FFTQ 30

39 3 0
                                    

Chapter 30: Warning

KRING'S POV

"Sexy Dance."
Halos mapamura si Stone sa narinig niya mula sa kanilang instructor.
'WTF! S-sexy dance?'
Sabi niya sa isip niya.Matitigan nga sa mata si Queen nahihirapan siya, mahawakan pa nga ito. As in hawak na may intimacy. Hindi niya iyon lubos na isip. Lalong-lalo pang ex-fiancee niya ito at pinipigilan niya na ang nararamdaman mula dito.
Mapaglaro ngang talaga ang tadhana.
Kung 'yon man ang nararamdaman ni Stone ay iba naman si Queen.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Bakit?
Flashback:
"Hey!E-Ezee! Are you okay?"
Napalingon naman si Queen. Nakita niyang nakatalikod na sa kanya si Stone. At sakto naman ang paglapit ni Chill o kilala niya bilang Autumn. Ang malungkot na mukha niya ay napalitan na naman ng matigas na expresyon.Wala iyong emosyon. Ngunit ang mga mata niya ay makikita mo ang galit.
Galit siya dahil ramdam niya pinagkaisahan siya ni Bulls Eye at Autumn. At ramdam niya din may itinatago si Phantom sa kanya o si Hawk Fryle na tinuturing niya ng isang malapit na kaibigan.
At nanliit ang mga mata niya ng umakbay ang binata sa balikat ni Autumn. She almost forgot that the two are in relationship before she came. Nakatalikod silang dalawa sa kanya.They look like a sweet lovers right now.
Can she just stop from falling? At bumalik nalang ng Japan at ipagpatuloy nalang ang pamumuno niya roon. Kung saan siya masaya at malaya?
But too bad she can't stop right now.Sinabi niya na rito kung ano siya. Bakit aatras pa siya.
"Q-queen-sama"
Walang-emosyong tiningnan niya lang ito. Hindi niya akalaing si Autumn ay si Chill. Ang babaeng lubos na minahal ni Stone. Grabeng nagtiwala siyang wala na siyang dapat malaman tungkol kay Autumn. Kaya ganon nalang ang kompyansa niyang hindi nalang kilalanin ang tunay na pangalan nito dahil nakita niya naman ang pagmumukha nito.
Gusto niyang ikuyom ang mga kamao niya at bigyang ng malakas na sipa ang sikmura ni Autumn.
'She doesn't deserve my attention.'
Pigil niya sa sarili niya at tinalikuran ito.
Hindi na siya pumasok sa sunod na klase at nagpunta nalang siya sa paboritong pahingahan niya. Mag-dadalawang oras din siyang nagpahinga doon. At kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa magandang simoy ng hangin at payapang lugar.
Ngunit ganon nalang kumunot ang noo ni Queen ng may narinig siyang pamilyar na boses na papalapit sa banda niya. Naging malakas ang pakiramdam niya at nagtago siya sa ibabaw ng puno.Tinanaw niya sa ibaba hindi nga siya nagkamali na pamilyar nga ang boses na iyon.

Nakita niya ang dating nakaaway niya noon. Si Shirley at Stacey. Mga bata ni Autumn. Nakikinig lang siya doon sa taas.
" Shirley, ano na sabi ni Papa P? " kinikilig na sabi ni Stacey sabay silip sa iphone nito habang busy sa pagrereply..
"Parating na daw siya, my god! Kinikilig nako. Para bang lihim kaming nagtatagpo.Pero loyal parin ako kay Papa Stone ah."
"Oi wag ka. Kay miss Autumn lang yon si Papa P no.Ngunit kahit na Shirley. Ang gwapo kaya ni Papa P. Wala naman si miss Autumn. Kaya alam na this!"
"Alam naman natin eh kung anong pakay niya satin.Stacey."
Naging interasado naman si Queen sa pinag-uusapan ng dalawa ng mabanggit nito ang pangalan ni Autumn.
"OMG! Ayan na siya."
Napakunot ng noo si Queen ng makita niya si Hawk.
"Uhm. What is it that you need mr. P-Phantom." Nahihiyang sabi ni Shirley.
"I only need some confirmation." Binigyan ng napakamatamis na ngiti ni Hawk ang dalawa. Klarong-klaro namang muntik ng mahimatay ang dalawa sa kilig.
Seryoso lang na nakinig si Queen. She has that feeling, na kailangan niya talagang pakinggan ang pag-uusap ng tatlo. Hindi niya ugali ang mag-eavesdrop. Dahil sa malakas talaga ang pakiramdam niya ay ito siya ngayon.
"What is it?" Pacute na sabi ni Shirley.
" I want to confirm, kung totoo nga bang may kambal si Autumn."
"H-ha. W-wal--"
"Yes po Papa P! Ouch!" biglang siniko ni Shirley sa pagputol sa kanya ni Stacey. Pinandilatan ni Shirley si Stacey at binigyan ng 'Bawiin mo!' look. Inismiran lang siya ng babaeng kasama.
"What is the truth!" natigilan silang dalawa sa pagtaas ng boses ng lalaki.
"Y-yes po." Nagsitanguan silang dalawa dahil sa gulat. Nakakatakot sila ngayon kay Phantom.
"Leave." Dali-dali naman silang umalis.
"Autumn!" Galit na saad ni Hawk and gritted his teeth at tuluyan ng umalis.
Habang si Queen ay naguguluhan sa nangyari. But all is clear to her. May nalalaman si Fryle sa mga nangyayari. Natatawa nalang si Queen na tumalon sa puno.
'I almost trusted you Fryle'
She said and bitterly smiled.
Naglakad-lakad muna siya ng makita niya si Autumn. Lalapitan niya sana ito at komprontahin ngunit bigla itong pumasok at napagtanto niyang clinic pala iyon. Napakunot naman ang noo niya. Dahil kuryuso siyang anong ginagawa nito sa clinic. Ganon nalang ang gulat niyang nandoon si Stone.
'Bakit anong nangyari sa kanya?Okay lang naman siya nong tinalikuran ko siya ah.'
She shook her head. Dahil bago iyon sa pakiramdam niya. Ang mag-alala.Napataas ang dalawang kilay niya ng biglang hawakan ni Stone ni Autumn at ngumiti. 'Yong ngiting hindi niya pa minsan nakita. It was a warm smile that is full of love.
Wala sa sariling napatalikod siya. Napahawak sa dibdib niya.
'How can I let that guy taste his own medicine, when he's totally in love with that damn girl. '
Sabi niya sa isip niya habang patuloy na naglalakad.
'Hindi ako yong tipong naghahabol.Mamamatay mona ko bago ko gawin iyon. I believe he once love me, at wala akong ginawa na kahit ano para maging ganoon siya sakin noon. And I can do that again.Hindi pa ako nagkamali sa mga computations ko.'
Yeah tama si Queen. Malakas nga pakiramdam niya, bakit hindi niya nararamdamang mahal pa siya nito. Pinipigilan lang nito ang nararamdaman nito para sa kanya.
Hindi niya namalayan na napunta na pala siya sa canteen.Wala rin namang tao dito maliban sa mga cashier. Ng makita niya si Hawk na nakaupo doon. Umupo siya sa harap nito. At ganon nalang ang gulat ng binata.
"Q-queen. Bakit ka nandito. Bakit ka di pumasok?"
"Same question."
Natahimik naman ang kausap niya. Queen is angry. At hindi niya na maitago iyon. Lalong-lalo ng nalaman niyang may hindi sinasabi ang kaharap.
"Alam kong may alam ka. Sabihin mo na baka magbago pa ang isip ko at ituturing pa kitang kaibigan."
Hindi si Anaconda o si Queen ang kausap niya ngayon. Kundi ang pinagsamang ugali ng dalawa. Napalunok naman si Hawk. Hindi dahil sa takot kundi dahil mas lalong umastig ang dating ng babaeng kaharap niya.Lalong-lalo pa sa suot nitong leather jacket. Napakurap naman siya ng sinamaan siya ng tingin ni Queen.

Falling For The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon