Chapter 38: Curiousity Kills the Cat
Lacreuz Corp
Dahil wala sa Pilipinas ang nagmamay-ari ng Lacreuz Corp, ang isa sa kinikilalang matagumpay na kompanya sa Asia, ay pasamantalang nitong pinahawak sa pinagkakatiwalaan nitong tao na nagngangalang Damian, kaibigan ng yumaong ama ni Snow . At kanina pa siya may hinahanap na isang bagay at napansin naman ito ng sekretarya niya
"Sir Damian. Pwede ko po bang ano ang hinahanap niyo baka po may maikatulong po ako." Sabi ng sekretarya.
"May hinahanap akong isang lumang puting sobre." Saad nito habang isa-isang hinalungkat ang pinakailaliman ng kagamitan niya. Noong isang linggo ay iniorganize niya ang lahat ng mga kagamitan niya at nagkataon na ngayon niya lang naalala na hindi niya ito ibinalik sa saktong lalagyan nito.
"Ibig niyo po bang sabihin sir ay iyong mga business letters." Napatigil naman sa ginoo sa ginagawa niya. Bigla siyang kinabahan dahil malaki ang posibilidad na nailagay niya ito sa lagayan ng mga business letters na nooy dapat ng ipadeliver sa kanilang mga cliente. Napasapo siya sa noo niya dahil sa katangahang ginawa niya.
"This is trouble!!" singhal nito na ikinagulat ng kanyang sekretarya. Ngayon pa kasi niya nakitang namomoblema ito.
" Secretary Ge Anne, kailangan ko ang listahan ng mga business clients na nakatanggap ng mga business letters noong isang linggo. I need it ASAP!!"
" Y-yes Sir!!"
Bigla naman naalerto ang dalagita at agarang lumabas.
"Sana mali ang hinala ko." Namomoblemang saad ng Ginoo.
===*===
[STONE]
Sa madilim na parte ng Arena ay hindi ko mapigilan ang maiangat ang isang sulok ng labi ko ng maramdaman ko ang excitement ng marinig ko ang hiyawan ng mga manonood. They were just the same age as me. Almost all of them is college student.
"I'm surprise to see this huge number inside the SF Arena. I'm sure that you are looking forward for this event. Well, let me introduce now the two fighters."
Ng marinig ko ang emcee ay kinuha ko na ang isang puting tela sa bulsa ko. At itinakip iyon sa kalahating mukha ko.
"Putting this on is really disturbing." I whisphered to myself. Talagang pagpipyestahan kami ng media pag nalaman nilang ang nag-iisang tagapag-mana ng ESG Telecom and Transpo ay nagiging basagulero. Kaya kinakailangang magsuot ako nito.
I just don't know myself why I get into these things. Ang naisip ko lang noon ay kung bakit napakahina ko. Palagi nalang akong nabubogbog. Baka iyon ang rason bakit ako pumasok sa mga ganitong bagay. Ngunit noong una akong sumabak sa SF ay nakita ko ang bagong ako. But I am not really certain if being weak is the reason why I choose to become one of the thing that I was most afraid of. Nagkibit balikat nalang ako at nagsimulang iistretch ang mga kamay ko.
"From the left corner, is the representative from 'Red Velvet' and our newbie fighter 'Lady Q'!!!"
"Lady Q? Sounds pretty lame." Natatawang saad ko. Rinig ko naman ang hiyawan sa labas. Lalong lalo na ang mga sigaw ng kalalakihan.
"Maybe this Lady Q is a hotty?" biro ko sa sarili ko.
"And from the right corner, he was once a newbie and now he made his name and known as the 'Newbie Destroyer. Can he still hold up with that title? Let me call in from 'No Mad' , 'S Magnifiko'.
'Ang sarap pakinggan ng 'Newbie Destroyer'. Ang lakas ng dating.'
Lumabas na ako sa liblib na lugar at umakyat ng ring. Habang hindi pinapansin ang malalakas na hiyawan ng mga babae. Bibigyan ko sana sila ng isang kindat ng mahagip sa gilid ng mga mata ko ang isang babaeng nakatayo sa harapan ko.
"Now let's cut the introduction and begin the fight!!"
*TING!!!!!**
Halos nabingi ako sa lakas na pagring na iyon sa isang bell. At doon ko lang namalayang napatitig na pala ako sa kalaban ko. Dali-dali at patay malisya naman akong pumwesto. May silbi din pala itong maskarang suot ko.
Nagdadalawang isip akong umatake dahil ngayon ko palang narealized na hindi ko kayang manakit ng isang babae. Since, I am gentlemen. Pagbibigyan ko muna siya ngayon.
Senensyasan ko siyang lumapit. Hindi ko naman maiwasang uli na pagmasdan siya. Her black suit and her mask bother me.
'Ang lakas ng dating.Kasama pa ang isang koronang hikaw sa kaliwang tenga niya.'
Natigilan naman ako ng maalala ko kung saan ko iyon nakita.
"Anong nangyayari kay S Magnifiko? Susugod na si Lady Q!!!" Doon na ako natauhan ng pagkatapos kung marinig ang sigaw na iyon ng announcer. Saktong paglingon ko ay kitang-kita ko ang isang papalapit na sipa na dalawang centimetro nalang ang layo sa leeg ko. Mabuti at mabilis akong yumuko para umilag tsaka umatras.
"You have good reflexes." Walang bahid na emosyon na aniya. Ngumisi naman ako, ngunit bago pa ako makasagot sa kanya ay sunod sunod siyang umatake. Sipa doon, sipa dito, suntok doon, suntok dito. Habang ako ay panay ilag naman sa mga atake nya.
"Our newbie is pretty good. S Magnifiko is having a hard time.."
'I'm just a gentleman.'
Sabi ko sa isip ko sa komentong iyon ng emcee. Ngunit mukhang mapapasubo na ako dahil unti-unti ay naging mabilis ang kanyang pag-atake. Dahil doon, ay hindi ko na ito mailagan. She suddenly give me a low kick, nasangga ko naman iyon gamit ang dalawang kamay ko. Ngunit dahil sa lakas ng sipa niya ay bahagya akong napaatras sa kinatatayuan ko. Kaya hindi ko na tuluyan nasangga ang susunod na pag-atake niya. She suddenly turn around and gives me a scissor kick. Napapikit ako sa sakit ng sunod-sunod niyang tinamaan ang sikmura ko. Kaya napaluhod ang isang paa ko sa sakit.
Rinig 'kong nagsimulang maghiyawan sa loob.
"Lady Q!!! Ang galing mo!!!"
"Napaka-astig mo Lady Q!!!!!"
"TOO SEXY!!!!!!!!!!!!!"
"S Magnifico!!! Wag kang patalo!!!!!"
"This is trouble for S Magnifico.Two warnings left!!"
I hiss. It's part of the rule. Simple lang naman ang rules, kung sino iyong unang ma TKO, siya ang panalo.And fight has no end until one is TKO. Sa ginawa kung pagluhod ngayon ay isang warning. Kapag lalampas sa tatlong warning ang biglang pagbagsak ko. I lose.
Tumayo na ko at niluwagan ang tali ng isang tela sa may beywang ko. At sinamaan ko ng tingin ang kalaban ko. Habang siya ay nakatingin lang sa akin ng deretso.
'Weakling.'
Iyan ang natatanaw ko sa mga mata niya ngayon. At nakakainsulto ang tinging iyon.
'I'm going to get serious.'
At ngayon ako na ang umatake. Binigyan ko siya ng malakas na sipa para patamaan ang leeg niya ngunit yumuko siya kaya nailagan niya ito.
But she isn't aware that I knew that she will dodge. Hindi ko naman maiwasang sumilay ang isang ngiti sa mga labi ko.
'It's too late. Lady.'
I turn around and give her a kick ngunit bigla akong nagulat ng bigla din siyang umikot para bigyan din ako ng isang sipa. Matatamaan ulit ang sikmura ko. Sinubukan kong itigil ang pagsipa ko sa kanya para umilag ngunit bigla akong natapilok at nawalan ng balanse. At nagkataon sa kanya ako babagsak. Wala sa sarili naman akong napapikit. Dahan-dahan 'kong iminulat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang lambot ng binagsakan ng mukha ko. Ng matauhan na ako kung sinong binagsakan ko ay dali-dali akong tumayo. Ngunit lumaki ang mata ko ng makita ko kung saan bumagsak ang dalawang kamay ko. Wala sa isang iglap akong tumayo na hindi iniinda ang sakit ng tiyan ko.
'Tae!!' Ramdam ko ang katahimikan sa paligid.Gusto 'kong tumalon sa ring at umalis dito. Tumayo nadin siya at walang emosyon akong tiningnan.
'Mukhang wala lang ba iyon sa kanya? I-I just t-touch h-her b-b-chest!'
Shit! I look like a pervert. Kaiinis.. Ngunit bigla naman akong nanlamig ng biglang naging matalim ang tingin niya. I feel her furiousity.
"Umayos ka ng tayo!"
She said in full authority. Agad naman akong napatayo na parang isang sundalo. Napakapamilyar sakin ang pakiramdam na ito.
"Stay still." Nanindigan naman ang balahibo sa galit na tinig niyang iyon. Unti-unti siyang lumapit sakin kahit kinakabahan ay napakunot ang noo ko.
'What is she trying to do?'
Kahit ang mga manonood ay ramdam kong naghihintay din kung anong sunod na gagawin niya. I am feeling more uncomfortable. Napakapamilyar talaga sa akin ang scene na ito.
Mukha namang akong nakuryente ng bigla niyang hawakan ang dalawang balikat ko. Muli akong napatayo ng maayos.
'TAE! Lang..'
Dali-dali akong napapasunod ng babaeng 'to. Si Mommy nga nahihirapan sa akin.
"You." Walang emosyong tawag niya sakin kaya napatingin ako sa kanya.
"What?" naiinis na sagot ko dahil ramdam ko ang paghigpit ng paghawak niya sa balikat ko.
"Y-YOU!!!"
Hindi ako nakareact sa naging reaksyon niya. Her compose voice is gone. Pinagsisihan ko talagang panoorin ang pagbabago ng reakyon niyang iyon dahil hindi ko namalayang may nakaabang na palang malakas na sipa galing sa kanya.
"AWWWW!!!!! Ang sakit noon!!!" rinig kong sabi ng emcee.
"F*ck!!" nagulong-gulong ako sa sakit. Sinadya talaga ng babaeng iyan ang tamaan ang pinagkakaingatan ko.
"Aw, that hurts a lot!! S Magnifico is still on floor!!"
'Tae! Ang sakit talaga...'
Ng maibsan na ang sakit ay tiningala ko ang babaeng sumipa sakin at sinamaan ko siya ng tingin sa makakaya ko.
"Magdasal kang hindi mo iyon mauulit, dahil sa susunod na ginawa mo iyon, magpaalam kana sa mga lahi mo!" banta niya sa akin. Napalunok naman ako at dali-daling prinotektahan ang pinagkakaingatan ko ng bigla siyang tumingin dito. Bigla siyang tumalikod sakin at nagtaka naman ako ng lumabas siya ng ring.Hindi ko muna iyon pinansin, tumayo na ako dahil nakakahiya sa pagkalalaki ko. Eka-eka akong naglakad malapit sa net ng ring para suportahan ang sarili ko.
"Lady Q, hindi pa tapos ang laban?" tawag ng announcer.
'TAE! Parang ikalawang pagkakataon natong nangyari sa akin'.
"I lost interest. I'm done." Napanganga naman kaming lahat sa sinabi niya.
'HAMBOG!'
"So that means, S Magnifico wins!!" Pahayag ng emcee. Marami namang nagreklamo.
Tsk!! Nakakainis ang babaeng 'to ah. Sinamantala niya ang kahinaan ko bilang isang lalaki. She should be thankful dahil maganda siya, may katawan at ahem m-may laman.
'It's guy's nature. Kaya di niyo ko masisisi.'
Nakita nagsimula na uling humakbang si Lady Q, ang laswa pakinggan.
'You'll pay for what you did!' how I wish to shout that at her.
"Ops, ops, Lady Q. Bawal ka munang umalis. This day was quite special. Hindi niyo pa alam kung anong reward ang nag-aabang sa nanalo." Pigil nito sa kanya.Lumingon ulit si LQ in short sa Lady Q.
"Teka. Anong ibig 'mong sabihin?" tanong ko. Usually, ang mga nanalo ay makakatanggap ng malalaking halaga. But I don't need it. Ibinigay ko lang ang mga iyon sa 'No Mad'. Ang gusto ko lang ay may pagkakalibangan. Kaya ganoon nalang ang pagkakyuryoso ko.
"Kailangan sundin ng natalo ang isang bagay na gusto ng nanalo." Paliwanag niya. Hindi ko naman maiwasang mapangisi at tumingin kay LQ.
'Pagkakataon nga naman... it's too good for me. Hahaha'.
It seems that LQ doesn't know anything about this. Dahil naglakad siya pabalik sa ring.
"It seems that Lady Q will continue to FIGHT!!"
Nag-ingayan naman sa loob. Gusto kong matawa, syempre kailangan niyang lumapit ulit dahil kailangan niyang malaman ang ipapagawa ko sa kanya. At tama nga ako. Nakatayo lang siya sa labas ng ring at tumingin sakin.
"Anong gusto 'mong ipagawa sakin." It was not a question. It was a statement. Gusto 'kong mainis ngunit hindi ko muna sisirain ang magandang pagkakataon na ito upang makagante sa ginawa niya ngayon at noong isang araw. Hindi naman iyon inaasahan ng mga tao sa loob. Dahil sa malapit siya sa announcer ay rinig na rinig sa loob ng arena ang boses niyang iyon dahil sa micropono.
'Tae! I just remember na mukhang wala sa hulog ang ipapagawa ko sa kanya.'
Dahil sa kaisip-isip ng isang bagay na makakabawi ako sa kanya ay hindi ko naisip kung anong magiging reaksyon ng mga tao dito sa loob. Of course, I already made my name, at hindi ko dapat iyon dungisan sa isang bagay lang na naisip ko.
Lumapit muna ako kay Hector, iyong emcee at humingi sa kanya ng ballpen at papel.Hindi naman siya nagtanong at ibinigay agad sakin ang hinihingi ko. Tsaka, doon ko isinulat ang bagay na ipapagawa ko kay LQ. Isang bagay na napakasimple. It just composes of two words.
" Oho. Ano kaya ang bagay na ipapagawa niya sa newbie nating si Lady Q at kikailangan niya pa itong isulat? " ~ emcee.
I folded the piece of paper at ibinigay ko kay LQ. Kinuha niya naman iyon habang iniiwasan pa talagang magkadikit ang mga balat namin sa kamay.
"Manyak."
Walang salitang tumalikod siya at umalis habang ako ay nakaewang naka-awang ang bibig.
"A-ano? M-manyak??" hindi makapaniwalang sabi ko. Nagtawanan naman ang mga tao sa loob. Dahil rinig na rinig nila iyon.
'Sh*t! Lagot ka sakin babae ka.Manyak ha!'
===*===
Third Person's POV
Ng tuluyan ng makalabas si Queen sa SF Arena ay agad naman lumapit sa kanya si Wave.
"Miss Nagi, gusto niyo po bang papasabugin ko ang bungo ng lalaking iyon? Wala 'pong kapatawaran ang ginawa niya sa inyo." Galit na saad ni Wave. Ng makita niya ang insidenteng iyon ay gusto-gusto niyang umakyat ng ring at bugbugin ang nakalaban ng kanyang amo. Nagpipigil lang siya kanina dahil sa dami ng taong nanonood.
"Alam ko. Dapat sinigurado 'kong hindi makakatayo ang manyak na iyon." Bigla namang nawala bigla ang galit na nararamdaman ni Wave kay S Magnifiko. Dahil sa inis na inis na ugaling ipinakita ngayon ni Queen. Ngayon niya lang kasi nakitang ang ekspresyon niyang iyon. Natural na dito ang pagkablanko ng mukha at pagkakalma.
"At hinding-hindi ko gagawin ang bagay na nakasulat sa loob nito." tukoy ni Queen sa papel na ibinigay ni S Magnifiko. She crumpled the paper and throws it somewhere. Ng makapasok na siya ng tuluyan sa kotse ay dali-dali naman itong kinuha ni Wave.
Mabuti at hindi ito napansin ng kanyang amo. Dali-dali niya itong binuksan at binasa.
"Date Me.."
Halos lumuwa ang mata niya sa gulat ng makita niya ang laman ng sulat. Hindi niya mapigilan ang sarili ang punitin ito ng punitin. Nang pino na ang mga piraso ng papel ay doon niya na itinapon. Sinigurado niya talagang hindi ito mabasa na kahit sino.
"Grabe, ang kapal ng mukha!" sabi niya at pumunta na ng kotse hanggang sa tuluyan na silang umalis. Ngunit hindi nila alam na sumunod pala sa kanila si S Magnifiko aka Stone ng makalabas na sila ng SF Arena.
'Kilala ko iyong babaeng iyon ah. That proves, na tama ang hinala ko na ang Lady Q na nakalaban ko ay walang iba kundi iyong babaeng hindi ko maalala.' Sabi ni Stone sa sarili niya ng makita niya si Wave na nooy papunta na sa loob ng kotse. Dahil lang sa hikaw na suot ni Lady Q ay naalala niya agad kung saan niya ito nakita. Noong araw na nandoon siya sa Airport at nakasalubong niya ang babaeng ito. Ngayon, mas nagiging curious siya kay Queen dahil mukhang kinakailangan niya talaga siyang kilalanin. Mismo tadhana na ang nagpapalapit sa kanilang dalawa. Ang inis na nararamdaman niya kanina ay biglang naglaho at napalitan ng matinding pangangailangan na kilalanin si Queen at ang unang hakbang noon ay ang bagay na isinulat niya sa papel.
'Ang makadate si Queen.'
Ngunit base sa nakita niya kanina ay wala itong balak.
"Tae!" singhal niya ng nakalimutan niyang ilagay kung kailan at saan iyon mangyayari. Hindi muna na siya babalik sa loob dahil sa kahihiyan na nararamdaman niya. Gustuhin niya mang malaman ang tungkol sa pagiging Lady Q nito ay wala parin siyang makukuhang informasyon dahil kahit na ang SF Authority ay screen name lang at ang grupo ng gang ang alam nila. Kahit pupunta pa siya ngayon sa No Mad ay wala itong maibibigay na informasyon. Baka hindi mismo informasyon ang ibibigay ng mga ito kundi ang hagalpak na tawa. Kaya napagdesisyonan nalang niyang umuwi at hihintayin ang pagkakataong maghaharap sila muli. Wala pa sa isang hakbang ang paglakad niya ng may biglang tumawag sa kanya sa likuran.
"Hoy! S Magnifiko!!!"
Laking gulat niya ng makita niya si Frost kasama ang tatlo niya pang kaibigan. Tuluyan na silang nakalapit sa kanya habang siya ay pilit na itinatago ang gulat niya ng makita sila.
"Grabe! Hindi namin akalain na ang galing mo palang makipaglaban," saad ni Frost at bigla siyang inakbayan.
"Dude!!!"
"Tsk!" singhal niya. Hindi na siya magtataka kung nakilala siya ng mga kaibigan niya.
"We are really surprised Stone."Manghang-mangha na dagdag ni Payne.
"Iyan pala ang dahilan bakit minsan bugbog sirado ang mukha mo Stone." Natatawang saad ni El.
"I'm curious why you didn't tell us about this?" bigla namang napalingon sina El, Payne,Frost kay Eros.
"Sinabi niyo ba agad sakin ang tungkol sa amnesia ko?" bigla naman silang tumahimik sa sinabi ng kaibigan nila. Galit pa siya ngayon sa kanila sa katotohang iyon.Ngunit may bigla naman sumagi sa isip niya.
"Alam niyo ba kung saan ko siya makikita? Knowing that you know her, sigurado akong may alam kayo." Tumango naman silang apat. Ayaw na nilang maglihim pa sa kaibigan nila.
"Good!" nagagalak na saad ni Stone. Kahit papaano ay napatawad niya na ang mga ito.
He don't hold grudges for too long. Nakahinga naman ng maluwag ang apat ng nakangiti sa kanila ang kaibigan nila.
"Bakit mo naman naitanong Dude?" saad ni Frost. Naging seryoso naman ang mukha ni Stone at sinagot ang kaibigan niya.
"Gusto ko siyang makilala."
A/N:
By the way, I dedicate this chap to the Cuesta sisters especialy Algean.Grabe puno ang FFTQ page notification ko sa comment and likes. Thanks for sharing and supporting FFTQ (.
Alam kong nabitin kayo sa chap na to, tsk, tsk. Pagpasensyahan niyo na sir author. Sadyang kunti lang talaga ang oras na naiilalaan ko sa pagsusulat ng FFTQ. Ngunit kahit ganoon, nakakapag-update parin ako every weekend. Tsaka, thanks to a one of FFTQ reader dahil my isang idea akong nakuha. I will dedicate the next chap kung sino iyong maganda ang reaction sa chap. We are almost there mga readers,kaya be patient...I'm signing out. See you soon.
Up Next Chapter 39: The Amnesia Couple!
BINABASA MO ANG
Falling For The Queen
Lãng mạn"I think I am sure now that I am falling inlove with you now Queen." "You shouldn't fall for the Queen." "And If I do?!" "You'll die!!"