FFTQ 37

24 3 0
                                        

Chapter 37: Trouble
ESG College Department
[FROST]
"That's it for today."
"Yosh! Lunch na. Gutom nako." Masiglang sabi ko ng lumabas na si Miss. Tumayo na ako upang pumunta sa canteen.
"Frost! Gimik tayo ngayong mamayang gabi sama ka?" tawag ni Arvie, kaklase ko sa major subjects.
"Ano kaba Arvie, siguradong may plano siya kasama ang mga kaibigan niya." Nakangiting saad naman ni Aguirre. The two of them is also my friends beside my 4 dudes. Napaisip naman ako.Minsan lang sila magyaya sakin at mukhang wala naman kaming plano pagkatapos ng klase. Nginisihan ko silang dalawa ng may naisip ako.
"Okay ba. Pwede ko bang isama ang mga kaibigan ko?" tanong ko. Bigla namang lumiwanag ang mukha nilang dalawa.
"Sure!! The more the merrier. At sasama din sina Careen at Jessel." Tukoy niya sa kaibigan nilang babae. Ngunit hindi kami close noong dalawa. Well, mga piling babae lang talaga ang kinakaibigan at kinakausap ko.
"Sige. Pwede ko bang malaman kung anong gagawin natin ngayong gabi?" nakukuryosong tanong ko. Hindi naman siguro kami magba-bar.
"Manonood lang naman tayo. It will be fun Frost."
"Fun? Talaga bang masayang manood? Ano bang panonoorin natin?" Pilyong ngumiti si Aguirre at lumapit sakin at bumulong. Lumapad ang ngiti ko sa narinig ko.
"Hearing that magic word I'm in!" sabi ko at nagthumbs up.
"Sige kita nalang tayo after class." Paalam ko sa kanila. Ngumiti at tumango naman silang dalawa.
======
Ng makarating nako sa canteen ay nandoon na ang mga kaibigan ko maliban kay Stone. Well, it made sense.
"Hindi umuwi si Stone sa kanila kagabi." Rinig kong sabi ni El.
"Then, he's in room with a girl beside her." Nakangiting sabi ko ng makaupo na ako katabi ni El. At inisa ang kamay ko para umorder.
"Well, it's obvious." Dagdag naman ni Eros.
"Alam naman natin iyon. Ang problema ay baka galit sa atin ngayon si Stone." Nag-aalalang sabi ni Payne.
Tama nga naman, ikaw ba naman ang paglihiman ng mga taong pinagkakatiwalaan mo ng lubos. Naiintindihan naman namin si Stone. Ang problema lang ay anong susunod na gagawin niya ng alam niya na na nagkaamnesia siya. Noong panahon na nalaman naming may amnesia si Stone ay ipinaliwanag sa amin ng doctor ang condisyon niya. Nagkaroon siya ng "selective amnesia" dahil sa panahong inoperahan si Stone ay nagkaroon siya ng isang "flashback" kung saan iyon pa niya naalala. And the doctor concluded that in that flashback, na sa memoryang iyon ni Stone ay tungkol kay Queen. Na naalala ni Stone ang isang pangyayari kung saan nakita niya na noon si Queen. Hindi naman kami ganoon naniwala sa doctor dahil hindi namin alam kung nagkita naba si Stone at Queen noon. At wala ding sinabi si Stone tungkol doon.
What keep us hiding the truth is, kung malalaman ni Stone sa mga panahong iyon na nagkaamnesia siya, ay sigurading pipilitin niyang alalahanin si Queen. At kung nangyari iyon ay malaki ang posibilidad na hindi lang si Queen ang makakalimutan niya pati narin lahat ng bagay. That just means one thing, and that is Stone of being a baby again. Magmumukha siyang batang paslit na walang alam sa mundo. Sobra naman kaming nag-alala lalong lalo na ang mga parents ni Stone. So we hid the truth. Nag-aalala kami noon baka bumalik si Queen ng bigla siyang umalis ngunit hindi na kami nag-aalala ng malaman naming umalis na siya ng bansa. It was sudden. Ngunit hindi na kami nagtanong pa. What we thought was ,it was a good opportunity to hide the truth. Kaya ayon. Ginawa namin ang bagay na iyon para sa ikabubuti ni Stone. At dahil alam na ngayon ni Stone ang katotohanan ay hindi namin alam kung anong susunod niyang gagawin. Ngunit hindi na kami mag-aalala sa kondisyon niya ngayon dahil tuluyan na siyang gumaling maliban sa katotohanang hindi niya maalala si Queen.
'I need to kill this unpleasant mood.'
"Nga pala mga dude, may gimik tayo ngayong gabi." Pag-iba ko ng usapan. Nagtagumpay naman ako para makuha ang atensyon nilang tatlo.
"Hindi ako pwede Frost. I need to study." ~Eros
"Same here. May lakad ang pamilya namin mamayang gabi." ~Payne
"Pasensya din Frost, hindi din ako pwede."~El
"Hmm.Mukhang hindi nga kayo makakapunta. Okay lang mga dude." Sabi ko sa kanila. Subukan lang natin kung hindi sila magdadalawang isip sa sasabihin ko.
"Sayang, manonood sana tayo ng 'live' fight." Muntik nakong matawa sa reaksyon nilang tatlo ng sabay sabay silang napalingon ulit sakin. Talagang hindi nila palalampasin ito. Hilig talaga naming barkada ang manood ng mga ganitong bagay, boxing, ufc o wwe. Ngunit ng marinig ko sa mga bibig sa kaklase ko ang tungkol sa isang 'street fight'. Hinding-hindi talaga namin iyon palalampasin.
"Tsk." ~Eros
"Mukhang mag-iisip muna ko ng palusot kina Mommy."~Payne
"Hindi naman gaano ka importante ang lakad ko. Ako nalang ang magpapa-alam kay Stone. Siguradong pupunta iyon."~El
Ngiting matagumpay! Haha
===*===
[STONE]
I woke up and it was already 11am. Ibinangon ko ang sarili ko sa kama at napahawak ako agad sa ulo ko dahil sa mukha itong binibiyak.
"Tsk. Damn this hangover.." sabi ko sa sarili ko. Ngunit hindi ko muna iyon ininda at kinuha ang pants at t-shirt kong nakahalatay sa sahig at isunuot iyon muli. I check my phone and there are 3 messages. Una ko munang binasa ang message galing kay Yule.
From Yule
I did not wake you up Stony. By the way, thanks for last night. It was fun. But sadly, you suddenly pass out. You owe me next time...
Napahawak naman ako sa ulo ko.
"Damn! I don't remember a thing..." inis na sambit ko. Hindi niyo ako masisi. She's very attractive and seductive. All men wanted her but she wants me.
To Yule,
Don't worry, we'll meet soon. Beware, probably the next time, you might be the one to pass out.
I grin and send the message. Binasa ko naman ang sunod na message na galing kay El.
From El,
Stone may gimik tayo ngayong gabi. At hindi mo dapat papalampasin ito. Minsan lang ito mangyayari. I will tell you the whole details here in school. 7pm. Siguraduhin mong pupunta ka kung ayaw mong magsisi.
Tsk. Wala pa akong ganang makita sila. I do understand why they did it but for now I can't forgive them. Hindi pa ako interesadong kausapin sila. Hindi na ako nagreply at binasa ko ang huling message na galing kay Noside.
From Noside,
Hoy tisoy, game ka ngayon? May baguhan baka interesado ka?
Napangisi naman ako. Good, pangbawas ng galit.
To Noside,
I'll be there. Siguraduhin mulang na may ikakabuga 'yang baguhan mo Noside.
Message sent.
'Uuwi muna ko samin para maligo and then I will go to them. I need a warm up.'
===*===

Falling For The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon