Chapter 25: Unexpected Turn of Events
Queen's POV
"O, bakit nakabusangot yang mukha mo dude?Hindi kaba masaya na nandito na ang fiancee mo?" Nakangising tanong ni Frost ng makalapit kami sa kanila.Pinasadahan ko lang sila ng tingin.
Nandito kami sa mall ng kaibigan niyang si Eros. Kasama ang tatlong pa nitong kaibigan.Parang alam ko na kung bakit kami nandito.
"Tch! Ano bang ginagawa natin dito?" nagmamaktol na aniya.
"Seriously bro? Hindi mo alam kung anong meron ngayong araw nato?" dagdag ni Payne at tumingin sakin na hindi makapaniwala.
'What? Responsibilidad ko bang sabihin sa kanya na kaarawan niya?' sabi ng isip ko. Binigyan ko lang siya ng walang emosyong tingin.
"ANO BA KASI ANG MERON SA ARAW NATO?!!KANINA PA KAYO HA, NAKAKAINIS NA!"
Hindi na ako nagulat sa pagsigaw niya maliban sa mga kaibigan niya.
Kanina patong batong to ah. Nakakahawa talaga ang inis niya.Kanina pa siya sigaw na sigaw nakakairita!
"It's your birthday for God sake!At tigil tigilan mo nga yang pagsisigaw-sigaw mo! Kung mainis ka daig mo pa ang mga babaeng may dalaw!!" hindi ko na talaga mapigilan ang inis ko. Bahagya naman siyang nagulat. Pati mga kaibigan niya. Sino ba naman ang hindi magulat dahil ngayon pa nila ako nakitang sumigaw. They always knew how calm I am in school.
Sandaling katahimikan ang namayani.
"Nandito tayo ngayon Stone, para kunin ang susuotin natin sa birthday party mo ngayong gabi. At si Tita Rolnna na ang nagprepara ng mga susuotin natin.Ang kailangan nalang nating gawin ay kunin ang mga ito." Wasak sa katahimikan ni Ell. Hindi sumagot si Stone .
'Tsk!'
"U-uhm, let's go." Naiilang na yaya ni Eros at tumalikod samin at nagsimulang lumakad. Napailing silang apat at sumunod dito at inis na sumunod naman ako.
---------------------------------------
Stone's POVNagpaalam na samin ang mga kaibigan ko pagkatapos kinuha ang mga gamit at doon nalang kami magkita sa party ngayong gabi.Sinundo kami ng personal assistant ni Dad at siya na ang naglagay ng mga gamit namin sa compartment.Sumakay kami sa likod at katahimikan ang namayani saming dalawa.Akwardness has filled the atmosphere.
Naiinis ako sa sarili ko.Dahil sa dami ng iniisip ko, mismong birthday ko ay nakalimutan ko. At nakakahiya dahil kanina-nina lang ay naiinis ako dahil puro nalang sila nagtatanong kung anong meron ngayon, yun pala araw ko.Sh*t.At isa patong katabi ko. Hindi pa nagsalita kanina na nandiyan na pala siya.Sinabi pang namimiss ko siya?
'ASA!'
Hindi ko naman namalayang masama na akong nakatingin sa kanya at sakto naman ang paglingon niya.
"What?!" naiiritang sambit niya habang nakataas ang isang kilay. Bahagya naman akong nagulat dahil minsan ko lang siyang makitang ganito ang reaksyon niya.
Inis na binaling ko ang aking ulo sa labas ng bintana.Biglang nagring ang phone ko at inis na kinuha at tiningnan ko kung sino ang tumawag. Bigla namang humupa ang inis ko at napangiti. Inaayos ko muna ang sarili at sinagot ito.
"Uhm, Napatawag ka?" malambing na sagot ko kay Chill sa kabilang linya.Nakita ko naman ang repleksyon ng napakunot na noo ng babaeng nasa likod ko.Wala akong paki kung narinig niya man ang pag-iba ng boses ko.
"H-happy Birthday Ezee." Napalawak naman ang ngiti ko.I am very happy because I expected that she will be the one to great me first. At hindi nga ako nabigo.
BINABASA MO ANG
Falling For The Queen
Romance"I think I am sure now that I am falling inlove with you now Queen." "You shouldn't fall for the Queen." "And If I do?!" "You'll die!!"