Chapter 35: The End
[KRING]
Isang linggo na ang nakalipas ng matapos ang event sa ESG University. Balik eskwela na naman agad ang mga estudyante na para bang walang nangyaring acquaintance party. Ngunit maliban kay Stone. Nandito sila ngayon sa canteen at pansin ng apat na kaibigan niya na kanina pa siya hindi umiimik.
"Stone, Okay ka lang? Noong isang linggo kapa tahimik diyan ah. Nag-aalala na kami sayo." Nag-aalalang ani ni El
"Don't get too affected by just a break up Stone." Seryosong saad naman ni Eros.
"Eros is right. We can't afford na pati ikaw Stone magiging bitter." Biro ni Payne para pasiglahin ang usapan. Ngunit walang effect.
"Dude!Nakaya mo ang ilang taon na pagkawala ni Chill ngayon pa kaya? Eh, isang linggo lang naman siyang"
"m-mawala.." Halos isang bulong nalang ang salitang iyon dahil isa-isang nakatingin ng masama si El, Payne at Eros sa kanya.
'Suki na talaga ako sa masasamang tingin na iyan ah. Nakaka-inis.'Pag-iisip ni Frost. Wala na siyang nagawa kundi ang itikom ang bibig at kumain. Naging tahimik naman silang apat at pinakiramdaman ang kaibigan na nooy tahimik at malalim ang iniisip.
Isang linggo na nga ang lumipas at sariwa parin sa ala-ala ni Stone ang nalaman niya.
"You shouldn't fall for the Queen."
"And If I do?!"
"You'll die!"
"You'll die."
"You'll die."
"You'll die."
Para iyong malakas na kampanang nagpaulit-ulit na ipinatunog sa gilid ng tenga niya. Nakakabingi. Wala siyang nararamdaman kung hindi takot.
He is afraid to die.
Sa isang linggong iyon ay wala siyang sapat na tulog, ni hindi na siya lubos kumain. Nag-aalala na ang mga magulang at kaibigan niya sa kanya.
He is not on his usual self.
Ilang beses na siyang tinatanong kung may nangyari bang masama. Hindi naman siya sumasagot. Wala namang magawa ang mga ito kung hindi ang hintayin siyang kusang magsabi. Totoong nakaramdam siya ng lungkot ng umalis ang inaakalang niyang si Chill na si Autumn. Ngunit mas pumaibabaw ang gulat at takot na nararamdaman niya ng malaman niyang kamatayan ang naghihintay sa kanya sa pagmamahal kay Queen.
Nalilito siya ngayon sa narararamdaman niya. Hindi akma ang isip at puso niya. He's always thinking of stopping his feelings towards her because he is afraid, afraid to die. Alam niya ring hindi nagbibiro si Queen. Ngunit salungat ang isip niya sa puso niya. It keeps telling him that it doesn't matter as long he loves her. Nothing would change. Ngunit para sa kanya pangalawang buhay niya na ito. And he can't take some risk.
Pansin niya ring madalas ng pumasok si Queen sa paaralan at nakabubuti na ito sa kanya para hindi pa lalong gumulo ang isipan niya.
But it's too late. Bulls Eye already made his move.
[QUEEN]
"Miss Queen, tinatanong po ni Sr. Zen kung papasok po kayo ngayong araw." Rinig kung sabi ng isang maid sa mansion.
"Kung papasok po kayo ngayon, ay nakahanda napo ang pagkain sa mesa." Dagdag niya. Hindi ako sumagot. I am not in the mood to talk. Wala akong ganang pumasok dahil alam kung makikita ko ang taong hindi ko pa kayang makita.
It's Stone.
Preskong-presko pa sa memorya ko ang mga sinabi niya na kahit ngayon ay hindi pa nawawala sa isipan ko. At inaamin kung nasaktan ako sa reaksyon naging niya. Natatandaan ko pa kung bakit ako iyong mga salitang iyon ang lumabas sa bibig ko.
[FLASHBACK]
"I need to go to the restroom." I said to them and excuse myself. Dali-dali naman akong pumunta sa restroom at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Sumagi naman sa isip ko yong sayaw namin ni Stone kanina. The way that he looks at me and the way that I look at him is mutual. BIgla naman akong napahawak sa dibdib ko.
"I can't hold it anymore." I said at the back of my mind. Ng kumalma na ang pakiramdam ko ay lumabas nako sa restroom ng biglang nagring ang phone ko. Napaisa naman ang kaliwang bahagi ng mga labi ko ng tumatak ang pangalan ng taong inaasahan kong tumawag,
"It's been a while since I heard from you Bulls Eye." I said and act like I am glad.
"It seems that you are expecting my call, Anaconda." Bigla namang nawala ang ngisi sa mga labi ko at pinakiramdaman ang paligid. I can feel that someone is watching me behind the shadows.
"You are right because I have something to tell you."
"What a coincidence, me too." He paused.
"You already broke the only one rule for being a Queen, Anaconda." He added. And it is not a warning anymore. Nanliit bigla ang mga mata ko sa galit. Alam kong siya ang may pakana sa pambubogbog noon kay Stone. And it was a warning. But now...
"Hindi ko akalaing mas mabagal ka pala sa pagong para malaman mo ang bagay na iyan Bulls Eye. Hmm. I guess it would be better if you hear it directly from your Queen." I paused.
"That Stoned guy just made me fall for him to the point that it's very hard to ignore what I fell. At kapag may mangyaring masama kay Stone. Kayang-kaya kitang patumbahin sa isang tira ko lang at sabihin ang salitang kaparehong-kapareho ng alias mo, Bulls Eye."
I ended the call. Hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Stone. Papasok na sana ako ulit sa room ng mahagip ng paningin ko si Fryle sa veranda. Kasama si Autumn na noon ay kakaalis lang. Sumagi sa isip ko ang napag-usapan namin noon. Pumunta ako sa kinaroroonan niya at agad niya naman akong nakita.
"You can tell me now." Diretsang saad ko. Alam kung alam niya kung ano ang tinutukoy ko.Then he look at me with a serious face.
"I will make this conversation short, Queen. Autumn is Chill's twin sister."
Bahagya naman akong nagulat sa sinabi niya. At halo-halong katanungan ang pumapasok sa isipan ko.
"Alam kung maraming katanungan ang pumapasok ngayon sa isipan mo. Sinabi sakin ni Autumn na nakisama lang siya sa plano ni Bulls Eye dahil s-sakin.And I can't say more than that. Lahat ng gusto mong malaman ay nasagot ko na Queen maliban sa kung ano talaga ang intensyon ni Bulls Eye. There are only two reasons I can give you. Ang isang rason ay ang tungkol sa batas. He will punish Stone because of you. " he pauses and looks at the night sky. He is right. Bulls Eye is the one who handles the punishment and it will be because of me why Stone's life is endanger. Ngunit hindi ko sinisisi ang sarili ko. Falling in love with him is not a mistake. And it is my responsibility to protect him against Bulls Eye. Napabalik ako sa aking pag-iisip ng magsalita siya ulit.
"At ang ikalawang rason ay may personal na bagay ang mayroon si Bulls Eye kay Stone."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"I only have one advice to you Queen, not as your underling but as a friend. It's better for Stone to know about the punishment before it's too late. I need to go. See you." Tumalikod na siya sakin at umalis habang ako ay hindi nakaiimik.
Magkalahating oras na akong nandito sa veranda. Pinag-isipan kung mabuti ang sinabi ni Fryle sa akin. I admit he is correct.
"What I need to do now is find Stone and tell him what I feel."
Bumalik ako sa loob. I'm feeling nervous but I should keep my composure.
Lumapit ako sa mesa nila at mabuti hindi nakatingin si Stone sakin. Dali-dali naman akong lumapit sa gilid ng upuan niya.
"Oh Queen!"biglang tawag sakin ni Frost dahilan para mapalingon silang lahat sakin lalong lalo na si Stone. Nawala naman bigla ang kabang nararamdaman ko ng magkasalubong ang kilay niyang nakitingin sakin.
"Saan ka galing at ang tagal mo."
Bakit siya mukhang galit may ginawa ba akong mali?
"Ang tagal mo Queen ah. Mukhang hinihintay ka ng kaibigan namin dito.Haha- Aray!!"
"May kinausap lang ako." tugon ko at umupo. Tahimik lang ako hanggang sa matapos na ang event. Isa-isa ng nagsiuwian sina Frost, El, Eros at Payne. Hanggang sa kaming dalawa nalang ang natitira. This is a good opportunity. Ito na naman ang kabang nararamdaman ko ngayon. I keep maintaining a cold face as much as I could. Hindi ko ipinapahalatang apektado ako sa presensya niya. Ngunit mas lalo pa akong kinabahan ng magsalita siya.
"Uhm. I want to talk to you Queen."
"You've talk already." Nilamigan ko talaga ang boses ko. Ayaw kong magpahalatang kinakabahan ako ngayon.
"I just broke up with Chill."
Alam ko na kung saan papatungo ang usapang ito. And this would be the right time.
Prove to me Stone that you are worth it.
"And how is that related to me?" I give him a blank expression.
"I-it's because..." I narrowed my eyes waiting for his answer.
"I love you Queen. And I really do."
His really worth to be loved by the Queen.
Ngunit inaasahan kung hindi magbabago ang nararamdaman niya sa malalaman niya ngayon.Maiisip ko pang magbabago ang nararamdaman niya ay nagpapabigat na ng damdamin ko.
"Don't give me that look Queen. It makes me pitiful." Malungkot siyang nakangiti sakin at alam kung pilit ang isang iyon.
Pain strikes me.
"But you can't stop me now. Wala na akong pakialam kung ilang beses mo akong ire-reject."
Gusto kong pakawalan ang lungkot at sakit na nararamdan ko ngayon. Ngunit kailangan ko itong gawin. Hindi ko gustong sa huli niya iyon malalaman.
"You shouldn't be Stone."
"I already have."
"It's not too late to stop your feelings."
I can't go on...but...
"Bakit ba!Ano bang problema kapag minahal kita.Ano ba ang dahilan at panay nalang ang pigil mo sa nararamdaman ko Queen?! When I'm with Chill, I can see how jealous and pain you felt.Kahit hindi mo man ipakita at ipinaramdam sa akin. I know that you are already starting to love me too. Why? Why are you doing this? I don't really understand. Queen, please tell me."
Ayaw ko ng magsalita..
"I think you misunderstand something. I-I don't ever love yo--"
"STOP PRETENDING QUEEN!! A-and if you really are not. Then why?! Is it not okay for me to love you and for me to show you that I really do? It's okay if you don't love me back. Kung hindi parin pwede.." he paused and it is the first time I saw him crying. Its too painful.
I want to stop but I need to...
"Then I beg you to tell me why?"
I need to tell him...
"You shouldn't fall for the Queen."
Yeah this is it...
"And If I do?!"
"You'll die!"
"Because falling for the Queen is 'death' Stone!" Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Gusto kong tumalikod at umalis. Ngunit gusto kong marinig ang susunod na sasabihin niya. But he turned his back at me and left without saying any word.
And now I can't help my tears from falling..
[END OF FLASHBACK]
I look at the clock at it is already 4pm.Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.Ngunit hanggang ngayong ramdam ko pa ang bigat na pakiramdam na iyon. Biglang tumunog ang phone ko. Wala akong ganang sagutin iyon ngunit ng makita ko ang pangalang nakarehistro doon ay agad ko itong sinagot.
"He's already in the parking lot. You fine'lly lowered your guard. Queen. "
"YOU!!!" Ibinaba niya ang tawag. Dali-dali akong bumaba. Rinig ko ang pagtawag ni manang sakin ngunit hindi ko siya pinansin at dumiritso na ako sa garahe at ipinapaharurot ng mabilis ang motor ko.
Please be safe. Stone.
[STONE]
¶Parking Lot
"Mauna na ako sa inyo. I need to accompany my sister.May bibilhin daw siya para sa school project nila.Pasensya na hindi ako makapagbonding sa inyo ngayon."
tugon ni Payne samin.
"Sige Payne.Wag kang mag-alala. Kitakits nalang bukas." saad ni El at hanggang sa tuluyan na siyang naka-alis.
"So, saan tayo ngayon mga dude?"
"You already know the answer Frost."
"Tsk.Magtatanong ba ako Eros kung alam ko."
"Ano pa ba ang makakapagpasigla kay Stone?" sabi ni El at inakbayan ako.
"Thanks for all your concern.Ngunit wala akong gana. Mauna nako." Paalam ko sa kanila. Hindi ko na sila nilingon at sumakay na ako sa kotse ko. Mukhang naiintindihan naman nila ako at umalis. Habang ako ay nandito pa sa loob ng kotse ko.
I don't want to think of her. But part of me is missing her.
"FUCK!!Foget her Stone!!" sigaw ko sa sarili ko at hinampas ang manibela. Sana hindi ko nalang siya nakilala.Takot akong mamatay. Yeah. I'm a coward.Pangalawang buhay ko na ito ngayon. May responsibilidad pa ako sa pamilya ko. Why bother risking my life just because of her. At ngayon may idea na ako bakit bigla nalang akong hinarang ng mga lalaki noon at binugbog. It seems that it is a warning.
" I should not be thinking about this things now." Sabi ko sa sarili ko at pinaandar ang kotse. Napakunot ang noo ko dahil hindi gumagana ang makina,
"Tsk!" naiinis na lumabas ako ng kotse. Ng may biglang naramdaman akong isang matigas na bagay na tumama saking ulo. Ramdam kong unti-unting umikot ang paligid ko hanggang sa napahiga ako sa sahig at maramdaman ang sakit sa likod ng ulo ko.
"Agh...." Halos mapaluha ako sa sakit. Nasasaktang napahawak ako sa ulo ko dahil ramdam kong dumudugo ito. Mukha itong nabibiak at patuloy ang pag-agos ng dugo. Pilit kong iginalaw ang ulo ko para lingunin ang hayop na pumalo sa ulo ko ngunit napapikit ako dahil mas lalo iyong sumasakit.
"You are already too late." Rinig kong sabi ng taong nasa likod ko ngayon. How I wanted to beat him. Ngunit wala na akong lakas kahit pagkuyom ng kamao ko ay hindi ko kaya. Ngunit ganon nalang ang pagtindig na mga balahibo ko ng ibinaba niya mismo sa harapan ng mga mata ko ang ipinalo niya sa ulo ko.
"Hmm. This scene looks familiar. Iikot ko lang ang isang to dito."
Nagsimulang manginig ang buong katawan ko ng inikot niya ang malaking metal sa harap ko at ipinwesto sa likod ng ulo. Ramdam na ramdam ko ngayon ang matigas at malamig na iron rod na nakadikit sa ulo ko.
"It seems that you are not familiar with this scene. Ito 'yong scene kung saan ipinalo ni Ghajini ang iron rod sa ulo ng babae."
"W-why are you doing this to m-me?" ramdam ko na ngayon ang lubos na takot. Wala na akong nararamdaman sakit sa ulo ko dahil sa manhid at takot.
"Do you know? Falling for the Queen, is death." Napapikit ako sa sinabi nito.
So this is it?
I let out a painful smile. How I wish I never met her. My life would not end this way. But is it really what I wish for? Or should I never turned my back at her that day?
"Ngunit hindi lang iyan ang rason. You owed me a lot Stone."
Bahagya akong nagulat sa pagtawag niya sa pangalan ko. At ngayon ko pa napansing pamilyar ang kanyang boses.
"Adios!"
Napapikit ako ng ramdam kong ibinwelo niya na ang matigas na bagay sa likod ng ulo ko.
I'm still 19 and yet....
"Urgh!!"
Naimulat ko ang aking mga mata ng narinig ko ang pagbagsak ng lalaki sa likuran ko kasama ng pagtilapon ng bakal sa harapan ko. Ipinilit ko ng lubusan na igalaw ang ulo ko para lingunin kong anong nangyayari sa likod ko. Ngunit hindi ko kaya. Nagsimulang mangalay ang buong katawan ko at nagsimula na ring manglabo ng paningin ko. Napangiti nalang ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon sa likuran ko.
"I'll kill you!"
Hanggang sa dumilim ang paligid ko.
[EROS]
Nandito kami ngayon nina El at Frost sa racing field.
"Kahit nandito si Stone hindi parin iyon maglalaro." Sabi ni El ng tuluyan na kaming nakaupo.
"Bakit naman Dude?" tanong ni Frost.
"Kakarecieve ko lang ng text galing kay Snow. Hindi daw siya makakapunta."
"Boring. The stars are not present." Malinaw sa mga boses ni Frost and disappointment.
"Kahit ako ay nawalan na ng ganang manood." Dagdag ni El.
"Umuwi nalang tayo mga Dude." Tumango nalang kaming dalawa ni El kay Frost.Tumalikod na ako at paunang naglakad ng mapansin kong may kulang.
" Mauna nalang ako sa inyo El. May babalikan pako sa campus." Paalam ko sa kanila at sumakay na sa kotse ko. Sa lahat ng bagay na nakalimutan ko iyon pang bagay na iyon. Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na ako sa ESGU. It's already 5:00 pm kaya walang lubos na nakaparadang kotse sa parking lot. Lumabas na ako ng sasakyan ko. Napakunot naman ang noo ko dahil nandoon pa ang sasakyan ni Stone. Humakbang ako ng ilang beses para makalapit dito.Napalaki ang mata ko ng may biglang dumaan sa harapan ko na kasing bilis ng hangin. At sinundan ng mga mata ko kung saan ito pupunta. At doon nakita ng mga mata ko kung paano tinamaan nito ng isang flying kick ang isang nakatayong lalaki at malakas itong napatapon sa sahig. Ngunit ng sandaling napadapo ang paningin ko sa pagbagsak ng lalaking iyon, nakita ko ang isang pamilyar na taong nakahandusay na noon sa sahig.
"STONE!Hey!Hey! Wake Up!!!" ngayon ko lang nakilala ang taong dumaan sa harapan ko. It is Queen. Tumakbo ako papalapit sa kanila.
"A-Anong---"
"I will explain later. Dalhin mo siya sa malapit sa hospital dito.Bilis!!" hindi na ako nagtanong pa tumakbo ako papunta sa kotse ko at dali-dali ipanaandar iyon. Isinakay naman ni Queen si Stone sa back-seat. At isinarado ang pintuan.
"I'll catch up.Take care of him." Marami pa akong dapat itanong sa kanya ngunit kailangan nanganganib ngayon ang buhay ng kaibigan ko. Iminiobra ko ang sasakyan at galit kong tinitigan ang lalaking hanggang ngayon ay nakapilipit pa sa sakit na nakahiga sa sahig.
"FUCK!!" I cussed for the very first time.
[QUEEN]
Nanlilisik ang mga mata kong lumapit sa lalaking nakahiga ngayon sa sahig. Sinigurado ko talagang hindi siya makatayo sa malakas na sipa kong iyon.
"You've done it. Bulls Eye."
Makakapatay ako ng tao sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon. Ng magtatlong hakbang ang layo ko sa kanya ay huminto ako.
"Tumayo ka. I can't bear to hit someone who is already in a bad state for just one kick."
Unti-unti siyang tumayo at pinagpagan ang sarili.
BINABASA MO ANG
Falling For The Queen
Romance"I think I am sure now that I am falling inlove with you now Queen." "You shouldn't fall for the Queen." "And If I do?!" "You'll die!!"