FFTQ 29

22 2 0
                                    

Chapter 29: New Beginning Part 2
Queen’s POV

Papalapit na ako kay Stone na nooy tinalikuran nito ang pinto. Bigla akong natawa sa gulat na ekspresyon niya.
I don’t understand myself right now. Galit ako sa lalaking kaharap ko ngayon, ngunit bigla-bigla nalang iyong nawawala kapag kaharap ko na siya. Lalong-lalo na ang mga reaksyon niyang nakakatawa.
“Am I that scary?” I said and mocking smiled. Inaayos niya ang sarili niya. 
“Sino ka naman at katakutan ko?”
Napawi ang pagkangiti ko. Natigilan ako doon.He just sarcastically said it without a different meaning. Ngunit iba iyon sa pandinig ko. ‘Yong mismong sa bibig niya galing. Nagflaflashback lahat ng nangyari noong bata pa ako. Yong mga palagi akong kinidnap haggang sa natuto akong lumaban , hanggang sa naging Queen, at sa naging fiancée ko ang lalaking ito.

When I met this guy, lubos na nakilala ko ang sarili ko. Lumalabas ang mga katangian na hindi ko akalain na meron ako.Binalewala ko ang batas na nooy hindi ko akalaing lalabag ako.Mataas ang kompyansa ko noon dahil alam kong hindi ako iibig, ngunit kinain ko lang pala iyon. Wala na akong dapat itago. It’s better for me to reveal my other identity , dahil kung huli niya itong malaman, ako pa mismo ang masasaktan. I don’t want that to happen. Hindi na ako papayag na mababawasan ang pride ko.
I look at him with full of resolve. Seryoso akong nakipagtitigan sa mga mata niya. Nakakunot ang mga noo niyang tumingin sakin. Ngunit sandali lang iyon, at ngayon ay seryosong nakipagtitigan din siya sa mga mata ko.
“Sino ka nga bang talaga?” seryoso ngunit naguguluhang sambit niya.
Nakapagdesisyon nako. Wala na akong pakialam kung ano ang susunod na mangyayari.
“I’m Queen and I am a Gangster.” Walang emosyong saad ko sa kanya.
Nakita ko ang takot sa mga mata niya.
Tumalikod ako, ayaw kong makita niyang naapektuhan  ako sa naging reaksyon niya. Ang matakot sakin ang mga tao ay ang katangiang gusto ko sa sarili ko. Ngunit bakit ganito, nasasaktan ako sa reaksyon ng lalaking hindi ko lubos maisip na matatakot din pala sa akin. I bitterly smiled. Ngunit napalitan iyon kaagad ng lungkot.
“Hey!E-Ezee! Are you okay?”
Napalingon ako sa likuran ko ng may nagsalita na pamilyar na boses.

****************

AUTUMN’S POV

I excuse myself from the class, I am not obligated to study. I was about to go in the restroom when I saw Stone. I arched a brow when I saw that he was looking so pale. He suddenly looks at my direction. It was too late for me to hide, kaya lumapit na ako.
I was startled when I walk closer towards him. Hindi biro ang pagiging pale niya. I can see how his body is trembling.
‘My God! What is happening to this guy? May sakit ba siya.’

“Hey!E-Ezee! Are you okay?” nagugulat na sabi ko ng tuluyan na akong nakalapit sa kanya.
Pilit siyang umayos ng tayo, ngunit ng parang matutumba na siya ay napipilitang kinuha ko ang mga kamay niya. Inakbay ko iyon sa balikat ko. I have the urge to throw his arm when it touches my shoulder.
I feel that he was really weak. I turned around because the clinic was in that way. I suddenly feel out of breath when I saw Anaconda.
She was looking at me with no emotion. But I can feel the intensity of her eyes. Galit siya. Nagsimulang manghina ang mga binti ko at nagsisituyuan ang kalamnan ko. I felt that I need her permission to breath.
Ngayon ko pa ulit siya nakita simula noong umalis siya patungong Japan. Hindi ko pa siya nakausap, lalong-lalo na ako na ngayon si Chill, and the new fiancée of her ex-fiancee.
“Q-Queen-sama.” Wala sa sariling sambit ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Hindi nagbago ang emosyon niya. Tumalikod lang siya at umalis at doon na ako nakahinga ng maayos. Doon ko lang napagtantong, nakaakbay pala sakin si Stone.
Binalewala ko muna ang takot na nararamdaman ko. Dahil mukhang nawawalan na ng malay ang lalaking ito.

*****************

STONE’S POV

Naimulat ko ang mga mata ko ng makaamoy ako ng baho ng alcohol. I find myself lying on a bed. Naibangon ko ang sarili ko. Nasa loob ako ng school clinic. Inikot ko ang paningin ko, at ako lang ang nandidito sa loob. I look at my watch and it is already 3:30pm.

Falling For The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon