FFTQ 24

37 4 1
                                    

Chapter 24: Interlude

Queen's POV

Matapos nong nangyari sa hideout ni Comodo ay umuwi mo na ako sa bahay namin sa Japan. Isinama ko si Fryle. Dahil gusto ko lang may kasama.Limang araw na ang lumipas ng umalis ako para asikasuhin ang problema ko sa Prodigium Lair. Mabuti at nawakasan ko na ito.Ibinahala ko muna ang pamumuno kay Shadow.At wala na din akong proproblemahin sa kampo ni Comodo. Naala ko pa yung nangyari ay hindi ko maiwasang matawa sa sarili kung anong pumasok sa isip ko.

Flashback

"Paano ba yan Comodo, hindi sapat ang daang bata mo upang patumbahin ang mga Prodigies ko. Kahit na tatlo lang sa mga prodigies ang lumaban ay hindi niyo na kaya." nakangising tugon ko. Bakas sa kanyang mukha ang kaba. Ngunit napalitan naman ito agad ng ngisi.

"Wag ka munang maging kampante Anaconda.Oo, walang sinabi ang nag dadaang bata ko,dahil warm-up pa lang yun."

Ginantihan ko siya ng ngisi.

"Talaga? Then I appreciate your effort.Ng dahil doon sa 'warm-up' na sinabi mo ay nag-enjoy akong panoorin kung paano paglampasuhin nina Shadow,Pink,Black at mga underlings ko ang tatlong daan mong bata sa sampung minuto."

Nagsisilabasan ang mga ugat niya sa gilid ng kanyang mata na tinitingnan ako ng masama sa makakaya niya.

"Hindi ka lang pala 'ahas'. Isa kading 'hambog'!"

"I don't need your compliment.Ako sayo ay umalis na kayo habang may pasensya pa akong natitira."

Malamig na saad ko.Bahagya ako nainsulto sa sinabi niya.

"Kayo ang dapat umalis dahil nandito kayo sa teritoryo ko!!"

"Nagpapatawa ka ba? Naiintindihan mo ba ang sinabi ko sayo kanina?Kung hindi ay lilinawin ko."

Magkasalubong ang kilay niyang inalala ang ipinupunto ko.

"Bago niyo ako kinalaban ay dapat kinilala niyo muna ako.Ito ang tandaan mo,kapag ako ay nakatapak na sa teritoryo ng kalaban ay hindi ako magdadalawang isip na angkinin ito."

Seryosong sambit ko.Napamaang ito at napatungo.

"Wow!Natakot ako doon ah.Wag mong gayahin ang Reptiles Den ko dahil ipinagmamalaki ko ang seguridad nito ni bangaw ay mahihirapang makapasok dito 'ahas' pa kaya."Hindi natitinag sa sabi niya.

"Shadow."

Sinenyasan ko si Shadow. At may inilabas na siya kaagad na isang hacking device.

Napakunot naman ang mukha ni Comodo habang pilit inaalam kung ano ang maliit na bagay na hawak ni Shadow.

"All are set. Anaconda-sama."

Bumaling ang tingin ko kay Comodo

"Ano namang gagawin mo sa maliit na bagay na iyan?" naguguluhang sambit nito.

"Wag mong maliitin ang bagay na iyan dahil may kaya itong kontrolin ang buong sistema ng pinagmamalaki mong seguridad ng iyong Reptiles Den."

"Wag mong sabihing napasok ninyo ang firewall ng--"

"Oo." deretsahang sabi ko. Ayaw kong palaging nagpapaliwanag at pinapahaba ang istorya.

Nagsibagsakan ang dalawa niyang balikat at nagmumukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi na siya magdadalawang isip na paniniwalaan na hack ni Shadow ang sistema ng kanilang territoryo.At isang pindot ko lang ay kontrolado ko na ang territoryo nila dahil hindi iyon mabubuksan o malalabasan kung hindi na nila alam ang security passcode.Mahihirapan na silang ibalik iyon sa dati, dahil ginawan nayon ng paaran ni Shadow.

Falling For The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon