FFTQ 21

37 2 0
                                        

Chapter 21: Surprise Comodo

A/N:
Itatranslate nalang ko po sa tagalog lahat. Nasa Japan kasi ang setting dapat Japanese. So instead po ganon isipin nalang po natin na tagalog at engles ang ginagamit nila salamat.

Comodo's POV

"Boss! Boss! May masama pong balita.." hinihingal na tugon sakin sa isa sa mga leader ng grupo ko. Nandito kami ngayon sa sa pribadong lugar na ako at ang mga bata ko lang ang may alam.Nasa ilalim ito ng parking area ng pagmamay-aring kompanya ng aking magulang.Hindi alam ng mga magulang ko na sikrito ko itung ipinatayo.

Sa ilalim ng parking area. May secret passage ito kaya impossible makita ng iba napakatago.
Kung makakapasok ka ay ang lawak nito. Halos singlawak ito ng isang soccer field. At hindi mo masasabing matatagpuan ito sa ilalalim ng parking lot. May game city at gumbling section. Meron ding racing field na naka arko. Meron ring para sa paglalaban o kickboxing at malaking bar. Ito ang pinapangarap kung lugar.

At ang lugar na ito ay tinatawag kong Reptiles Den. Kung saan ang gang ko ang Comodo's Party ay lumulungga.

We are gangsters pero hindi yung ordinaryong gangsters na makikita niyo sa tabi tabi ng daan na nakikipagbasag ulo na nakikipaghambugan. We do not rule the streets but we rule the city, we rules Japan. Thats what kind of gangster we are. Isa-isa ay may mayayaman at talentado. Wala ngi isang mahirap. Wala ngi isang bobo. Wala ngi isang hindi magaling makipaglaban. Wala ngi isang takot mamatay ipaglaban lang kung anong meron sa kanila.

Lahat ng negosyante ay may maskara. At nakikipaghambugan sa yaman na meron sa kanila. Yan ang katotohanan at sa underworld mo lang ito makikita kung saan ang pinakayaman sa lahat ang numumuno, ang nagkokontrol sa larangan ng negosyo. At matatagpuan ang mga mafia lord. Isa na doon ang mga magulang ko.

"Ano iyun Sawa." Nagkuryosong tanong ko.

"Nandito po ang mga Prodigies. Nasa itaas po sila." ibig niyang sabihin sa taas ay sa parking lot.

"Nasa tatlompo po ang bilang nila boss.Pinangunahan po ito nila Shadow,Pink at Black Panther." Ngumisi lang ako. Kahit ano ang gawin nila ay hindi nila matutun-ton ang lugar na ito.

"Ang lakas ng loob nilang sugurin tayo. Ganon naba tayo ka dilikado sa kanila para makuha natin ang kanilang territoryo.Magandang pagkakataon ito dahil wala ngayon sa Japan ang pinakamalalakas sa kanila, Si Bulls Eye at ang Queen nilang si Anaconda.Tatlompo lang silang lahat at tatlo lang ang nandon sa labindalawang prodigies sugurin mo sila sa taas. Dalhin mo ang isang daang bata mo at patumbahin sila!"

"B-boss yun po ang p-problema.." nakayukong saad niya.

"Anong problema yang sinasabi mo Sawa?!" galit na sigaw ko.

"Tatlompo ho silang lahat.Ngunit isa lang po ang kumilos para patumbahin ang isang daang bata ko."

"ANO?!!!Totoo ba yang sinasabi mo??!!Sawa!!!"galit na galit na sigaw ko.
Hindi ako makapaniwala. Lahat ng bata niya ay magaling sa pakikipaglaban. Kilala ang grupo ni Sawa sa paggamit ng martial arts.

"O-po Boss.Kaninang umaga po ay may narinig po kaming impormasyon na reresback ang kampo nila. Ayun po hindi pa po tumirik ang araw ay pinangunahan ko na ang pagbantay sa parking lot kasama ang isang daang bata ko.Dahil bilin niyo po sakin ang pagbabantay sa secret passage. Nagkubli po kaming lahat sa paligid at mga ilang minuto ay gulat nalang po naming may dumating na mag-isa sakay ang motor nito at huminto sa parking lot at lumilinga linga. Hindi napo namin hinayaang bumaba siya ay sinensyasan kung sumugod ang tatlong bata ko ngunit hindi paman sila tuluyang nakalapit ay nakalipad na po sila sa ere.Hindi po namin napansin na may dumating na isa pa pala siyang kasama at sinipa yung tatlong bata ko. Naalerto po ako at sinensyasang sugurin silang dalawa. Laking gulat ko nalang na nakahandusay na silang lahat at ang iba ay namimilipit sa sakit. Napakalakas at napakahusay po. Isa laban sa isang daan.Napakalakas niya po b-boss." mahabang kwento niya at tumingin sa gawi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi kapanipaniwala ang sinasabi niya.

Falling For The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon