FFTQ 43

27 5 0
                                    

  Chapter 43: The Lost Memories Part 2
===*===
"Liko po sa kanan at idiretso niyo lang po." Saad ni Malik kay Wave na nooy nagmamaneho ng sasakyan. Sinunod niya naman ang sinabi nito.
"Pwede mo bang sabihin kung anong nangyari?" tanong ni Wave.
"Bigla nalang dumating si Dos sa territoryo namin at hinahanap si S'Magnifiko, ang kaibigan naming si Stone. Ngunit wala siya doon. Sinaktan niya ang mga kasama ko upang papuntahin lang siya doon. Sigurado akong nandoon siya ngayon, mag-isa." Paliwanag nito.
"Ganoon ba." Pagkumbinsi ni Wave. Hindi niya naman maiwasang tumingin sa front mirror upang makita ang reaksyon ng taong nasa likod nila, si Queen. Ngunit nakapikit lang ito habang nakapandekwatro at nakacross-arms. Hindi niya talaga inaasahan sa sinabi nito sa lalaking katabi niya ngayon.
"Dito lang po tayo. Baka makita tayo ng mga bata ni Dos. Nakalimutan ko pong sabihin na may dala silang baril." Sabi ni Malik ng makalapit na sila sa kanilang destinasyon. Sinunod naman ito ni Wave. Binagalan niya ang takbo ng kanilang sasakyan at pinatay ang makina.
"Nandito napo tayo Miss Nagi." Sabi ni Wave habang nakatingin sa salamin. Napatingin naman si Malik. Ganoon nalang ang pagkunot ng kanyang noo ng makita niyang nakapikit parin ito.
"Uhm, mukhang hindi ka niya narinig baka natutulog. K--" Mahinang bulong niya kay Wave.
"I'm not asleep." Putol nito sa kanya habang iminulat ang dalawa nitong mata.
"Wave." Tawag nito.
"Ano po iyon Miss Nagi."
"Stay here."
"Hindi po—" hindi na siya nagpatuloy na magsalita pa dahil seryoso itong nakatingin sa kanya.
"This will only take a minute. Prepare the car after that." Wala namang magawa si Wave kundi ang tumango hanggang sa nakalabas na ito ng sasakyan at sinundan nalang nila ito ng tingin papasok sa isang gusali. Napatingin naman siya kay Malik ng akto itong lalabas.
"Dito lang tayo."
"Bawal po bang umihi?"
==*==
[STONE]
"F*ck!" singhal ko ng maramdaman kong namamanhid ang dalawang binti ko dahil sa tama ng baseball bat. Napaluhod ako sa sahig habang hawak ang door knob ng pinto. Ngunit napabitaw ako dito dahil may biglang pumalo sa gilid ng ulo ko at napatilapon. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.
"Ito lang pala ang ikabubuga mo. Nasaan na iyong "Newbie Destroyer." na iniidolo sa SF Arena. Hah!"
Napaubo ako ng tinapakan ni Dos ang aking sikmura. Mas lalo pa niyang nilakasan ang pagkatapak ng paa niya. At ngayon mas nakaramdam ako ng sakit dahil sa nakasandal ako sa isang haliging kahoy.
"H-hindi ko akalaing, ang 'Dos' sa SFA ay isang duwag." Nakangising tugon ko kahit na nanghihina na ako.
"Duwag?" Sagot niya sakin na mukhang wala lang sa kanya.Naibsan ng kunti ang sakit sa aking sikmura ng inalis niya ang nakapatong na paa niya.
"Alam mo ba kung bakit ako ang "Dos" sa SFA?" Dagdag niya at napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Dahil lahat ng nagsasabing isa akong duwag ay hindi ko pa pinalabas ng buhay." Bigla naman akong kinabahan dahil napakaseryoso ng kanyang mukha. At sa sitwasyon ko ngayon, hindi nako makakalaban pa.
"Calling me a 'coward' is a death sentence." Sabi niya at tumalikod. Bigla niyang itinaas ang kanang kamay niya sa ere at pinatunog iyon. Isa-isang sumugod sakin ang mga bata niya. Pinagpapalo at pinagtatapakan nila ang sikmura at mukha ko. Hindi ko na gaanong maibuka ang mga mata ko dahil sa namamaga na ito. Hindi ko na mararamdaman ang mga kamay at paa ko. Wala na akong nararamdamang sakit sa sunod sunod na pagsipa at palo nila. Natatawa nalang akong isiping babalik na naman ako sa ospital. At ang tanong, aabot ba ako doon.
*BLAGG!!!
Bigla silang nagtigilan sa ginagawa nila sakin dahil sa malakas na tunog na iyon. Kahit nahihirapan ay ipinilit kong ibuka kahit isa sa mga mata ko. Doon ko nakita ang dalawang lalaki na nakahandusay sa sahig habang hinihigaan nito ang sirang pintuan. Iyon iyong mga batang pinalabas niya kanina nina lang.
Nadagdagan pa ang mga nakahandusay sa sahig ng may isang lalaking biglang tumilapon.
"What the f*ck! Sinong nandiyaan?!" Naiiritang saad ni Dos. Alam kong kahit likod niya lang ang nakikita ko ay alam kung gulat at konpyusyon ang nasa itsura niya. Kahit ako ay hindi maiwasang magtanong kung sino ang may gawa ng pagtilapon ng mga bata niya at hindi ako sigurado kung isa sa No Mad ang may kagagawan nito ngayon.
"TANGINA!!" Dagdag na mura ni Dos ng may sumunod pang dalawang taong tumilapon.
"B-bos D-os.." Nahihirapang saad sa isa sa kanila. Ang apat ay wala ng malay. Lumapit siya dito.
"Sinong may gawa nito sa inyo?!"
"Ako."
Kahit hindi ko pa siya nakikita ay pamilyar na sa akin ang boses niyang iyon. Hindi nga ako nagkamali ng unti-unti siyang pumasok sa loob at sandaling tumama ang mga mata niya sa paningin ko. May kakaiba akong nararamdaman ngayon sa presensya niya. Ramdam kong naranasan ko na ang eksenang ito.
"Aggh.." napapikit ako at napahawak sa ulo ko ng bigla itong sumakit. Nagsimulang lumitaw sa ala-ala ko ang isang babae. Mukha sasabog ang utak ko ng sunod-sunoran ang pangyayari hanggang sa hindi ko na kinaya ang sakit.
==*==
Ng tuluyan ng makapasok si Queen sa loob ng gusali ay binilisan niya ang paghahanap kung saan man naroroon ngayon si Stone. Ng malaman niyang nasa panganib ang buhay nito ay hindi niya maiwasang mag-alala. Kanina pa siya hindi mapakali. Hindi niya lang ito pinahahalata. Pamilyar sa kanya ang nararamdaman niya ngayon ngunit wala siyang oras tanungin ang sarili kung bakit at paano, ang importante ngayon ay mahanap niya ito. Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama dito. Tumigil muna siya sa paglalakad at napahawak sa kanyang noo.
"Tsk.." Singhal niya sa sarili dahil na siguro sa pagmamadali ay nakalimutan niyang tanungin si Malik kung saan ito makikita.
"Sino ka?" Napalingon siya ng may biglang nagsalita sa likuran niya. Nakita niya ang isang nakavonnet na lalaki na may dalang isang tubo. Nagsidatingan naman ang apat na kasamahan nito na may dala-dala ding matitigas na bagay. Sila iyong pinalabas ni Dos upang sundan ang ang nakatakas na miyembro ng No Mad.
"Kasamahan siguro 'to ni El'Magnifiko?" sabi ng isang kasamahan nito. Mukhang hindi na kailangan ni Queen ang bumalik doon sa labas.
"Pumili kayo. Sasabihin niyo sakin kung saan ko siya makikita o pipilitin ko kayong sabihin iyon sakin. " maawtoridad na saad niya sa mga ito. She doesn't want to waste another second.
"Sorry miss. Maganda ka pa naman ngunit wala kaming pinipili kung sino man ang babangga kay bos Dos. At isa ka na doon."
"Now I get my answer." Walang emosyong saad niya dito at mabilisang sinugod ito. Binigyan niya ito ng isang malakas na sipa. Naalerto naman ang apat pa nitong kasamahan at isa-isa siyang sinugod. Ngunit kahit isa sa kanila ay walang nakatama sa kanya. Dahil wala siyang panahong makipagbagbakan pa dito ay isa-isa niya itong pinalikutan ng kanilang braso at malakas na sinipa ang kanilang paa. Ilan sa kanila ay nakaupo at nakahandusay sa sahig.
"Where is he!" nawawalan na talaga siya ng pasensya. Hindi na talaga siya magaalin-langang balian ito ng mga buto. Lumapit siya sa lalaking nakavonnet na nooy nakatayo na sa pagkatilapon nito dahil sa malakas na sipa niya. Ramdam niyang isa-isa naring nakatayo ang mga kasama nito. Ngunit imbis na sagutin siya nito ay binigyan lang siya nito ng ngisi. And there she really losed her patience. She gathered all her strength and kick him. Dahil sa napakalakas na sipang iyon ay napasamang tumilapon ang kasamang nasa likuran nito at bumangga sa isang pintuan ngunit kahit ito ay bumigay at kasamang bumagsak sa sahig.
"What the f*ck! Sinong nandiyaan?!" rinig niyang sigaw sa loob ng silid na binagsakan ng pintuan. And seems like she already found the place.
"Lagot na..." naagaw ang atensyon niya sa isang lalaking pasugod sa kanya ngunit inunahan niya na ito at napasunod ito sa mga kasamahan niya. Magkasabay ding sumugod ang dalawa ngunit bigo sila at nagaya sa mga kasamahan nila.
"TANGINA!!" rinig niyang mura sa tao sa loob. Sinimulan niya ng humakbang papasok doon.
Ilang hakbang nalang ay tuluyan na siyang makakapasok. Dahil sa mga nakaharang na bricks hindi niya gaanong nakikita ang mga tao sa loob at mukhang hindi din siya ganoong nakita ng mga ito.
"B-bos Dos.."
"Sinong may gawa nito sa inyo?!"
"Ako." Sagot niya at tuluyan na siyang nakapasok. Agad na tumama ang paningin niya kay Stone na nooy bugbug sirado. Hindi niya maiwasang maikuyom ang kamao niya sa matinding galit. She turns her gaze towards the man that is responsible for it.
"Who the hell are you?!" nanlilisik matang saad ni Dos sa kanya. Ngunit imbis na sagutin niya ito ay walang ano anoy umikot siya upang pagbayarin ito sa ginawa nito kay Stone. Ganoon nga ang nangyari, natamaan niya ang batok nito dahilan upang itoy mawalan ng malay.
"Lumapit kayo sa akin at susunod kayo sa kanya." Banta niya. Bigla namang nagatrasan ang mga ito dahil narin sa takot. Hindi pa nila nakitang bumagsak ang bos nila sa isang tira. Agad namang lumapit siyang lumapit kay Stone naa nooy wala ng malay. Isinakay niya ito sa balikat niya at sinimulang buhatin.
"Tell him that if this guy doesn't wake up, I'll be his worst nightmare." Galit na saad niya. Nagsitanguan naman ang mga ito at tuluyang na siyang lumisan sa lugar na iyon.
------
"How's my son's condition Doc Santos?" nag-aalalang sambit ni Rolnna sa doctor ng mabalitaan nitong may nangyaring masama sa kanyang anak.
"He suffered from serious physical injury. But don't worry he is already in good condition. He will wake up very soon." Sabi ng doctor sa kanya. Nagkahinga naman siya ng maluwag.
"Thank you Doc."
"Your always welcome Rolnna. I need to go, may susuriin pa akong pasyente." Paalam nito at tuluyang ng lumabas. Ganoon naman din ang pagpasok ng kaibigan ng kanyang anak.
"Good evening Tita." Sambit ng apat.
"Would you mind to explain what happened to my son?!" Galit na sabi niya. Noong una kunting galos lang ang natatamo ng anak niya kaya pinalalampas niya ngunit ngayon ay hinding-hindi na baka sa susunod mas grabe pa ang mangyayari dito.
"For that Tita, hindi po namin alam." Senserong sagot ni El sa kanya. Hindi naman niya maiwasang magtaasan ng kilay.
"Anong hindi alam? He said he forgot something and left." Bigla naman siyang natahimik sa sinabi niya. Dahil kapag pupunta ang anak niya sa mga kaibigan nito ay magpapaalam itong pupunta doon, ngunit hindi.
"We really don't know Tita." Pag-ulit ni Payne. Naniniwala na siya ngayon sa sinabi ng mga ito.
"Sinong nagdala sa kanya dito?" Bigla may kumatok sa pinto.
"Pasok." Sabi niya at may pumasok namang isang binatang lalaki.
"Ako po si Malik. Ako po nagdala sa anak niyo dito." Pakilala nito ang sarili nito. Binigyan lang ito ng "Hindi namin kilalang" tingin ng apat.
"Would you mind to explain what happened, Malik?" tanong niya rito.
"Isa po akong waiter ng isang coffee shop at nagkataon pong nakita ko siyang walang malay sa tabi ng aming shop. May nakakita 'pong napaaway siya at nagkataong may dala itong matigas na bagay at pinagpapalo po siya." Pagsisinungaling nito. Alangan namang sabihin nitong isang gangster ang anak niya. Agad naman siyang nakumbinsi sa sinabi nito. Ngunit ang apat na kaibigan ng anak niya ay hindi. Sigurado silang may kinalaman ito sa pagsali nito sa SF o Street Fight.
"I'm thankful that you find my son."
"Wala 'pong anuman. Mauna na po ako kailangan ko pang bumalik sa trabaho." Paalam nito ng makalabas ito. Hindi nito namalayan na sumunod pala sa kanya si Fros.
"Alam 'kong nagsisinungaling ka pare." Nabigla naman siya sa sinabi nito.
"Meron akong dahilan kong bakit ko iyon sinabi." Sagot niya rito.
"Let me guess, nagsisinungaling ka dahil ayaw mong sabihing isang gangster ang kaibigan namin sa harap ng mommy niya. At salamat pagsisinungaling mo." Nakangiting sabi nito. Hindi na siya magugulat dahil matalik na kaibigan ito ni Stone.
"Saan ba ang coffee shop ang sinasabi mo't pupunta tayo doon oo nga pala hindi pala iyon totoo. How bout sa Star Bucks nalang tayo pre? Upang maikwento mo kung anong totoong nangyari." Wala naman siyang ibang magawa kundi ang tumango.
Sa kabilang dako, pinagalitan si Wave ng doctor ni Queen dahil sa paglabas nito sa ospital na wala man lang pahintulot. Ngunit inasikaso na iyon ni Wave.
"Miss Nagi, sabi ng doctor pwede na po kayong umuwi." Sabi niya kay Queen na nooy nakabihis na ulit sa suot nito kanina ng makalabas sila ng ospital. Pansin niyang kanina pa ito tahimik simula ng bumalik sila rito upang dalhin si Stone.
"Mauna ka na sa labas." Sinunod niya naman ang utos nito.
Sinigurado mo na ni Queen ang makalabas si Wave at tsaka siya lumabas ng kwarto. Kanina niya pang gustong malaman kung ano na ang kalagayan ni Stone. Pwede niya rin naman iutos iyon kay Wave ngunit may parte sa kalooban niya na hindi siya matatahimik kapag hindi niya ito mismo makita.
Pumunta muna siya sa information desk upang magtanong.
"Good evening maam. How could I help you?" tanong ng babae sa kanya.
"Which room number is Stone Garcia admitted?" tanong niya rito.
"Wait a minute maam." Sabi nito at inopera ang computer.
"Room 404 po maam." Dagdag nito.
"Is someone visiting him right now?"
"Yes po maam. But she just left a while ago. Ngunit babalik din po siya agad. Pwede ko po bang malaman kung magkaano po kayo ng pasyente?" Bigla naman siyang natigilan sa tanong nito? Ano ba ang sa tingin niya. They are not even friends and she can't say that she just know him.
"Maam?"
"Ex-fiancee." Halos mabilaukan siya sa kanyang sinabi. Sa lahat ng pwedeng pagpilian niya ay iyon ang sinabi niya.
"Okay po maam. You can now pay him a visit."
Umalis na siya roon at ilang minuto ay dumating na siya sa harap ng pintuan kung saan naroroon si Stone.
Kumatok muna siya upang siguraduhing walang tao sa loob. Ng makasigurado ay tuluyan na siyang pumasok. And there she saw Stone lying on his bed asleep. Expected niya ng hindi pa ito magigising sa ngayong gabi. Mabuti na't hindi na ganoong namamaga ang mga pasa nito sa mukha. Lumapit siya rito at umupo. Hindi niya naman maiwasang titigan ito. Ngayon niya gustong malaman kung bakit ganito nalang ang nararamdaman niya simula noong malaman niyang nasa panganib ang buhay ng lalaking kaharap niya ngayon.
"Why is it when I look at you, I don't recognize you but my heart does. And I am annoyed for wanting to know more about you. Ngayon pa ako naging interesado sa ibang tao higit sa alaala ko." Tumayo na siya upang umalis.
"Goodnight." Paalam niya at tuluyan ng umalis.
Kinabukasan, ay laking tuwa ng magulang at kaibigan ni Stone ng tuluyan na siyang magkamalay.
"Anong pakiramdam mo ngayon anak?" tanong ng ng mommy niya sa kanya. Ngumiti naman siya.
"I'm good. I'm perfectly good." Nagtaka naman ang mga magulang at kaibigan niya sa kasiglahan ng kanyang boses despite sa pangbubog sa kanya kagabi
"Sigurado kabang walang masakit sayo bro?" tanong ni Frost sa kanya.
"Hindi na gaanong masakit ang katawan ko." Sagot niya sa kaibigan niya.
"Are you really sure son. Dahil pwede kanang lumabas ngayong araw sabi ng doctor. I just want to make sure that you are absolutely okay."
"That's good to hear mom. Nangangati na akong lumabas dito at magpahinga sa bahay." Napangiti naman ang ginang dahil mukhang okay na siya.
"Okay, babayaran ko muna ang bills upang makalabas ka na rito." Paalam nito at lumabas. Naiwan sa silang magkakaibigan sa loob.
"Bro, alam namin kung anong nangyari sayo. Sinabi ni Malik sakin at sinabi ko sa kaibigan natin." Sabi ni Frost.
"Ayaw ko munang pag-usapan iyan. Mamaya nalang tayong mag-usap na magkabarkada. Wala sa isa sa inyo ang gusto kong makita at makausap." Kumunot naman ang noo nila maliban kay Eros.
"Queen." Bukambibig ni Eros. Agad namang ngumisi si Stone.
"Anong ibig sabihin ng ngiting iyan Stone?" naguguluhang saad ni El.
"I got my memories back."
==== TO BE CONTINUED ====  

Falling For The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon