Chapter 28: The New Beginning
STONE’S POV
“Guys hear the news, wala na daw si Queen at Stone.”
“Eh, last week pa yang news nayan eh. Sila na ulit nong hrm student.”
“Iyong Chill. Ewan ko, narinig ko lang sa parents ko na magfiancee si Queen at Stone tapos kinancel ni Stone ang marriage nilang dalawa.”“Talaga. Bago yan ah.”
Nagsitahimikan sila ng napansin nila ang presensya ko. Naglalakad ako ngayon sa hallway at panay ang pagtinginan nila sa akin. Hindi na ako magugulat kong ako ang pinag-uusapan ng buong campus. I’m popular after all. Hindi ko lang sila pinansin.
Pumasok nako sa silid-aralan namin at ayon na naman ‘yong Queen na yon. Lahat ng lalaki ay nakatingin sa kanya pati mga kaibigan ko. I admit she looks so cool today. She looks like an actress of an action movie. Natandaan ko tuloy ‘yong nangyari kanina. Talagang makamandag talaga ang taglay na ganda ng babaeng yan. Ugali ko ng mapanganga. Tae lang!
Napansin ng ang presensya ko. Sinimaan ko lang sila ng tingin. Nagsisiayos naman sila ng upo. Mga babae naman, hindi maiwasang kiligin. Tssk! Bakit ang babaeng bond-paper ang mukha hindi.
Nakatalikod ito sa akin habang nakaupo siya sa table nila ni Hawk kausap si Snow..Pansin kong hindi pa dumating ang pinsan ko. Sh*t pati pag-upo, astig tingnan. I shrugged my shoulder. Naparami na kasi, I already have Chill. Bawal nakong tumingin sa ibang babae.
Umupo na ako sa upuan ko . Natalikod din ako sa babae. At ilang centimetro nalang ang layong magdikit ang bawat likod namin. Kaya umusog ako ng kaunti sa harapan.
“N-Nandito ka na pala?” ani ni Ell na kakapansin lang sakin. Napalingon naman sina Eros,Payne at Frost sakin.
I hissed. Pati mga kaibigan ko, nagawa niyang akitin.
“Pansin kong nakamotor ka ngayon Queen ah.You look so cool.” Rinig ko sa likod ko. And it was Snow.
“I’m always cool. Ngayon mo lang napansin.” She said with the usual expression of her. Ngunit mararamdaman mo ang yabang doon.Tumawa lang si Snow.They seem so close now huh.
I am really curious about who is Queen really. Minsan naguguluhan ako kung ano talaga ang ugali niya. Noong unang nakilala ko siya, she displays a calm expression but cold.Minsan ay nakakatakot. ‘Yong pagiging maawtoridad niya na hindi mo makikilala kung sino siya. Para bang isang aura ng isang namumuno at hindi mo mapigilang matakot.Ng bumalik siya dito ay may pangiti-ngiti na siya na noon ay hindi niya pa naipakita sakin. Pagkatapos biglang naging masungit.At noong gabi cold na naman at ngayon naging astig at mayabang.
Ano ba talaga ang ugali niya. Naguguluhan na ako. I shook my head. Hindi na dapat ako mag-isip tungkol sa kanya.
“Okay ka lang Dude?” sabi ni Frost sakin at inakbayan ako.Tumango lang ako.
“Grabe ka kagabi Dude, you just turn down Q----ARAY!!!Oh! Ikaw na naman ngayon Payne!” galit na saad ni Frost habang inalis ang pagkaakbay sakin ay napahawak sa ulo niya.Paano ko ba naging kaibigan ang walang prenong bibig nitong isang to.
“You deserved one to be hit.Hindi ka talaga marunong magbasa sa mga nangyayari Frost.” Saad ni Payne.
“Anong babasahin ko . Asan ang libro? ARAY!!!” napaaray na naman si Frost dahil sa batok ni Eros.
“Bobo..” aniya ni Eros.
“Wag ka nalang magsalita Frost. Hindi ka nakakatulong.” Dagdag ni Ell.
“Tsk!” Eros hissed. Nagsimula na kaming magsiupuan ng dumating ang prof namin sa accounting and also our adviser.
“It seems Hawk will be absent.” Rinig kong sabi ni Snow. Hindi niyo ko masisisi kung maririnig ko man silang mag-uusap.Alangan namang takpan ko ang mga tenga.Baka isipin ni Queen na nakikinig ako.
“Probably.” She said.
“Nandito na si maam.” Snow said. At nakita kong kakapasok palang ni Miss. Prof namin sa Accounting na nooy adviser din namin. Ramdam kong umalis na sa pagkaupo sa mesa ang babaeng nasa likod ko. Muntik na akong napamura ng biglang dumikit ang likod ni Queen sa likod ko. Ngunit saglit lang naman iyon.
“Oops, my mistake, I outbalance.” I heard her chuckled. Ng tuluyan na siyang nakaalis sa pagkasandig sakin. At hindi ko na talaga maiwasang mapamura.
“Tae!”
Ito na naman ‘yong nararamdaman ko. Pesteng puso to. My mind is ignoring her. But my heart does not. I don’t want to hurt my ego again.Sakto na ang apat na beses. Tuluyan ko ng aaminin na may nararamdaman nga ako kay Queen. And I am stupid for not realizing it. Nagiging denial ako dahil sa nasaktan ang ego ko.But now, I’ll stop that feeling. Dahil mas mahal ko si Chill.I’ll almost lost her.Since she came back, hindi ko na siya pakakawalan pa.
Bumalik lang ako sa muwang ko ng lumapit sakin si Mrs.Felicano.
“Did you just curse Mr.Garcia. Talaga bang ganon ka talagang naasiwa sa presensya ko?!” namimilog ang mga matang sabi niya sakin habang nakapamewang. Napayuko naman ako hindi dahil sa takot kundi sa hiya.Tahimik lang silang lahat maliban sa babaeng nasa likod ko na ang lakas tumawa.
Lalo pa akong naiinis. Inaangat ko ang ulo ko upang tingnan si Mrs.Felicano.May naisipan na sana ako ng palusot. Ngunit pagkakita ko sa prof ay masama itong nakatingin sa likod ko.
“Anong nakakatawa Ms.Sandoval?Is there something funny?!”
“Ah.. Haha. Si Stone po kasi. N-Nakatapak po siya ng tae ng aso,H-hahaha”
Nakita ko kung paano umisa yong kilay ni prof. At sapilitang yumuko at sinisimhot ang paanan ko.Napailing si miss dahil wala naman talagang baho. Dinig kong mas lalong tumawa si Queen. Lumingon ako sa kanya at sinamaan ng tingin.Nakita ko din ang nakakainis na ngisi ni Snow.
“MR.GARCIA AND MS.SANDOVAL. GET OUT!!” tumayo lang si Queen at lumabas. Habang ako ay galit ding tumayo at sumunod sa kanya.Tsk! May sakit siguro yong babaeng yon.Bipolar!
SNOW’S POV
When Queen and Stone left the class, I laugh secretly. Nakakatawa ang mukha ni Stone. At mas natatawa ako sa sinabi ni Queen. I witnessed how Queen Laugh. Yon ang unang pagkakataong nakita ko kung paano siya tumawa. Hindi ko naman maiwasang ngumisi. Queen is showing the signs already.The signs of her falling for Stone.
Ngunit naging hilaw ang mga ngising iyon. It was painful. Seeing the different side of my queen just because of the man I hated the most.
‘Malapit na Snow. Maghintay kalang. Magbabayad ang Stone na ‘yan’ sabi sa isip ko.
The prof discussed about balanced sheet. I don’t bother to listen because I know all of that. How I wanted to go outside and watch the two instead of listening from the boring instructor. She was in the middle of the discussion when someone knocks on the door.
And I saw a girl with ponytailed her. She was a high school student because of her uniform. All the students got their attention to her.
“Excuse me. Is Payne Santos here?” It was a sound of a spoiled brat kid.
“Yes. And you are?”
Imbis na sagutin ang prof ay lumilingon-lingon ito sa loob. May hinahanap ang paningin nito.
“Sh*t! What’s Baby doing here.” Payne almost a whisper. It caught my attention.
‘Pumatol siya sa isang bata?’ I said at the back of my mind.
Even Ell,Eros,and Frost look at him with disbelief. I guess we are just the one who heard him. Hindi ako ganoon ka lapit sa mga kaibigan ni Stone. Kaya madalas lang akong nakikipag-usap sa kanila.Minsan ay yon lang pagmay karerang nangyayari sa pagitan namin ng kaibigan nila.
Tumingin ako ulit sa batang babae. Na nooy nakatingin na sa banda namin. Dahil nasa harapan ko lang ang hinahanap nito. Bigla itong tumakbo papalapit kay Payne at aakmang yayakapin ito. Ngunit pinigilan ni Payne ang noo nito.
“L-let me hug you BB,” Muntik nakong mapaubo doon.
‘What kind of endearment is that. Baby and BB. WTF!’
Nakita ko naasiwa ang mukha ni Payne. At hinawakan ang braso ng batang babae at kinaladkad.
“Wait BB.”
Pigil nito kay Payne. Nagsalubong ang kilay ko dahil tumingin sakin ang bata at matamang sinusuri ang pagmumukha ko. She suddenly gasped.
“What are you looking at?” I coldly said. Naasiwa ako sa mga tingin niya. Isang dipa lang ang layo naming dalawa.Then she raised her hand and form a gun with her fingers and point at my forehead.
I froze when she suddenly said.
“Bulls Eye!” she playfully smiled.
I recovered when she suddenly walk closer towards me. I was surprise again because she suddenly jumps and hugs me.
“You Bulls eyed my heart Mr.” sabi niya at ngumiti ng matamis at hinigpitang yumakap sakin.
‘What the F*ck! I thought this girl knows me.’
Hindi na ako nakapag-react pa sa pagyakap ng bata sakin dahil sa pag-iisip sa sinabi nito kanina-nina pa.
Ngunit napaalis naman ito kaagad na Payne na nooy malakas na kinuha ang mga kamay ng bata na nooy nakayakap sa akin.
Kinaladkad niya uli ito. Then he looks at me with apologetic expression. And left the class.
‘I sense something mysterious to that kid. She needs to be watch.’

BINABASA MO ANG
Falling For The Queen
Romansa"I think I am sure now that I am falling inlove with you now Queen." "You shouldn't fall for the Queen." "And If I do?!" "You'll die!!"