FFTQ 20

36 4 0
                                        

Chapter 20:On the Otherhand

Queen's POV:

Pagkatapos nung gabing nag-usap kami ni Stone. Ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinasabi niya lalong lalo na ng sinabi niyang mahal niya ko. Hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko. Kung ano ang dapat kung sabihin at intindihin.

Wala, walang wala akong nararamdaman. Ngunit isa lang ang sigurado ako at yun ang ramdam na ramdam ko. Hindi tama ang nararamdaman niya para sakin dahil mapapahamak lang siya.Aaminin kung gusto ko siya ngunit bilang kaibigan.

Ngayon ko lang ito nauunawan at naiintindihan. Nong una ay hindi ako sigurado. Dahil hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganitong bagay.Yung mga bagay na tungkol sa pag-ibig dahil bata palang ako sa pakikipagsuntukan lang ang alam ko. May isa akong salita. Lalong lalo na sa pagiging Queen.

Hindi ako pwedeng umibig dahil nakakasagabal lang ito sa buhay ko. Ngunit ngayon ko lang narealized na parang may kulang sa pagkatao ko. Pilit nagflafashback lahat ng pinag gagawa ko. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit naging ganito ako.

Mahilig sa suntukan. At tinatanong ko din ang sarili ko kung bakit ako naging isang gangster anong napasok sa utak ko kung bakit ako sumali. Dahil ba sa na eenjoy ko to? Ngunit hindi eh. Simula ng makilala ko si Stone, may mga ugaling sapilitang lumalabas sa sarili ko at hindi ko inakalang meron ako. At ngayon unti-unting lumilinaw kung ano yung kulang sa pagkatao ko.

Yung hinahanap kung kulang , yun yung pilit na ibinura sa isip ko, yung magkagusto at umibig sa isang tao. Napangiti ako habang iniisip ang narealized ko. Mukhang mas nakilala ko na ang sarili ko at gawin kung ano nga ang gusto ko.Mukhang nagmature ako ng kunti sa mga bagay bagay.I guess dahil ito sa kanya. Napangiti naman ako ulit ng masagi ko sa isip si Stone. Yung cold na expresyon niya, yun pala masungit ngunit mabaiit naman minsan at seryoso din minsan. Bigla namang napawi ang mga ngiting yun ng matandaan ko ang pag-uusap namin kagabi.

Flashback:

Kahapon palang ay nagpagawa nako ng isang kontrata. I hired an attorney without the knowledge of my father.At nagbabasakali narin akong nagpagawa ng annulment papers. At sa konting oras tapos na agad.Natatandaan ko pa yung sinabi sakin ni Bulls Eye. Kung makapagbitiw ng salita parang siya pa ang nakakataas.Tssk. Alam ko ang ginagawa ko.I don't want to stay anymore inside of my father's cage

.Kaya dahan dahanin ko munang kumawala. Ngunit hindi pa nga ako nakawala ito naman ako nakatali sa pesteng arrange marriage nato. Yung pagiging gangster nanga ako nakaranas maging malaya at masaya, at ito ba naman ang kanyang ipinagbawal. Buhay ko to kaya ako dapat ang magdesisyun kung anong gagawin ko.

Tssk, iniisip ko pa lang kung sino yung makakasama ko umiinit na agad ang ulo ko.Ano bang nasa isip ni Papa para ipagkasundo akong ipakasal. Tssk.. Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip na hindi ako basta bastang hindi sumunod kay Papa. Siya pa naman ang kinakakatakutan ko kapag galit. May isang salita rin siya.

Wag niyo ng tanungin san ko nakuha yung ugaling yun.Nandito ako ngayon sa sofa hinihintay si Stone na bumalik. Pag-uusapan namin ang tungkol sa kasal-kasalan na yan.

" I think I've fallen inlove with you Queen."

Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi niya sakin kanina.Nagulat talaga ako sa sinabi niya. Ewan ko ba anong nararamdaman ko. Hindi kumakarera ang puso ko, hindi din ako kinakabahan. Gulat,gulat lang ang nararamdaman ko.

Ewan talaga mukhang may paghihinayang yung sinabi niyang yun. Feeling ko hindi siya sigurado o naguguluhan basta ewan. Hindi ko din alam kung anong mararamdaman ko. Ngayon ko pa kasi naranasan na may umamin sa harapan ko na may gusto sakin at mas malala mahal pa.

Falling For The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon