FFTQ 32

38 3 1
                                    

Chapter 32: Love Me Like You Do
STONE’S POV
Makalipas ang limang oras ng pagbabantay sakin ni Queen ay nakahinga na ako ng maayos dahil dumating na ang mga kaibigan ko at lumabas. Noong makabalik na siya galing restroom ay sa limang oras na iyon ay napuno ng katahimikan sa buong kwarto at nawasak nalang ito ng dumating sila. Lumabas sina Ell at Eros para bibili ng makakain. At sumama siya sa kanila dahil may bibilhin daw din siya.
“Ano ng nararamdaman mo ngayon Dude?” sabi sakin ni Frost.
“I’m okay now. Hindi na ganoon sumasakit ang mga pasa ko at masakit pa naman ang braso ko ngunit kunti lang naman.” sagot ko habang ginagalaw-galaw ang kanang braso ko na tinamaan ng baseball bat.
“Kilala mo ba sila?May atraso ka ba sa kanila?” sunod na sunod na sabi niya sakin.
“Wala. Kahit isa sa kanila hindi ko kilala. At wala naman akong ginagawang masama sa ibang tao para bugbugin nila ako. At hindi ko din alam bakit nila ako binugbog. Bigla nalang nila akong hinarangan.”
“Sabi ni Tita rineport na daw nila sa Police.Tapos hindi daw nila matukoy sino ang mga iyon.”
Kahit na ako ay gusto kong malaman sino sila at pabayarin sa ginawa nila sa akin.
“Let’s just forget about them. Nga pala kumusta na ang practice niyo?” pag-iba ko ng usapan. Nakakagulo lang sa isip ko ang mga iyon.
“Ako? Okay na okay. Dude.” Nakathumbs up na  sagot ni Frost.
“Ano nga palang genre sa iyo Frost?”
“Secret. Gusto ko kayong surpresahin.Haha” ibinaling ko naman ang atensyon ko kay Payne.
“Sakin ballad.” Sabi ni Payne.
“I see.”
“You only have 3 days to practice Stone. “ dagdag niya.
“Pagkalabas ko bukas na bukas magprapraktice na kami.” Sagot ko kay Payne.
“Kaya mo naba Dude?” nag-alalang saad ni Frost.Tumango naman ako. At kumuha ng tubig at ininom iyon.
“Di ba ‘sexy dance’ ang genra na sasawin niyo ni Queen.So dapat sasayaw kayo with intimate feelings.”
Napaubo naman ako sa sinabi ni Frost.
“Okay ka lang Dude?” sabi niya.
“Sh*t muntik ko ng kalimutan na ‘sexy dance’ pala ang sasayawin niyong dalawa.” Nangisi naman si Payne iyong nakakaasar na tingin.
“Ano namang meron doon?”
“Hindi sa anong meron. Kundi di anong mararamdaman mo?” hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon.
“Natahimik ka dude. May gusto ka pa ba kay Queen? O mahal mo pa ba si Queen? ARAY!!Ano ba Payne?!”
“Wag ka ng magtanong Frost kung bakit kita binatukan.”
“Okay.So ano nga dude?”
“Oo nga naman Stone.”
Seryoso ko silang tiningnang dalawa.
“Wala akong paki kong anong mararamdaman ko. All that matters to me is I love Chill and I don’t want to hurt her.”
“O-Okay.” They said in unison. Napalingon naman kami sa pintuan ng pumasok si Eros at sumunod naman si Ell.
“Hindi ako makapaniwalang si Queen may gawa non” Sabi ni Ell na habang isinara ang pinto.
“I better stay out of her way kung ayaw kong magaya sa kanila.” Dagdag naman ni Eros. Nagkakunot naman ang ulo naming tatlo dahil hindi namin alam ang sinasabi nila. Ng malapit na sila samin ay nagsalita si Payne.
“Ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa? At nasaan si Queen?”
“Nandoon sa public ward si Queen.” Sabi ni Eros at inilagay sa gilid ko ang dala niya.
“Anong ginagawa niya doon?” tanong ko. I am curious. Umupo muna sila sa may sofa.
“Hindi mo nasabi samin Stone na si Queen pala nakakita sayo.”
“Paano niyo nalaman?” gulat na saad ko. Natatandaan ko pang hindi ko iyon sinabi sa kanila. At wala akong intensyon na sabihin iyon.
“Sinabi samin ni Queen.” Eros answered. Nakinig lang ako sa kanila. I don’t expect na siya na mismo ang nagsabi iyon.
“Talaga. Akala ko sina Chill at Hawk nakakita kay Stone. Bakit andon sa public ward si Queen? May naospital bang kilala niya?” sabi ni Payne.
“Kahit na kami ay nagulat doon.Sabi niyang nakita niya si Stone doon na nakahandusay. At sakto namang nakita siya nina Hawk at Chill at sinabihan niyang sila na mismo ang magdala kay Stone sa Ospital. Mas nagulat pa kami sa sunod na sinabi niya.”
Doon na ako nagsalita.
“What did she say?”
“Not say but do.” Sabi ni Eros. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Ell at tumingin sakin. Nakatuon na ang atensyon namin sa kanya. Bigla naman akong kinabahan sa sasabihin niya.
“Sinundan niya ang bumugbog sayo at sinabi pa niyang ‘I let them taste their own medicine.’” Sabi niya at ginaya ang malamig na tuno ni Queen.
“She’s really cool I admit it. Kung wala akong girlfriend.Pupormahan ko talaga si Queen.” Dagdag niya. Nagkasalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.
“Kahit ako aaminin kung crush ko siya. May balak akong iadd siya sa list ng mga babae ko ng maghiwalay na sila ni Stone.But I change my mind. She’s complicated” Dagdag naman ni Payne at natawa.
“Pass ako diyan.Kaya andon si Queen sa Public Ward, hinatiran niya ng pagkain ang mga taong may gawa sayo niyan na binalian niya ng mga buto.” Aniya ni Eros.
“Grabe. Halos lahat sila may bali sa braso at paa.” Dagdag naman ni Ell. Hindi ko naman alam ang nararamdaman ko. Mas lalo nagulat sina Frost at Payne.
‘Sinaktan niya ba ang mga ito dahil sa nangyari sakin?’
‘Knowing that she is a gangster is frightening for me. Ngunit kung ginawa niya ito dahil sa akin. Feeling ko hindi na ako matatakot sa kanya.’

Falling For The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon