Chapter 44: House Guess?
==*==
Nagtipon-tipon ngayon ang miyembro ng SFA sa kanilang sikretong lugar kung saan nagaganap ang Street Fights.
"Bakit mo kami pinatawag ngayon dito Uno?" tanong ng kanilang pang-apat na posisyon na nabansagang "Quadro" sa kanilang grupo habang ito ay abala sa paglalaro ng isang fingerboard sa mga kamay nito. Ito ang pinakabata sa kanilang lima.
"Hmm. Mukhang ngayon ang balik ni Sl dito sa headquarters." Sagot ng kinaunahang posisyon at binansagang "Uno" sa grupo. Ang kasalukuyang namumuno ngayon sa SF's. He might be their temporary leader but they treat him as their equal.
"Hindi na kami magugulat." Hindi interesadong sabi ng nabansagang "Dos", ang ikalawang posisyon sa grupo.
"Hindi ka nga dapat magulat sa pagdating niya Dos. Ang dapat mong ikagulat ay anong gagawin niya pag nalaman niya ang kalokohang ginawa mo kahapon." Aniya ng pangatlo. Tinaguriang "Tres" sa posisyon.
Napakunot naman ang noo ng kanilang dalawang kasamahan dahil hindi pa niya sinabi ang kaguluhang ginawa nito. Pinanliitan siya nito ng mga mata at pinawahiwatig sa mga tingin nitong tumahimik siya.
"Tell them Dos." Sabi niya habang iminustura niya ang kamay sa ere. Inis naman itong tumayo sa kinauupuan nito.
He leave him no choice. Kung hindi niya man iyon sasabihin, si Tres na mismo ang sasabi nito.
"Sinugod ko kahapon ang teritoryo ng No Mad upang hanapin si S'Magnifiko at bigyan ng leksyon. Nagkataong wala siya doon kaya napilitan akong papuntahin siya gamit ang kaligtasan ng mga kagrupo niya. To make the story short, I give him a beat--" Naputol ito sa sasabihin ng may biglang nagsalita sa may pintuan.
"Would you mind if I join with your conversation."
"Sl." Magkasabay na ani nilang apat. Sinundan nila ito ng tingin hanggang makaupo ito sa pinakagitnang upuan.
"What did I miss?" Nakapandekwatrong saad nito habang pinagtapat ang dalawang kamay.
"Welcome back Sl. It's been a few years since your back." Inunahan na ni Dos si Uno. Baka halungkatin nito ang sinabi niya kanina.
"Yeah I'm back. Wag niyo na akong tawaging SL. Call me by my real name." sagot nito. Hindi naman nila maiwasang magulat. Dahil mahahalata ng mga tao sa SF ang tunay na katauhan niya.
"Okay lang ba iyon sa iyo. Snow? Maaring maexpose—"
"Maraming 'Snow' sa mundo. Sinabi ko bang tawagin mo ako sa buo kong pangalan, Uno. Pansin 'kong wala pa si Singko?" sabi nito ng mapansing kulang ang tao sa loob.
"Sa susunod na buwan pa siya babalik. Family matters daw." Sagot naman ni Tres.
"Let's go back to the discussion about you Dos." Halos manigas si Dos sa kinauupuan niya. Kung sasabihin niya ang nangyari siguradong hindi ito magugustuhan ng leader nila.
"I violated one of our rules. Inabuso ko ang kapangyarihang meron ako at sinugod ang grupong walang kalaban laban dahil lang sa personal na rason." Diretsahang kwento niya rito habang iniiwasang mautal. Nilakasan niya ang loob at tumingin rito. Kinabahan naman siya dahil wala itong emosyo na nakatingin sa kanya. Lalong-lalo pa siyang kinabahan ng magsalita ito. Kahit ang mga kasamahan niya ay ramdam na ang tensyong nararamdaman niya.
"Tell me that you win."
Hindi niya inaasahan ang seryosong tanong na iyon galing dito.
"Yes." Pagsisinungaling niya. Nakakahiya kung sabihin niya na natalo siya ng isang babae sa isang tira lang.Ano nalang ang sasabihin ng mga kasamahan niya. Siguradong patatalsikin siya nito sa pwesto kung sasabihin niya iyon.
"Palalampasin mo na kita ngayon Dos dahil wala akong karapatang parusahan ka dahil kababalik ko palang dito." Nakahinga naman siya ng maluwag.
"I heard there are two fighters that are famous in the arena. The Newbie Destroyer S'Magnifico and the One Crowned Earring Lady Q. Narinig ko paano umuwi ang kanilang pakikipaglaban. That fight is not finish. I think you already know what to do for the next battle. Make sure I'll enjoy it." Sabi nito at ngumisi. Nagsitanguan naman ang mga ito.
Pagkatapos noon ay umalis na ang kanilang leader dahil may importante pa itong pupuntahan. Umalis narin ang iba pang miyembro ng SFA at sina Dos at Tres nalang ang natitira.
Masamang tiningnan ni Dos si Tres na nooy nakipagtitigan din sa kanya habang nakataas ang isa nitong kilay.
"Talaga bang nanalo ka sa No Mad Dos?" sabi nito ng may halong pagdududa.
"Kailan pa natalo ang isang Dos sa mahihinang grupo Tres. Malakas ang "Speeds" na pinamumunuan ko. Ni kahit galos ay hindi ako dinapuan." Proud na sariling sabi niya at ngumisi ngunit napawi agad ito dahil sarkastikong ngumisi ito sa kanya.
"Narinig ko sa isang bata kong pinatumba ka ng isang babae sa isang sipa lang." bigla naman siyang natahimik sa kahihiyan.
"Don't worry Rex. Hindi malalaman ng SFA ang kahihiyang iyon. And I also found out, that the girl who knocked you down is the unmask Lady Q. I gotta go." Iniwan na siya nito habang siya ay napakuyom ng kanyang mga kamao.
"Lagot sakin ang Lady Q na iyon. How dare she mess with me, a son of a powerful mafia."
==*==
[STONE]
Simula ng makalabas na ako ng ospital kahapon ay hindi na ako mapakali. Lagi kung iniisip si Queen. I am flooded of the feelings for her. Kahit ilang taon na ang lumipas ay ganoon parin ang nararamdaman ko. I even hate myself for not remembering her. Lalong-lalo na noong huli ko siyang nakita noong nawala ang ala-ala ko.. She was crying. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong bumawi. Alam kong nagkukunwari siyang hindi niya ko naalala. Alam kong nasaktan siya kaya naiintindihan ko. Kaya pupuntahan ko siya ngayon. I will confess my feelings to her. Kaya hindi ko mapigilan ang sariling maging excited. Pinaglalapit talaga kaming dalawa ng tadhana. Bading mang pakinggan ay naniniwala na ako sa destiny. Binuksan ko ang cabinet ko at pumili ng susuotin kung saan tutulo talaga ang laway ni Queen sa kagwapuhan ko. Napalaki naman ang ngisi ko ng makita ko ang dapat na susuotin ko ng may napansin akong isang paper bag. Kinuha ko naman ito at doon ko lang napagtantong ito iyong paper bag na bigay sakin ni Queen noong birthday. Napasapo ako sa noo ko dahil kinalimutan ko ito.
"Tae ka Stone!" singhal ko at binuksan iyon. Nakita ko ang isang kahon habang pinaikutan ito ng isang maputing laso. Binuksan ko naman iyon at lumiwanag naman ang mukha ko ng makita ang isang bracelet na kakulay ng isang Anaconda. At may isang magandang bato sa gitna nito. Kinuha ko naman ito ng may napansin akong isang maliit na pirasong papel. Binasa ko naman ang nakasulat doon.
"HBD." Nakabusangot naman ang mukha kong mabasa iyon. Iyon lang? Kinulangan ba siya ng tinta nang isulat niya ito. Ngunit hindi ko napansing may nakasulat pa pala ito sa baba.
"From your Fiancee, Queen."
"Pfft!! Hahahahaha..." Hindi ako baliw. Hindi ko lang maimaging nakayanang isulat niya ito. Sigurado akong nakangiwi niya itong isinulat. Hindi ko talaga mapigilan ang malawak na ngiti sa mukha ko. Damn, I want to see her. I miss her.
Isinuot ko na ang bracelet sa kamay ko. Pag-iingatan ko ito habang buhay. Ng makabihis na ako ay hindi na ako nagpaalam kina mama dahil sa grounded ako for one week. Kaya ginamit ko muna ang natutunan ko sa No Mad. Sneaking around silently. At sa wakas ng makalabas na ay pumara agad ako ng taxi.
"Saan po tayo sir." Tanong sakin ni mamang driver.
"Sa Newton Subdivision po kuya." Sabi ko kay mama.
Ilang minuto ay nakarating na ako doon. Swerte si manong driver good mood ako ngayon. I give him a tip. Inaayos ko ang sarili ko at nilakasan ang loob. Nasa harap na ako ngayon sa mansion ng mga Yamamoto. Halos mag dadalawa at kalahating taon na akong hindi nakapunta rito. Tae! Nakalimutan 'kong bumili ng bulaklak.
I was about to touch the bell beside the door's gate. Ng biglang bumukas ang isang pintuan at iniluwa nito ang isang babae. I was stunned and loss of words. When I saw her. I saw Queen wearing a jogging pants and sports bra while her hair is in ponytail. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata niya. I can't seem to find the right words but there I said it.
"I-I miss you, Queen." Halos mapatalon ako sa gulat ng pumasok siya ulit at pinagsarhan ako ng pinto. PINAGSARHAN. Tae! May masama ba akong nasabi!

BINABASA MO ANG
Falling For The Queen
Romance"I think I am sure now that I am falling inlove with you now Queen." "You shouldn't fall for the Queen." "And If I do?!" "You'll die!!"