan hindi niya binanggit na magkakilala kaming dalawa. Mukhang hindi niya 'ko kilala." Paliwanag ni Stone.
"Napansin din namin iyon Stone, iyong gabi sa bar at nagulat kami noong sinabi niyang kilala daw namin siy—" bigla naman silang napaisip at tiningnan ang bawat isa sa kanila.
"Don't tell me, may amnesia din si Queen!" gulat na sambit Frost. Natahimik naman sila. Mukhang tama nga ang hinala nila.
"Ganoon na nga. Kilala natin si Queen, wala siyang rason upang magpanggap na hindi niya tayo kilala. Kung si Stone iyon masasabi kung meron ngunit tayo, wala." Dagdag naman ni Payne.
"Sang-ayon ako kay Payne.Mukhang may nangyari nga kay Queen na hindi natin alam." Aniya ni El.
"Grabe, so ibig sabihin niyan ay hindi nila maalala ang isa't-isa? May nangyayari palang ganito sa totoong buhay?" manghang-manghang sambit ni Frost
"Mukhang ganoon na nga." Pasang-ayon ni Eros.
"Paano naman nangyari iyon?" tanong naman ni Payne. Ngunit bigla nalang silang tumahimik ng makita nilang tahimik ngayon si Stone. Pansin nilang nag-iisip ito ng malalim. Wala naman silang ginawa kundi hintayin itong magsalita.
"Kailangan 'kong kumpirmahin ang bagay na iyan. Kaya kailangang mangyari ang isinulat ko sa papel na iyon." Saad ni Stone. Sumang-ayon din naman ang apat. Dapat muna nilang kompirmahin bago sila magbigay ng isang konklusyon.
"Na matuloy ang date ninyong dalawa Dude?"
"Grabe ka Frost, kailangan mo pa talagang sabihin." Saway ni Payne. Nakabusangot naman ang mukha ni Frost dahil sinamaan siya nito ng tingin.
"Ang problema ay hindi mo inilagay kung kailan at saan." Ani ni El.
"Kahit na ilagay ko man ang mga iyon ay wala paring kasiguraduhan na papayag siya." Nakapalumbabang saad ni Stone. Ngunit hindi nila alam na may biglang pumasok sa isip ng kaibigan nilang si Frost.
"Ahem!Ahem!" napalingon naman sila kay Frost na nooy nakangisi.
"Tungkol diyaan may plano ako." Ngunit lumukot naman ang mukha ni Frost ng hindi na siya binalingan ng tingin na mga kaibigan niya.
"Grabe kayo, hindi niyo man lang pakikinggan ang idea ko. Sige, just give me a day at sisiguraduhin 'kong uulan kayo ng puri sakin." Mukhang batang saad ni Frost at padabog na umalis. Hindi na lang nila ito pinigilan dahil kung ano-ano na namang sasabihin nito kay Stone.
"So what's the plan?" tanong ni Eros.
"Hintayin nalang natin kung anong gagawin ni Frost." Saad ni Stone. Wala silang tiwala sa gagawin ni Frost ngunit wala silang magagawa dahil si Stone na mismo ang nagsabi.
"If that so, habang maghihintay tayo kay Frost, why don't we go to Kulaozki. Hindi pa kami napunta doon maliban sayo Stone. Magbibilyard mo na tayo dahil umaga pa naman, at pag gabi na, alam niyo" Nakangiting alok ni Payne. Dahil wala naman silang ibang gagawin ay nagpagdesisyunan nilang pumunta sa bagong bukas na bar na iyon.
===*===
[FROST]
"Nakakainis talaga ang kaibigan 'kong iyon. Hindi man lang pinakinggan ang plano 'ko." They always think I'm that stupid? Papatunayan ko sa kanila na mali ang akala nila. Namomoblema silang paano mapapayag si Queen? Isa lang naman ang alam ko. We will be going to blackmail her. Simple and the first step ay magmasid. Just call me stalker if you want.
At nandito ako ngayon sa isang lugar kung saan ko madalas makita iyong kasama ni Queen. Iyong palagi nalang nakasuot na pang men in black na suit. Kulang nalang mag sunglasses, at mamumukha na nga siyang actor ng Men in Black movie. Magdadalawang oras na ako ditong nakaupo sa 7/11 at nangangati na ang pwet ko sa kahihintay at kapapanood sa mga taong dumadaan. Nakaramdam na ako ngayon ng gutom kaya lumabas muna ako at pumunta sa kaharap ng 7/11 kung saan nandoon ang mga paborito kong Street Foods! Palipat-lipat naman ako ng stand dahil puro na ubos ang mga pagkain, ngunit mga ilang minuto ay nakakita din ako na may madami pang niluluto.
"Ale pabili nitong tempora at kwek-kwek. Tsaka nitong fishball." Sabi ko sa Ale habang tutok na tutok ako sa mga pagkain na nakahain sa kawali.Kanina pa ako nagugutom.
"Pasensya na sir, may nakabili na po nito." Napatingin naman ako sa Ale.
"Ano? Pati ito, tapos ito? Lahat nito?!" hindi makapaniwalang saad ko habang isa isang itinuro ang mga pagkain kahit na hindi pa luto ang iba. Grabe, wala na ding ibang mabibilhan pa dahil nagsisiubusan na.
"Opo sir. Binili na po lahat ng paninda ko." Paliwanag ng ale habang itinuhog ang limang pirasong fishball sa barbecue stick. Napapalunok na talaga ako dahil sa gutom.
"Eh kung ganoon, bigyan niyo lang ako ng limang kwek-kwek at dodoblehin ko ang bayad."
"Sorry po talaga sir."
"Tre-treplehin?"
"Hindi po talaga pwede sir."
"Manang hindi ba kayo naawa sakin? Nagugutom napo itong gwapong ito sa harap niyo, isang piraso lang ng kwek-kwek at fishball, ayaw niyo pang ipabili.Grabe nam---"
"Manang Roleta, anong 'pong problema."
Bahagya akong napatalon sa tigas ng boses na iyon sa likuran ko.
"Ito po kasing si sir, gusto niya sanang bumili ngunit hindi po ako pumayag dahil binili niyo na po lahat nito."
So itong taong 'to sa likuran ko ang dahilan ng pagdudurusa ko ngayon sa gutom. Halos magkadikit ang kilay 'kong liningon ang tao sa likod ko. Ngunit ganoon nalang gulat ko ng makita ko siya.
"You..." Iyan lang ang lumabas sa bibig ko. Who would think na iyong taong kanina ko pa hinintay ay bigla nalang lilitaw sa harap ko at lalong-lalo na sa ganitong sitwasyon.
"May problema ba tayo."
Hindi ko maiwasang magsalubungan ang dalawa kong kilay sa matapang na asta niya.
"Oo. Gusto 'kong ibigay mo sa akin ang limang piraso ng kwek-kwek at fishball tapos babayaran kita ng treple. Pagkatapos 'kong kumain ay mag-usap tayo."
Wala na akong pakiaalam kung anong magi-ging reaksyon niya basta nagugutom na talaga ako. Nagsisimula ng mag-ingay ang sikmura ko.
"Manang Roleta, ibigay niyo po ang gusto niya."
Napangisi naman ako. Madali naman palang kausap ang taong ito. Binigyan naman ako ng ale. At wala sa isang segundo ay dali-dali ko iyong ipinasok sa bibig ko.
"HOT! HOT!! HOT!!!!!" dahil sa gutom ay hindi sumagi sa isipan ko na bagong haing pa pala sa kumukulong mantika ang kinakain kong kwek-kwek.
"Mainit pa po iyan sir. Dahan-dahan lang po." Ani ng ale sa akin. Pinaypayan ko muna ang mga dila ko tsaka kumain ulit. Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na akong kumain. Nakangiting kinuha ko ang pitaka ko at kumuha ng isang libong peso.
"O. Ito bayad k— " hindi ko naipagpatuloy ang sinabi ko dahil saktong paglingon ko ay wala na ang taong pakay ko.
"Kakaalis niya lang po sir."
"ANO?!!! SAAN BANDA SIYA PUMUNTA?!!"
"D-doon po." Turo niya sa akin sa kabilang daan. Ibinigay ko sa kanya ang bayad at dali-dali tumakbo at tumawid sa daan. Mabuti at wala gaanong sasakyan at nakatawid ako ng maayos.Nakikita ko pa siyang naglalakad bitbit ang isang paperbag.
"Hey! Stop, kailangan pa nating mag-usap!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya. At grabe, naglalakad lang siya habang ako ay tumatakbo. Hindi ko parin mahabol.
"Oy!!!!" nilakasan ko pa ang boses ko. Kaya pinagtitinginan na ako ng mga tao. Syempre naman. Hindi talaga nila maiiwasang tumingin sa kagwapohan ko. Ngunit hindi pa umabot sa dalawang minuto ay nababagot na ako sa kakahabol sa kanya.
Huminto muna ako. Hinga ng malalim.
"Hoy! Lalaking may dalang paper bag na may laman ng kwek-kwek at tempura na naka men in black na suit!"
Ngunit mukhang hindi niya narinig ang sigaw kong iyon dahil bigla siyang lumiko ng daanan. Kaya napaharurot ako ng takbo dahil nawala na siya sa paningin ko. Ng lumiko na ko ay nakita ko siya kaya mas binilisan ko pa ang takbo sa makakaya ko. Ngunit hindi ko akalain na padaosdos pala ang daan. Kaya mas domoble ang bilis ng pagtakbo ko.
"Impossible hindi na kita mahahabol!" singhal ko. Napangisi naman ako dahil dalawang metro nalang ang layo naming dalawa. Ngunit ganoon nalang pagkabigla ko ng bigla siyang tumigil at yumuko. Hindi ko mapigilan ang mga paa ko. Wala na akong ibang magawa pa kundi ang sumigaw.

BINABASA MO ANG
Falling For The Queen
Romance"I think I am sure now that I am falling inlove with you now Queen." "You shouldn't fall for the Queen." "And If I do?!" "You'll die!!"