FFTQ 42

23 4 0
                                        

Chapter 42: The Lost Memories Part 1
==*==
[NO SIDE]
"Isang taon nalang ang kulang mga tol. Gagraduate na tayo." Masayang saad ko sa mga kaibigan ko dito sa hide out namin. Naglalaro kami ngayon ng billiard.
"Matagal pa iyon Edison. Maraming araw pa ang dadaan." Nakatinging saad sakin ni Nato habang itinira ang bola.
" Kung hindi dahil kay Tisoy, hindi tayo makakapera." Dagdag naman ni Weng-weng habang pinupunasan ang tako.
Totoo naman ang sinabi niya. Kapag nananalo si Stone ay samin napupunta ang premyo niya. Hindi niya daw kinakailangan ng pera. Iba na talaga pag mayaman.
"Wag kayong palaging umasa diyan sa pera ni Tisoy. Alam niyo namang panandalian lang ang pagsali niya sa grupo. Pagnag-sawa na, aalis din iyan." Napalingon naman kaming tatlo kay Roldan na nooy nagninigarilyo. May punto din naman siya. Kapag nangyari man iyon, wala namang problema dahil may ipon naman ang bawat isa saming grupo.
" Makiiba nga, sabi ni Malik dadating na daw si --"
"M-mga t-tol!!"
Napalingon kami sa nakabukas na pintuan at nakita namin si Malik na pinagpapawisan.
"Saan ka nanggaling?" tanong ni Weng-weng.
"Mga tol! Susugod dito ang mga tauhan ni Dos!!"
"Ano'ng susugod? Kailan pa tayo nagkaroon ng atraso sa isang miyembro ng SFA?" naguguluhang saad ko sa kanya. Kahit mga kasama ko ay nakakunot ang noo sa sinasabi niya.
"Ewan ko. Habang papunta ako rito, nakita ko ang mga tauhan niya na nakaarmado at may dala-dalang batuta."
"P*ta! Umalis na tayo dito." - Nato
"Mas mabuti pa nga." – Weng-weng
"Sinong may sabing aalis? Mga duwag pala kayo. Walang mangyayaring masama satin dahil wala tayong atraso sa mga ugok na iyon. Kung meron man, matagal na nila tayong sinugod."
Bigla naman kaming naturingan sa sinabi ni Roldan. Nagpasyahan muna naming huminahon at maghintay. Ilang segundo ay narinig namin ang mga yapak sa inaasahan naming bisita. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mapalagok.
Tumingin muna ako sa mga kaibigan ko. Halata kay Malik, Nato at Weng-Weng ang kaba. Kahit ako ay nagsimula naring kabahan. Ngunit salungat samin si Roldan. Naglakad siya patungo sa pintuan. Akma naman ang pagpasok ni Dos kasama ang mga bata niya, tig-lilima sa kaliwat, kanan niya. Mas kinakabahan pa ako ng makita ko ang mga dala nila. May dalawang taong may dalang baril, tatlong taong may dalang kutsilyo at ang iba ay batuta at tubo.
"Ano'ng ginagawa ng isang SFA dito sa teritoryo namin?"
Ngunit hindi sinagot nito ang tanong ni Roldan.
"Nasaan si S'Magnifiko?" galit na saad nito.
"Wala si Tisoy dito." Sagot naman ni Roldan.
"Papuntahin niyo siya dito."
"Bakit naman namin gagawin iyon?" Ako na mismo ang sumagot. Mukhang si Tisoy mismo ang may atraso sa kanila.
"Dahil kung walang S'Magnifiko ang lilitaw dito, kayo mismo ang ipabubogbog ko." Susugod na sana ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ngunit si Roldan na mismo ang gumawa noon at kinwelyuhan siya.
"Aba! Naghahamon kaba? Akala mo natatakot kami sayo? Sa mga bata mo?"
Hindi man lang ito natinag sa ginawa ni Roldan. Ngumisi itong ipinitik ang kanang kamay niya. Nakarinig kami ng putok ng baril. Nakita nalang naming nakahandusay na si Roldan sa sahig at duguan ang kanyang kanang paa. Hindi naman kami nakalapit sa kaibigan namin na nooy namimilipit sa sakit dahil may nilabas siyang baril at itinutok sa isa samin. Gusto naming lumaban ngunit mas lalo pa kaming mapapahamak dahil may mga baril silang dala.
"Sa uulitin ko. Kung walang S'Magnifiko ang lilitaw dito,isa-isa ko kayong pagbabarilin. At wag niyong palalampasin na sa ulo niyo na mismo tatama ang bala nitong baril ko." Sabi niya at ngumisi. Itinutok niya ang baril ulit kay Roldan at hindi nagdadalawang isip na ipinutok iyon. Ngayon ang isang binti na naman ng kaibigan namin ang tinamaan. Nagkukuyom na ako sa kamao ko dahil sa galit. Kahit sila Nato at Weng-weng ay nag-aapoy na ngayon sa galit. Lumapit si Nato at Malik kay Roldan upang tulungan siya. Bago pa itinutok ulit ni Dos ang baril niya sa mga kaibigan ko. Ay nagsalita ako.
"T-Tatawagan na namin ngayon si Tisoy." Napipilitan na sabi ko. Baka silang dalawa na naman ang babarilin nito. At isa pa, hindi namin alam kung ano ang atraso ni Tisoy sa kanila. Hindi ko din hahayaang mangyari na mapapahamak kaming lahat na hindi man lang nalalaman kung ano ang dahilan. Kinuha ko ang cp ko sa bulsa ko at sinimulang idenial ang numero ni Tisoy. Ngunit walang sumagot. Idenial ko ulit ngunit wala parin. Nakita kung kumunot ang noo ni Dos.
"Hindi ko siya makontak." Sabi ko sa kanya.
"Niloloko mo ba ako?!" galit na sigaw at itinutok sakin ang baril. Nagsimula na akong kinabahan. Tinawagan ko ulit si Tisoy. Mas kinabahan pa ako ng makita ko ang mga kamay ni Dos na hinawakan ang click ng kanyang baril habang nakatutok parin sa akin. Ilang segundo ay sinagot narin ako ni Tisoy.
"Hello~"
"TISOY!"
"Napatawag ka Noside?"
Nakita ko ang malaking pagngisi ni Dos. Tumingin ako sa mga kaibigan ko lalong lalo na kay Roldan na nooy hinang-hina na ngayon. P*ta!!
"K-KAILANGAN NAMIN NG TULONG MO!! PAPATAYIN NILA K –" napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman ko ang isang balang tumama sa dibdib ko.
"Fvck!!" rinig ko pa sa kabilang linya. Nabitawan ko ang cp dahil nahihirapan na akong huminga. Naririnig ko pa ang sigaw ni Nato. Ngunit nagsimula ng manglabo ang mga mata ko.

Falling For The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon